Ang Pagkaunawa sa Iyong Layuin

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tila may dalawang uri ng mga taong nabubuhay sa mundong ito ngayon – ang mga may matinding layunin, at ang mga wala nito. Tila walang nasa pagitan ng dalawang ito. Kaya alin ka sa dalawa?

Madaling sisihin ang ating mga kalagayan sa kawalan ng layunin. Gayunpaman, nakakita ako ng mga taong namamatay sa kanser, mga taong nabubuhay sa matinding kahirapan, mga taong nagdurusa at inaabuso ng iba na kahit papaano ay nagagawan ng paraan itakda ang kanilang buhay sa isang landas ng pagkamit ng kadakilaan.

Hindi ko ibig sabihin ang uri ng kadakilaan na nangangahulugan ng pagkapanalo ng Nobel Peace Prize o pagiging isang tanyag na mangaawit. Iyan ay maganda at mabuti, pero hindi ito yung kalagayan kung saan napupunta ang karamihan sa atin.

Ang ibig kong sabihin ay ang uri ng kadakilaan na nakakaapekto sa buhay ng ibang tao, kahit na ito ay buhay ng iisang tao lamang – isang ina na inialay ang sarili sa pagpapalaki sa kanyang mga anak upang maging maka-Diyos,at  mapagmalasakit na indibidwal paglaki nila; isang tao na ibinibigay ang kanyang sarili para sa mga nangangailangan sa paligid niya; ang mga taong nilalaan ang kanilang mga lakas para sa kabutihan, kahit na walang mga parangal na makukuha sa kanilang sakripisyo.

Ang ating mga kalagayan ay hindi dapat maging dahilan para sa kakulangan ng layunin.

Efeso 2: 10 “Ito ay sapagkat tayo ay kaniyang mga likha na nilikha ng Diyos kay Cristo Jesus para sa mga mabuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una na dapat nating ipamuhay.”  (Ang Salita ng Diyos)

Ginawa ka ng Diyos sa isang partikular na paraan, na may mga espesyal na regalo at kakayahan para sa iyo. At inihanda Niya ang daan para magamit mo ang mga ito para sa mabubuting gawa; gamitin ang mga ito para pagpalain ang iba; gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian.

Hindi mahalaga kung bata o matanda ka, kung mayaman o mahirap ka, kung  sikat ka o hindi, ikaw ay …  Kanyang ginawa, na nilikha nang may layuning gawin ang mabubuting gawa na inihanda na Niya, para makalakad ka sa mga ito. Diyan naroon ang layunin ng inyong buhay.

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.
Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa