Ang Lunas sa Pagmamataas

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” 14 Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. 15 Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” 16 Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama! (Santiago 4:13-16 MBBTAG)

Tinatalakay ni Santiago ang tungkol sa pagmamataas at kayabangan at kung paano ito nagpapakita sa mga pino ngunit mapanlinlang na paraan. “Nagyayabang ka sa iyong kayabangan. Ang lahat ng ganitong pagyayabang ay masama.”

Kapag kinuha mo ang tatlong kategorya ng tukso sa sariling pagtitiwala — karunungan, kapangyarihan, at kayamanan — bumubuo sila ng malakas na pang-akit patungo sa pinakamataas na anyo ng pagmamataas; partikular na, ang ateismo. Ang pinakaligtas na paraan para tayo ay manatiling pinakamataas sa ating sariling pagtingin ay ang tanggihan ang anumang bagay na nasa itaas natin.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga mapagmataas ay abala sa pagtingin nang mababa sa iba. Sinabi ni C.S. Lewis, “Ang mapagmataas na tao ay laging tumitingin nang mababa sa mga bagay at tao: at, siyempre, hangga’t ikaw ay tumitingin nang mababa, hindi mo makikita ang anumang bagay na nasa itaas mo” (Mere Christianity).

Ngunit para mapanatili ang pagmamataas, maaaring mas simple lang na ipahayag na wala nang anumang bagay sa itaas na pagmasdan. “Sa pagmamataas ng kanyang mukha ang masama ay hindi naghahanap sa kanya; lahat ng kanyang iniisip ay, ‘Walang Diyos'” (Awit 10:4). Sa huli, kinakailangan ng mga mapagmataas na kumbinsihin ang kanilang sarili na walang Diyos.

Isa sa mga dahilan para dito ay dahil ang realidad ng Diyos ay labis na nakikialam sa lahat ng detalye ng buhay. Hindi matiis ng pagmamataas ang malapit na pakikialam ng Diyos sa pamamahala ng sansinukob, lalo na sa mga detalyadong, pangkaraniwang gawain ng buhay.

Hindi gusto ng pagmamataas ang soberanya ng Diyos. Kaya naman, hindi gusto ng pagmamataas ang pag-iral ng Diyos, dahil ang Diyos ay soberano. Maaari itong ipahayag sa pamamagitan ng pagsasabing, “Walang Diyos.” O maaari itong ipahayag sa pamamagitan ng pagsasabing, “Magmamaneho ako papuntang Atlanta sa Pasko.”

Sinabi ni Santiago, “Huwag kang masyadong sigurado.” Sa halip, dapat mong sabihin, “Kung kalooban ng Panginoon, tayo ay mabubuhay, at makakarating tayo sa Atlanta para sa Pasko.”

Ang punto ni James ay ang Diyos ang namamahala kung makakarating ka sa Atlanta, at kung mabubuhay ka hanggang sa dulo ng debosyonal na ito. Ito ay lubhang nakakainsulto sa sariling sapat na pagmamataas — hindi man lang magkaroon ng kontrol kung makakarating ka sa dulo ng debosyonal nang hindi inaatake!

Sinabi ni James na ang hindi paniniwala sa soberanong karapatan ng Diyos na pamahalaan ang mga detalye ng iyong hinaharap ay kayabangan.

Ang paraan upang labanan ang kayabangang ito ay ang pagsuko sa soberanya ng Diyos sa lahat ng detalye ng buhay, at magpahinga sa kanyang hindi maaaring magkamali na mga pangako na ipakita ang kanyang sarili na makapangyarihan sa ating kapakanan (2 Cronica 16:9), na habulin tayo ng kabutihan at awa araw-araw (Awit 23:6), na gumawa para sa mga naghihintay sa kanya (Isaias 64:4), at bigyan tayo ng lahat ng kailangan natin upang mabuhay para sa kanyang kaluwalhatian

Sa madaling salita, ang lunas sa pagmamataas ay ang matatag na pananampalataya sa soberanong biyaya ng Diyos para sa hinaharap.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-remedy-for-pride

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,

Alistair Begg

Paggawa ng Mabuti

Siya’y naglibot na gumagawa ng mabuti.Mga Gawa 10:38 Kaunting mga salita, ngunit isang napakagandang larawan ng Panginoong Hesu-Kristo. Hindi marami ang mga salitang ginamit, ngunit