Alam Niya ang Iyong Pangangailangan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

”Kaya huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o susuotin. 32 Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.” (Mateo 6:31-32 MBBTAG) 

Gusto ni Jesus na ang kanyang mga tagasunod ay malaya mula sa pag-aalala. Sa Mateo 6:25–34, nagbigay siya ng hindi bababa sa pitong argumento na idinisenyo para alisin ang ating pagkabalisa. Isa dito ang tumutukoy sa pagkain, inumin, at damit, at sinasabing, “Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6:32).

Ang ibig sabihin ni Jesus ay ang kaalaman ng Diyos ay sinasamahan ng kanyang pagnanais na tugunan ang ating pangangailangan. Binibigyang-diin niya na mayroon tayong Ama. At ang Amang ito ay higit pa sa anumang ama dito sa lupa.

May lima akong anak. Gusto kong matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Pero ang aking kaalaman ay hindi umaabot sa kaalaman ng Diyos sa hindi bababa sa tatlong paraan.

Una, sa ngayon hindi ko alam kung nasaan ang alinman sa aking mga anak. Maaari akong manghula. Nasa kanilang mga tahanan sila o sa trabaho o sa eskwela, malusog at ligtas. Pero maaari rin silang nakahandusay sa bangketa dahil sa atake sa puso.

Pangalawa, hindi ko alam kung ano ang nasa puso nila sa anumang oras. Maaari akong manghula paminsan-minsan. Pero maaaring may nararamdaman silang takot, sakit, galit, pagnanasa, kasakiman, kasiyahan, o pag-asa. Hindi ko makita ang kanilang mga puso. Hindi rin nila lubos na kilala ang kanilang sariling mga puso.

Pangatlo, hindi ko alam ang kanilang hinaharap. Ngayon ay maaaring mukha silang maayos at matatag. Pero bukas ay maaaring may malaking kalungkutan na dumating sa kanila.

Ibig sabihin, hindi ako maaaring maging malakas na dahilan para sa kanila upang hindi mag-alala. May mga bagay na maaaring mangyari sa kanila ngayon, o maaaring mangyari bukas, na hindi ko pa alam. Pero ibang-iba ito sa kanilang Ama sa langit. Ang ating Ama sa langit! Alam niya ang lahat tungkol sa atin, kung nasaan tayo, ngayon at bukas, sa loob at labas. Nakikita niya ang bawat pangangailangan.

Idagdag pa rito, ang kanyang malaking pagnanais na matugunan ang ating mga pangangailangan. Tandaan ang “mas higit pa” sa Mateo 6:30, “Kung gayon ang Diyos ay nagbibihis sa damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay itinatapon sa hurno, hindi ba niya lalo pang bibihisan kayo?”

Idagdag pa rito ang kanyang ganap na kakayahan na gawin ang kanyang inaasam na gawin (pinapakain niya ang bilyun-bilyong ibon kada oras, sa buong mundo, Mateo 6:26).

Kaya sumama ka sa akin sa pagtitiwala sa pangako ni Jesus na tugunan ang ating mga pangangailangan. Iyan ang ipinapatawag ni Jesus nang sabihin niya, “Alam ng iyong Amang nasa langit na kailangan mo ang lahat ng iyan.”
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/he-knows-your-need

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Nangingibabaw na Biyaya

Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. (Isaias 57:18) “Matutunan mo ang iyong

John Piper

Dahilan Para Bumalik

“Pabalikin mo kami, O Panginoon, upang kami ay muling magbalik!”  “Walang pag-asa ang mga tao ng Diyos maliban kung sila’y ibalik ng Diyos mula sa