Ang Kamatayan ay Humahantong sa Mabuting Buhay

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa’t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon. Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?– Jesucristo, Lucas 9:23-25 (Ang Dating Biblia, 1905)

Isa ito sa mga”paradox” na pundasyon ng biyaya. Hindi natin mauunawaan ang gawain ng pagtubos ng Diyos kung hindi natin aalaming maigi ang “paradox” na teolohiyang ito: Ang kamatayan ay humahantong sa buhay.

Paano natin i-didefine ang mga salitang “mabuting buhay”? Ano sa palagay mo ang isang bagay na hindi tayo mabubuhay kung wala nito? Ano isang bagay na may kakayahang magpabuti o magsira sa ating araw?

Ano ang mayroon ang iba na nagiging dahilan para mainggit tayo? Kung makakakuha ka lang ng isang bagay, ano kaya iyon? Ano ang sinasabi sa iyo ng paggamit mo ng pera tungkol sa kung ano ang mahalaga sa iyo?

Ano ang ihahayag kaya ng isang video sa inyong nakaraang anim na linggo tungkol sa kung ano ang nakakapukaw sa iyo?

May pagkakataon ba na kung saan hinahanap mo sa nilikha na ang tanging makakapagbigay lamang nito ay ang Lumikha?

Dahil napaka-obvious ng mga nilikha—makikita ito, matitikman ito, madarama ito, at naaamoy ito—nakakatuksong umasa sa kanila  ng “mabuting buhay.”

Ngunit ang mga nilikha ay ginawa upang ituro sa atin ang Lumikha, na Siya lamang ang nag-iisa at makapangyarihang nagbibigay kasiyahan sa ating puso. Siya ang tinapay na makatutugon sa ating gutom. Siya ang tubig ng buhay na may kakayanang hindi na tayo mauhaw.

Ang pag-aasam sa mga nilikha na hindi naman nilayong gawin ang nararapat sa atin ay hindi lamang magbibigay na pagkabigo sa atin, bagkus aalipinin tayo nito. Ang mga diyus-diyusan ay hindi lamang nagpapabigo sa atin, gagawin tayong addict sa kanila.

Dahil napakaikli ng kagalakang ibinibigay sa atin ng mga nilikha, kailangan nating bumalik ulit, at hindi magtatagal ay kumbinsido na tayo na hindi tayo mabubuhay kung wala ang susunod pagbalik sa kanila. Ang mahigpit nating paghawak sa mga ito ay siya din ang humahawak sa atin, na inuutusan tayo ngayon sa kung ano lamang ang dapat para sa ating Diyos na kontrolin: ang ating puso.

At ano anumang humahawak ng ating puso ay siyang magdidikta ng ating mga salita at pag-uugali.

Sa panahong ng Lent, tinawag tayong alalahanin na ginagawa tayo ng kasalanan bilang mananamba sa diyus-diyosan ng mga nilikha ng Diyos. Binibigyan tayo ng Lent ng panahon sa kalendaryo na huminto sandali at pagnilay-nilayan ang mga bagay na kumukontrol sa atin, sa mga bagay na dumating sa atin na pinagnanasahan ng matindi at minamahal ng sobra natin.

Kung hindi tayo sasagipin ng isang Tao mula sa ating pagsamba sa diyus-diyusan at makamundong paghahangad ng “mabuting pamumuhay,” mawawala sa atin ang ating buhay. Kailangan nating mamatay kung nais nating mabuhay pa tayo.

Ang kamatayan ay humahantong sa buhay. Ang paglapit kay Jesus ay hindi pakikipag-negosasyon, pakikipag-kasunduan, o paglagda sa isang kontrata. Ang paglapit kay Jesus ay kamatayan—ang iyong kamatayan.

Namatay si Cristo upang tayo ay mabuhay. Ngayon hinihiling Niya sa iyo na itanggi ang inyong buhay upang magkaroon tayo ng buhay sa Kanya—tunay, sagana, at buhay na walang hanggan.

Huwag ipaglaban ang pagkamatay ng dati nating buhay; sa halip, ipagdiwang ang bagong buhay na nasa iyo na natanggap pamamagitan ng biyaya at biyaya lamang. At tandaan na patuloy tayong tatawagin ng ating Tagapagligtas na mamatay; dahil ito ang paraan para mabuhay.

Pagpalain Nawa Kayo ng Diyos,

Paul David Tripp

MGA TANONG NA DAPAT PAGNILAYAN

1. Ano ang isang bagay na maaring magpalungkot sa inyo?

2. Ano ang isang bagay maaaring magdala sa iyo agarang kaligayahan?

3. Anong pisikal na mga diyus-diyusan ang lubos na tumutukso sa iyo?

4. Anong mga relational na diyus-diyusan ang nakaakit sa inyo nang lubos?

5. I-review muli ang iyong mga sagot sa mga tanong sa buong devotion na ito. Ano kaya ang kailangan ninyong talikdan, sa panahong ng Lent o panghabang-buhay, na mga diyus-diyusan na dapat tanggalin sa iyong puso?

This short devotional was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Paul David Tripp.  To read the original version click https://www.paultripp.com/wednesdays-word/posts/death-leads-to-the-good-life

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.
Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa