ANG CHURCH MO ANG IYONG PAMILYA

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Matagal ko nang alam ang kahalagahan ng mga salitang “brother” at “sister” kahit bago ko pa sya gamitin o sabihin sa church. Kahit noong bata pa ako, madalas kong marinig na may kausap ang mga magulang ko sa telepono, curious kung sino ang kausap nila kahit habang ako ay nag-aaral o nagbabasa.

Kahit palagi ko silang naririnig na may kausap, hindi ako gaano interesado sa usapan nila, lalo na kung sila ay mahinahon at kalmado mag-usap ngunit bigla kong naririnig ang aking ama na tinatawag na “brother” ang kausap niya at bigla akong mapapatingin sa kanya kahit sa gitna ng aking pag-aaral.

Kalaunan ay nalaman kong ang kausap niya ay isang miyembro ng aming simbahan, at regardless kung ano man ang pakay niya, maaring tumatawag siya tungkol sa hindi magandang resulta ng kanyang diagnosis o kaya naman ay dadaan siya sa amin para manghiram ng silya, ay may epekto ito sa aking buhay.

ANG ATING BROTHERS AND SISTERS

Sa biblical terms, ang mga tao sa ating simbahan ay ang ating pamilya, katulad ng ating mga kapamilya sa bahay. Hindi tayo ang pumili sa kanila kundi sila ay pinili para sa atin, kaya naman sila ay hindi maitatangging kaakibat na natin palagi. Sa kadahilanang tayo ay nakay Kristo, tayo ay parte ng Kanyang pamilya.

Sa sinulat ni Juan sa nangyari sa Krus, mababasa natin “Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus. (Juan 19:26-27). Sa nasabing deklarasyon ni Hesus, naging pamilya si Juan at Maria sa isa’t isa at pinakita ang lahat ng pagiging tapat na ineexpect natin sa isang biological na ina at anak.

Kalaunan, nang gusto ni Pablo na i-welcome ng Roman church si Phoebe, tinawag niya itong “sister” (Romans 16:1). At nang gusto naman i-commend ni Pedro si Silvanus, tinawag niya itong “a faithful brother” (1 Peter 5:12), at pag ang mga churches naman ang inaaddress ng mga manunulat na apostol, kadalasan nilang tinatawag ang mga ito na “brothers” (o kaya naman ay brothers and sisters). Tunay nga na ang mga tao na nakapalibot sa atin sa simbahan ay ating mga kapamilya.

ANG BUHAY SA ISANG TAHANAN

Ang pagkilala sa idea ng tinatawag na “sibling relationship” ay hindi lang basta pang-intelektwal na usapin kundi magandang katotohanan na nararapat lang na buhusan ng emosyon at makikitaan ng kaaya-ayang expression.

Dahil ang mga taong ito ay kapamilya natin, kinikilala natin ang kanilang mga pangalan (3 John 5), at inaalam natin ang kanilang mga interes, samakatuwid pinapakitaan natin silang lahat ng “brotherly affection” (Romans 12:10) at maingat na tratuhin sila ng equal at walang partiality,(James 2:1) sa daan-daang pamamaraan, sinasabi nating: You are my brothers and sisters, I love you. 

Sa buong New Testament, tayo ay inuutusan ng Diyos na magkaroon ng pag-aalaga sa loob ng local church. Katulad ng makikita natin sa mga epistles, kung saan tinuturuan tayo kung paano palaganapin maging brothers and sisters at tinuturuan tayo “kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buhay” (1 Tim 3:15). Sa lahat ng utos sa mga epistles na ito na dapat gawin ng bawat isa, pinapakita ng mga sulat na ito na ang buhay sa loob ng sambahayan ng Diyos ay patuloy na ipapaalala ang ating katapatan—hindi lang tuwing Linggo kundi maging sa bawat oras sa araw araw.

Ang church ay hindi lang isang man-made society na basta lang nating pwedeng salihan- at bibigla na lang aalis- depende sa level of comfort mo. Di ka inoobliga ng PTA, neighborhood association nyo, o ang library booster club na magsakripisyo pag dumating ang mga pagsubok at problema, Ang pamilya ang gumagawa noon.

At dahil kapamilya natin ang mga hinirang ng Diyos, handa tayong maging maluwag sa ating preferences at priorities para sa kanila (Acts 4:32, Phil 2:3-4). Bubuksan natin ang ating mga puso pati nadin ang ating mga pinto para sa kanila, maglalaan tayo ng silya para sa kanila sa hapag-kainan, at isasama sa ating mga panalangin. Ibabahagi natin sa kanila ang ating mga groceries at maging furnitures katulad ng pagbahagi natin sa kanila ng ating mga ngiti. Dadamayan natin sila sa kanilang mga pagluluksa o pagsubok at maging sa kanilang mga panghihinayang. Hahanap tayo palagi ng paraan upang ipakita ang ating pagmamahal para sa kanila.

