Ang mga Taktika ni Satanas: Ano ang Ginagawa ng Diyablo Ngayon at Bakit Mahalaga Ito sa mga Mananampalataya

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kapag napapag-usapan ang tungkol sa diyablo o mga demonyo ay hindi maiiwasan natin na magbuo ng mga imahe at ideya mula sa popular sa kultura at katutubong relihiyon. Kung ang pagbanggit kay Satanas ay nagpapahiwatig ng isang imahe ng isang mapula, may sungay  at mukhang halimaw o maaring isang guwapo, magaling sa pananalitang deal maker, lahat tayo ay may mga ibat-ibang naiisip tungkol sa kanya.

Nais nating maging biblikal na matatag kapag tinatalakay ang anumang paksa, ngunit ang mga kwento na nakapalibot kay Satanas ay ang dahilan upang mas magkaroon ng Bibliyang bukas kapag sinisikap nating malaman kung sino ang diyablo at kung ano ginagawa ng kanyang mga kampon.

Saan Nagmula si Satanas

Hindi hinayag sa atin ng Bibliya ang lahat ng bagay na gusto nating malaman tungkol sa pinagmulan ni Satanas, ngunit inihahayag nito na ang diyablo ay isang bumagsak na anghel na may mataas na posisyon  at kapangyarihan higit sa lahat ng iba pang mga bumagsak na anghel. Si Jesus mismo ang naghayag na nasaksihan Niya “si Satanas na nahulog mula sa langit na parang kidlat” (Lucas 10:18, Ang Salita Ng Diyos).

Pinagtibay sa Jude at 2 Pedro 2:4 ang pagkakaroon ng mga naghimagsik anghel. Inilalarawan ng dalawang talata ang mga bumagsak na nilalang na ito na ginapos ng Diyos sa ” di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa malalim na kadiliman, hanggang sa sila’y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom” (Jude 6, Mabuting Balita Biblia).

Sa Ezekiel 28:11–19, inilarawan ni propetang Ezekiel si Satanas habang nagpopropesiya laban sa hari ng Tiro. Inilalarawan ng talata ang diyablo bilang isang nilikha (v. 13) na “isang walang kapintasan” (v. 12, Ang Salita Ng Diyos) at inihagis ng Diyos na “parang dumi” (v. 16, Ang Dating Biblia, 1905) dahil sa kanyang pagmamataas at pagiging masama (v. 17).

Ang pangunahing puntos dito ay ang diyablo ay isang bumagsak na nilikha. Naiwan pa rin iyan sa atin ng maraming misteryo, subalit kailangan nating makuntento sa katotohanang inihayag sa atin ng Diyos kung ano ang kailangan natin—walang labis at walang kulang—at ang ilang “bagay na lihim” ay pag-aari lamang Niya (Deut. 29:29, Ang Dating Biblia, 1905).

Mga Gawa ni Satanas

At dahil nalaman natin ang kasaysayan ni Satanas, mas mapapaghandaan natin ang kanyang mga ginagawa sa kasalukuyan. Tinutukoy ng Pahayag 12:9 si Satanas bilang “nandaraya sa buong sanlibutan (Mabuting Balita Biblia).” Siya ang “nagkukunwaring anghel ng liwanag” (2 Cor 11:14, Mabuting Balita Biblia) at binubulag ng “…diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ” (2 Cor 4:4, Ang Salita Ng Diyos).

Para sa mga pinili ng Diyos, si Satanas ay walang humpay na mang-aakusa na hindi titigil na i-kundena tayo (Pahayag 12:10). Sa katunayan, ang salitang Griyego para sa diyablo ay nangangahulugang “maninirang puri” (slanderer).  Bilang isang “mamamatay-tao buhat pa nang pasimula” at “ama ng kasinungalingan” (Juan 8:44, Ang Salita Ng Diyos), nasa kanyang likas na katangian na “magnakaw, pumatay at maminsala” (Juan 10:10, Ang Salita Ng Diyos).

—————–

Bagama’t hindi natin dapat maliitin kailanman ang mapanlinlang na mga gawain ni Satanas, ang Kasulatan ay lubos na malinaw-na sinasaad na siya ay natalo na.

—————

Sa I Pedro 5:8 tinatawag ang mga mananampalataya na “maging handa” at “magbantay” dahil ang “diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa (Mabuting Balita Biblia).” Ang mapagkubling tuso na pag-uugali na ito ang dahilan kung bakit binabalaan ni Pablo ang mga taga-Corinto na huwag ipagkait na magpatawad, baka sila ay “…malamangan ni Satanas” (II Cor. 2:11, idinagdag ng diin, Mabuting Balita Biblia).

Ang Kasulatan ay hindi nagpapahayag nang mas madiing partikular na detalye kung paano eksakto ang diyablo at ang kanyang mga tagasunod ay kumikilos, ngunit maliwanag na ang hindi pagkakasundo, galit, panlilinlang, kapaitan, kasinungalingan, at lahat ng uri ng makasalanang mga panlalait ay ang mga mapanirang bagay na iniiwan nila.

Maaari Bang Sapian Ng Demonyo ang Isang Kristiyano?

Kung ang diyablo at ang kanyang kampon ay napaka-brutal at mabangis, kung gayon ang isang Kristiyano ay maaaring bang masapian ng isang demonyo? Ang mga ebidensya sa Bibliya ay tila nagsasabi ng sagot na hindi. Bagama’t hindi natin dapat maliitin kailanman ang mapanlinlang na mga gawain ni Satanas, ang Kasulatan ay lubos na malinaw-na sinasaad na siya ay natalo na.

