Kung paguusapan natin yung…alam mo na…ang mga makasalanan, maaring narinig mo na ang kasabihan na “kamuhian mo ang kasalanan pero mahalin mo ang makasalanan” (hate the sin, but love the sinner). Ito’y kalimitang bukambibig ng mga Kristiyano.
Ang lahat ng kasabihan ay iisa lang ang pinagkapareho. Ito ay mas madali silang sabihin kaysa gawin. Kaya naman sa kapanahunang ito na ang mga nagyayari ay puro hindi pagkakaunawaan at alitan na kung saan tayo na nagsasabing sumasampalataya kay Jesus ay madaling naiipit hindi lang sa pagkapoot sa kasalanan pati na rin sa mga nagkakasala. At pagnasa sitwasyon tayong iyon, mas madaling nawawalan ng saysay ang sinasabi ng Salita ng Diyos:
Psalms 97: 10-12 (Ang Salita ng Diyos) Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama. Ang kabutihan ng Dios ay parang araw na sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila. Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon. Pasalamatan siya at purihin ang kanyang pangalan!
Kapag nabasa mo na sa konteksto, ang sinasabi ng manunulat ng salmo ay ang pagkagalit natin sa kasamaan sa sarili nating buhay; ito’y dapat iwasan; dapat tanggihan bilang paraan ng pamumuhay, upang ang liwanag at kaligayahan ay magniningning sa atin.
Kung seseryosohin lang natin ng buong puso ang Salita ng Diyos. Kung kagagalitan lang natin ang ating sariling pagkakasala ng kagaya ng pagkagalit natin sa iba.
Ganito ang sabi ni Charles Spurgeon: Kung kinamumuhian natin ang mga taong may kamalian, o pagusapan sila nang may paghamak, o ninanais natin silang mapahamak, o gawan sila ng mali, ay hindi ito ayon sa Espiritu ni Cristo. Hindi ninyo maitataboy si Satanas sa pamamagitan ni Satanas, ni itama ang kamalian sa pamamagitan ng karahasan, ni daigin ng poot ang poot. Ang tanging mapagpanalong sandata ng Kristiyano ay pag-ibig.
Talagang totoo ito. Pero paano naman ang mga makasalanan na nais manakit sa atin?
Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama.