Ang Bintana Ng Puso

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. (Hebrews 12:3)

Ang isa sa mga pinaka kapansin-pansing kakayahan ng isipan ng tao ay ang kakayahan nitong i-direkta ang kanyang atensyon sa bagay na piliin nito. Pwede tayong tumigil sabihin sa isip natin na “Ito ang isipin mo at huwag iyon.” Kaya nating i-pokus ang ating atensyon sa isang ideya o isang larawan o isang problema o isang pag-asa.

Ito ay Kamanga-manghang kapangyarihan. Duda ako na ang mga hayop ay mayroong ganito. Malamang ay hindi sila nagmumuni-muni sa kanilang mga sarili, bagkus ay pinangungunahan sila ng kanilang impulse (udyok) at instinct (likas ng ugali).

Hindi mo ba ginagamit ang mahusay na sandata na ito sa arsenal ng pakikidigma laban sa kasalanan? Tinatawag tayo ng Bibliya ng paulit-ulit na gamitin ang kamangha-manghang regalo na ito. Kuhain natin itong regalo na ito mula sa istante at pagpagin ang mga alikabok at gamitin.

Halimbawa, sabi ni Pablo sa Romans 8:5-6 “Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.”

Ito ay nakamamangha. Kung ano ang itakda mo sa isipan mo ang siyang magtutukoy kung ang usapin ay tungkol sa buhay o kamatayan.

Marami sa atin ang naging masyadong passive sa ating paghahanap ng pagbabago at kabuuan at kapayapaan. Pakiramdam ko’y sa therapeutic age na ito ay bumagsak tayo sa passive mindset na “pakikipagusap upang malampasan ang problema” o “pakikitungo sa mga isyu” o “pagtuklas sa pinag-ugatan ng ating pagkasira sa pamilyang pinagmulan natin.”

Pero may nakikita akong mas agresibo, hindi passive na approach sa Bagong Tipan upang magbago. Katulad ng, ang pagtakda sa iisipin, “Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa” (Colossians 3:2).

Ang ating emosyon ay naapektuhan ng malaki ng mga bagay na ating binubulay – kung ano ang mga iniisp natin. Halimbawa, sinabi ni Hesus na pagtagumpayan natin ang pagkabalisa sa pamamagitan ng mga binubulay natin, “Tingnan ninyo ang mga uwak…Tingnan ninyo ang mga bulaklak” (Luke 12:24, 27).

Ang isipan ay bintana ng puso. Kung hahayaan natin na ang isip natin ay palaging manahan sa kadiliman, ang puso ay makakaramdam ng kadiliman. Ngunit kung bubuksan natin ang bintana ng ating isipan sa liwanag, ang puso ay mararamdaman ang liwanag.

Higit sa lahat, ang mabisang kakayahan ng ating isipan na mag-pokus at magbulay ay sinadya para pagbulayan si Hesus (Hebrews 12:3). Kaya gawin natin ito, “Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob.”

This audio transcript was translated by Gino Orcullo and was originally written by John Piper. To read the original version, click here.

Gino Orcullo

Gino Orcullo

Gino Orcullo is a member of Lifehouse Church in Makati/Taguig. Finished a degree in Mass Communication major in Broadcast Communication but working as a Web Developer in Makati. A sinner who is saved by grace alone, through faith alone, in Christ alone to the glory of God alone.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit