Ang Pagsubok na Nagpaaalala

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. (Panaghoy 3: 21-22 Ang Salita ng Dios) 

Isa sa mga malalaking kaaway ng pag-asa ay ang pagkalimot sa mga pangako ng Diyos. Ang paalala ay isang mahalagang ministeryo. Sinabi ni Pedro at Pablo na sila ay sumulat ng mga liham para sa kadahilanang ito (2 Pedro 1:13; Roma 15:15).

Ang pangunahing Katuwang sa pagpapaalala sa atin sa mga bagay na kailangan nating malaman ay ang Banal na Espiritu (Juan 14:26). Pero hindi ibig sabihin nito na dapat kang maging passive. Ikaw ay may responsibilidad para sa iyong sariling ministeryo ng pagpapaalala. At ang unang nangangailangan ng paalala mula sa iyo ay ikaw mismo.

Ang isipan ay may ganitong kahanga-hangang kapangyarihan: Ito ay maaaring makipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng paalala. Ang isipan ay maaaring “tumawag sa isip,” tulad ng sinasabi sa teksto: “Ngunit ito ang aking naaalala, at kaya may pag-asa ako: Ang matatag na pag-ibig ng Panginoon ay hindi kailanman nagwawakas” (Panaghoy 3:21–22).

Kung hindi natin “tatawagin sa isip” ang sinabi ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili at tungkol sa atin, tayo ay manlulumo. Oh, alam ko ito mula sa masakit na karanasan! Huwag kang magpalugmok sa putik ng walang-Diyos na mga mensahe sa iyong isipan. Mga mensaheng tulad ng: “Hindi ko kaya . . .” “Hindi siya gagawa . . .” “Hindi nila kailanman . . .” “Hindi ito kailanman gumana . . .”

Ang punto ay hindi kung totoo o hindi ang mga ito. Palaging makakahanap ng paraan ang iyong isipan upang gawin itong totoo, maliban kung “tatawagin mo sa isip” ang isang bagay na mas dakila. Ang Diyos ay Diyos ng mga imposible. Ang pagrason sa iyong sarili upang makalabas sa isang imposibleng sitwasyon ay hindi kasing epektibo ng pagpapaalala sa iyong sarili na gumagawa ang Diyos ng mga imposibleng bagay.

Kung hindi natin ipinaaalala sa ating sarili ang kadakilaan, biyaya, kapangyarihan, at karunungan ng Diyos, tayo ay bumabagsak sa malupit na pesimismo. “Ako ay naging mangmang at walang kaalaman; ako ay parang hayop sa harap Mo” (Awit 73:22).

Ang dakilang pagbabago mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa pag-asa sa Awit 77 ay nagmula sa mga salitang ito: “Aking aalalahanin ang mga gawa ng Panginoon; oo, aking aalalahanin ang Iyong mga kababalaghan sa nakaraan. Ako ay magbubulay-bulay sa lahat ng Iyong gawa, at mag-iisip sa Iyong mga dakilang gawa” (Awit 77:11–12).

Ito ang malaking laban ng aking buhay. Ipinapalagay ko, sa iyo rin. Ang laban upang magpaalala! Sa aking sarili. At saka sa iba.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-battle-to-remind

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,

Alistair Begg

Paggawa ng Mabuti

Siya’y naglibot na gumagawa ng mabuti.Mga Gawa 10:38 Kaunting mga salita, ngunit isang napakagandang larawan ng Panginoong Hesu-Kristo. Hindi marami ang mga salitang ginamit, ngunit