Ang Diyos Ang Siyang May Kontrol

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kapag tayo ay hinahamon ng isang napakahirap na tungkulin, isang gawain na ayaw
nating isagawa agad, ang pinakamadaling bagay na ating ginagawa ay ito ay isantabi
muna.

Aking narinig sa iba na ang ibig sabihin nito ay “proactive procrastination” – isang
palagiang sinasadyang hindi pagtupad ng isang gawain. O, katulad ng sinasabi ng
isang cartoon karakter, huwag natin gawin ngayon araw ang mga gawain na
kaya naman natin isantabi at gawin bukas. Palaging na pupunta tayo sa ganoong
sitwasyon. At minsan dinudugtungan natin ito na ipinagpapasa Diyos na lang natin
ito. Hindi ito aking problema, hayaan kong na lang ang Diyos na siyang
lumutas.

Noong panahon ng Lumang Tipan, ang scribe na si Ezra-isa sa mga dakilang leader
ng Israel-ay mayroon isang mabigat na tungkulin na nakaatang sa kanya; ang
tawagin ang bayan ng Israel at panaguting sa kanilang kamuhi-muhing paguugali sa
harap ng isang mapagpalang Diyos. Ang Diyos ay naging matapat, pinanumbalik niya
ang Israel sa Lupaing Pangako, ngunit sila muli ay hindi naging tapat sa Kanya.
Ayaw niya na asamin na gawin ito. Kaya nangusap ang Diyos sa kanya sa
pamamagitan ng isang tao na nagngangalang Shecania, na sinabi:
Ezra 10: 4, 5 (Ang Salita ng Diyos) Tumayo po kayo, dahil tungkulin nʼyo na
gabayan kami sa mga bagay na ito. Magpakatatag kayo at gawin ang nararapat.
Tutulungan namin kayo.” Kaya tumayo si Ezra at pinanumpa niya ang mga
namumunong pari, mga Levita, at ang lahat ng mga Israelita, na gagawin nila
ang sinasabi ni Shecania. At nanumpa sila.

Maaring may isinasantabi ka na isang mahirap na tungkulin, at umaasa ka na
maiipasa mo ito sa Diyos, at ngayon ay narinig mo ang kanyang tinig na nagsasabi na
ito ay iyong resposibilidad, pero, pero, pero… Ang Diyos ang may kontrol. Hindi ba niya ito kayang gawin?

Oo, Ang Diyos ang Siyang may kontrol. Ngunit hindi Niya gustong makita ka na
hawak ang pala at manalangin na magkaroon ng butas ang lupa. May mga tungkulin
na kaya nating gawin, kahit ito ay ayaw natin, kahit ito ay may angking kahirapan.
Kaya tumindig ka, dahil ito ay iyong resposibilidad. Maging matatag at
isakatuparan mo ito.

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.
Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.

Related Posts

Alistair Begg

Panatilihin ang Sabbath, Unang Bahagi

“Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.” Exodo 20: 8 (Ang Dating Biblia, 1905) Sa buong kasaysayan ay may mga Kristiyano na may mabubuti

Alistair Begg

Tinatapos ng Diyos Ang Kanyang Sinimulan

“Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.” Filipos 1:6 (Magandang Balita Biblia) Kapag may

John MacArthur

Pastor: Priyoridad ba ang Iyong Kabanalan?

Ano ang Dulot ng Pragmatismo Nababawasan ang interes sa kabanalan at ang pagiging maka Diyos sa henerasyong ito ng mga nakababatang pastor dahil sa pragmatismo.