At dahil dito, iexpect na natin na hindi na kailanman para sa atin ang ating mga kayamanan at maging ang ating free time, bagkus asahan natin na karagdagang pighati pero asahan din natin ang karagdagang ligaya.

SI HESUS NA ATING KAPATID

Higit pa sa ordinaryong karanasan sa mga taong kasama natin sa loob ng local church ang pinaka-ligaya ng ating pagiging spiritual family. 

Ang ating joy ay nang-gagaling lamang kay Kristo na ating kapatid, na Siyang nagpapalaganap sa lahat na maging katulad Niya. Sinabi sa Romans 8 na “alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito’y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid.” (v.29) Ang kabuuang larawan ng pagliligtas ay may ganitong pagsasalarawan: Isang malawak na pamilya kung saan lahat ay patuloy na humahalintulad sa kanilang panganay na kapatid.

Ngayong alam natin ito, Maari tayong magalak sa particular na mga tao na binigay sa atin ng Diyos bilang mga brothers and sisters, kahit sila’y maituturing na kakaiba o kadalasa’y di kaaya aya, dahil sa kanila, ay nakikita natin si Kristo. Sa kanilang patuloy na paglago sa loob ng pamilyang ito, ang kanilang character at conduct ay patuloy na humahalintulad sa Kanya na minamahal nating lubos. At dahil sa gawain ng Kanyang Espiritu, pinapangaral nila ang Salita Niya, nagagalak sa Kanyang kapamaraanan, namumuhi sa Kanyang mga kaaway, isinasalarawan ang Kanyang kabanalan, at pinaglilingkuran ang Kanyang pinapagawang pakay. The more na sila—at tayo—ay nagiging wangis ni Kristo, the more na mamahalin natin sila.

Mababasa natin sa isa sa mga mahalagang talata sa Salita ng Diyos na tinignan ni Kristo ang kanyang mga hinirang sa simbahan at “hindi niya ikinahihiyang tawagin silang mga kapatid.” (Heb 2:11) paano nangyari ito? Paanong hindi Niya ikinakahiya ang tulad nila na ordinanaryo, mahina, at kadalasang mahirap pakisamahan na kapamilya? Hindi Niya ikinahihiya sila dahil patuloy na nabubuo ang wangis Niya sa kanila at Siya ay kumpyansa na darating ang araw – na dahil sa Kanyang ginawa para sa kanila – ang kanilang transformation ay mabubuo din. (Heb 2:10-18, Gal 4:19). Kinagagalak Niya na Siya ay makilala sa atin dahil ang ating pagkakakilanlan ay matatagpuan sa Kanya.

Habang sinasang-ayonan natin ang relationship na meron tayo para sa kapamilya natin sa local church at ipakita ang ating pagmamahal sa kanila, Malakas din nating i-tetestify sa mundo na hindi tayo nahihiyang ituring silang bilang kapatid—hindi dahil sila ay perpekto kundi dahil sila ay ginawa para satin na para bang kaisa isang kapatid na kailangan ingatan.

Para sating mga Christian brothers and sisters, may nakikita tayo sa kanila na hindi nakikita ng mundo, nakikita natin mismo si Kristo sa kanila.
This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by Megan Hill of TGC. To read the original version, click here.

Megan Hill

Megan Hill

Megan Hill is a pastor’s wife living in Massachusetts and an editor for The Gospel Coalition. She is the author of three books: A Place to Belong: Learning to Love the Local Church (Crossway, May 2020), Contentment: Seeing God’s Goodness (P&R, 2018) and Praying Together: The Priority and Privilege of Prayer: In Our Homes, Communities, and Churches (Crossway/TGC, 2016). Her writing has appeared in various publications including Christianity Today, The Washington Post, Today in the Word, Reformation 21, Focus on the Family, Desiring God, and Tabletalk. She belongs to West Springfield Covenant Community Church (PCA). You can follow her on Twitter or Instagram.
Megan Hill

Megan Hill

Megan Hill is a pastor’s wife living in Massachusetts and an editor for The Gospel Coalition. She is the author of three books: A Place to Belong: Learning to Love the Local Church (Crossway, May 2020), Contentment: Seeing God’s Goodness (P&R, 2018) and Praying Together: The Priority and Privilege of Prayer: In Our Homes, Communities, and Churches (Crossway/TGC, 2016). Her writing has appeared in various publications including Christianity Today, The Washington Post, Today in the Word, Reformation 21, Focus on the Family, Desiring God, and Tabletalk. She belongs to West Springfield Covenant Community Church (PCA). You can follow her on Twitter or Instagram.

Related Posts

Jon Bloom

Patnubayan Mo ang Iyong Puso

“Sundin ang iyong puso” ay isang pamilyar na kasabihan – isa sa mahalagang salita ng pop culture – na kumakatawan sa isang paniniwala na ang

Marshall Segal

Honor the Parents God Gave You

Honor your father and your mother, that your days may be long in the land that the Lord your God is giving you. (Exodus 20:12) Why