Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao (1 Cor. 15: 19, Ang Salita Ng Diyos, Tagalog Contemporary Bible). Nahahati ang isip ko sa dalawa: Ang mabuhay o ang mamatay. Gusto ko na sanang pumanaw para makapiling na si Cristo, dahil ito ang mas mabuti. (Filipos 1: 23, , Ang Salita Ng Diyos, Tagalog Contemporary Bible). Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!” Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito’y walang bayad (Pahayag 22: 17, Magandang Balita Biblia).
Panginoong Hesus, ang Langit ang Tahanang palagi naming idinadaing. May puwang sa aming mga puso na ito lamang ang tanging makakapuno. Ito ang tanging “buo” na hinahangad namin sa gitna mundong ito na lahat ay wasak. Salamat sa pagtamo mo para sa amin ng langit at pagpapanatiling mo sa amin para sa langit.
Ang “eternity” (o walang hanggan) na inilagay mo sa aming mga puso (Eccl. 3: 11) na ito’y mas tungkol sa “cardiology” (sa mga pinaglaanan namin ng pagmamahal), kaysa sa “chronology” (kung gaano katagal ang aming buhay). Ang Langit ay hindi ang “pagalis sa magulong mundong ito”, mga kalyeng ginto, mga angel o ang walang humpay na pagawit ng mga awiting pagsamba.
Ang tunay na Langit, una sa lahat, ay ang kasama ka namin—na nakikita ka, at hinuhulma kami na maging katulad mo (1 John 3: 1-3).
Kaya, buhayin mo sa aming kaibuturan ang pagnanais para makasama ka, Jesus. Nawa’y wala nang iba pang bagay na mas mahalaga sa amin kaysa sa Iyo. Panatilihin mo kaming hindi kuntento hanggang dumating ang Araw na iyon na duon mabubuo at malulubos ang amin kagalakan para sa iyo.
At ipakita mo sa amin kung paano gugulin at ibigay ang buhay namin sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba—anuman ang ating bokasyon, panahon ng buhay, at kung anoman relasyon namin sa kanila.
O napakalaking pribilehiyo na maging isang tao na gamitin sa ebanghelyo na kung saan, katulad ng Espiritu ay inuusal namin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay (si Jesus Cristo!); ito’y walang bayad.” Napakaikli ng buhay, at sobrang napakabuti Mo. Kaya isang walang humpay na “Amen” inilalagak namin sa Iyo.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Scotty Smith for The Gospel Coalition. To read the original version, click https://www.thegospelcoalition.org/blogs/scotty-smith/eternity-minded-jesus-hearted-mission-living/