Ang kaakit-akit na utos na “isa’t isa” ng Bagong Tipan ay napakatanyag. Ngunit kung ating iisipin, kapansin-pansin din ang ibang “isa’t isa” na hindi makikita doon.
Halimbawa, pabanalin ang isa’t isa, magpakumbaba sa isa’t isa, suriin ang isa’t isa, pilitin ang isa’t isa, hiyain ang isa’t isa, i-corner ang isa’t isa, gambalain ang isa’t isa, talunin ang isa’t isa, magsakripisyo sa isa’t isa, ipahiya ang isa’t isa, maliitin ang isa’t isa, paghiwalayin ang bawat isa’t isa , hatulan ang isa’t isa, sabay mamuhay ang isa’t isa, ikumpisal ang mga kasalanan sa isa’t isa . . . .
Ang uri ng Diyos na talagang pinaniniwalaan natin ay nahahayag sa kung paano ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Ang magandang ebanghelyo ni Jesus ay naglalagay sa atin na pakitunguhan ang isa’t isa tulad ng isang hari, at ang bawat hindi sa ebanghelyo ay naglalagay sa atin na tratuhin ang isa’t isa na parang dumi. Ngunit susundan lang natin ang anumang pa-horizontal sa kung ano man ang talagang pinaniniwalaan natin nang pa-vertical.
Ang ating mga relasyon sa isa’t isa ay nagpapakita sa atin kung ano talaga ang ating pinaniniwalaan kumpara sa kung ano ang iniisip natin na pinaniniwalaan natin, ang ating mga konbiksiyon na taliwas sa ating mga opinyon. Posible kaya na ang ebanghelyo ay manatili sa mababaw na antas ng opinyon, kahit na tapat na opinyon, nang hindi tumatagos sa mas malalim na antas ng paniniwala. Ngunit kapag nahawakan tayo ng ebanghelyo sa ating mga paniniwala, tinatanggap natin ang mga implikasyon nito nang buong puso. Samakatuwid, kapag minamaltrato natin ang isa’t isa, ang problema natin ay hindi kakulangan ng pang-ibabaw na pagiging mabuti kundi kakulangan ng lalim ng ebanghelyo. Ang kailangan natin ay hindi lamang mas maayos na asal, kundi, higit pa, ang tunay na pananampalataya.
Kung mangyayari iyon ang mundong nanonood sa atin ay maaaring magsimulang madama na si Jesus mismo ay dumating na dito sa lupa:
“Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa’t isa. Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa.” (Juan 13: 34-35, Ang Dating Biblia 1905)
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Ray Ortlund for The Gospel Coalition. To read the original version, click https://www.thegospelcoalition.org/blogs/ray-ortlund/one-anothers-i-cant-find-in-the-new-testament-2/