Una at pinakamahalaga dapat tandaan, ang diyablo ay walang kapangyarihan sa Panginoong Jesucristo. Sa Kanyang ministeryo sa lupa, ipinahayag ni Jesus, “ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin” (Juan 12:31, Ang Dating Biblia, 1905). Ang pagkatalo na ito ay nangyari sa krus, kung saan “…nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.” (Col. 2:15, Mabuting Balita Biblia). Sinabi pa ni apostol Juan na “Kaya’t naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo” (I Juan 3:8, Mabuting Balita Biblia).

Sa mga nabanggit, maaari nating idagdag ang paghahari ni Cristo ay  nakakasaklaw sa mga kapangyarihang demonyo ayon sa Efeso 1:20–21, ang Kanyang pagkatalo”sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.” sa Mga Hebreo 2:14(Magandang Balita Biblia), at ang pangako sa Roma 16:20 na si Satanas ay malapit nang durugin sa ilalim ng Kanyang mga paa. Ang patotoo sa Bagong Tipan ay malinaw: ang diyablo ay isang talunang kaaway. Sa cosmic chess na laban niya sa Diyos, na-checkmate na siya.

————-

Ang diyablo ay isang talunang kaaway. Sa cosmic chess na laban niya sa Diyos, na-checkmate na siya.

———–

Bagama’t pinalayas ni Cristo at ng mga apostol ang mga demonyo habang sila ay naglilingkod, wala sa Bagong Tipan na sinasabing sa  mga mananampalataya na tumugon kay Satanas o sa mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila. Sa katunayan, sinasabi sa atin sa 1 Juan 5:18 (Mabuting Balita Biblia) na “hindi sila maaaring galawin” sa sinumang “anak ng Diyos.” Gayundin, sinasabi sa 2 Tesalonica 3:3 (Ang Dating Biblia, 1905), “Nguni’t tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo’y magiingat sa masama.” Kapag inisip natin ang mga talatang ito kasama ng mga talatang nagpapakita ng pagkatalo ng diyablo, isang katibayang na ang isang kampon ni Satanas ay hindi maaaring manirahan sa “templo ng Espiritu Santo” (I Cor. 6:19, Mabuting Balita Biblia)—ibig sabihin, sa loob ng nananamapalatayang puso.

Paano Tutugon ang mga Mananampalataya sa Diyablo

Bagaman ang diyablo ay walang kakayanan na pasukin ng buo ang buhay ng isang mananampalataya, nakakaimpluwensiya pa rin siya at dapat mag-ingat pa rin tayo na maiiwasan na makapasok siya sa ating buhay. Binalaan ni Pablo ang mga banal sa Efeso, “Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.” (Efe 4:26–27, Mabuting Balita Biblia). Malinaw na kung nagpapakita tayo ng mala-diyablong ugali gaya ng galit, poot, panlilinlang at iba pa, binubuksan natin ang pinto para sa diyablo na hilahin tayo pababa sa landas ng kasalanan.

 Habang hinihikayat tayo ni Pablo na iwagsi ang kasalanan, hindi tayo nagkukulang ng kapangyarihan para maging matatag laban kay Satanas. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, malalabanan natin ang kasalanan, at malalabanan natin ang diyablo mismo. Kaya sa matatag na paglaban mismong ito tinawag nina apostol Santiago at Pedro ang mga pinili ng Diyos na: “Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at siya ay lalayo sa inyo.” (Santiago 4:7, Ang Salita Ng Diyos); “Labanan ninyo siya (ang diyablo) at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos.” (I Pedro 5:9, Mabuting Balita Biblia).

—————–

..kung nagpapakita tayo ng mala-diyablong ugali gaya ng galit, poot, panlilinlang at iba pa, binubuksan natin ang pinto para sa diyablo na hilahin tayo pababa sa landas ng kasalanan.

————–

Si Satanas ay hindi omnipotent (ni hindi siya omniscient o omnipresent). Kapag naninindigan tayo nang matatag sa kapangyarihan ng Ebanghelyo—sa natapos na gawain ni Cristo sa Kalbaryo—at kasama ng “kalasag ng pananampalataya, (Ang Salita Ng Diyos)” “na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo” (Efeso 6:16, Magandang Balita Biblia).

Ang Katapusan ni Satanas

Subalit kahit ano pa man ang ating paglaban, sa huli ay hindi ang ating paglaban ang humahantong sa katapusan ng diyablo. Nakita na natin na bagama’t ang pagkamatay ni Cristo sa krus ay nagbigay ng matinding pagkatalo kay Satanas, nananatiling aktibo ang diyablo sa kanyang panlilinlang. Gayunpaman, ang kanyang panahon ay kokonti na.

Darating ang araw na hindi na magkakaroon ng kapangyarihan si Satanas at ang kanyang kampon na mambulag at manlinlang. Inilalarawan sa Pahayag 20:7–10 kung paano balang-araw ay magkakaroon ng huling pagsalakay si Satanas laban sa Diyos at sa Kanyang mga pinili. Ngunit sa pagkakataong ito, ang mga gawa ng diyablo ay magreresulta hindi sa malawakang pagkabulag at kasalanan kundi sa kanyang katapusan: siya ay “itinapon sa lawa ng apoy at asupre” at “pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.” (v. 10, Magandang Balita Biblia).

Ang bawat mananampalataya kay Cristo ay nagtatamasa na ng tagumpay laban sa diyablo ngayon, ngunit sa araw na iyon, hindi na tayo makakatanggap ng kanyang mga masasakit na gawa. Sa araw na iyon, wala tayong matatamasa kundi tagumpay, at mabubuhay tayo kasama ng Diyos at ng Kanyang bayan sa matamis na tagumpay para sa walang hanggan.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://blog.truthforlife.org/the-schemes-of-satan

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit