Sa sobrang dami ng impormasyon (at kalimitan, maling impormasyon) na tumatabon sa atin sa mga araw na ito, ito yung panahon kung saan naging mas mahalaga ang makatuwirang pag-iisip. Ngunit mayroon ding panganib ang labis na pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Ganito ako likas na mag-isip, ako ay isang napaka-rational na magisip. Logic ang aking kaibigan. Kailangan nating timbangin ang mga impormasyon at unawain ang katotohanan sa panahong ito ng misinformation, at sadyang may gumawa ng disinformation – na pinagsama-sama sa mas kilalang terminong “fake news”.
Ngunit kahit gaano tayo katalino, ikaw at ako ay walang kakayahang siyasatin ang lahat ng ito. Mayroon akong news app sa aking mga cellphone na pinagsasama-sama ang mga balita mula sa mga respetado at mapagkakatiwalaang source sa buong mundo. Ngunit pagkatapos ng labinlima o dalawampung minuto na ginugugol ko sa bawat araw sa “pag-alam ng balita”, madalas akong natitigilan dahil sa pagiging kumplikado ng lahat ng mga nangyayari sa mundo.
At ganito rin ito sa personal nating buhay. Minsan ang mga impormasyon ay tumatabon sa atin. Gusto naming mag-isip ng paraan para makaalis sa sitwasyong kinalalagyan natin, ngunit parang hindi natin kayang gawin iyon.
Kaya, ano ang solusyon? Bumalik tayo sa basics.
Kawikaan 3: 5. 6 (Ang Salita ng Dios/Tagalog Contemporary Bible) “Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.”
Sa madaling salita, tumigil sa pagsisikap na pag-isipan ng sobra ang mga bagay-bagay – dahil kapag ang pag-unawa sa lahat ng ito ay lumalampas sa iyo, ito ay isang kumpletong pag-aaksaya ng oras. Higit pa diyan, ang iyong kawalan ng kakayahang mag-isip ng paraan ay maaaring maging lubos na nakaka-depress.
Sa halip, magtiwala sa Panginoon nang buong puso mo. Sa lahat ng paraan kinikilala Siya, igalang Siya, sundin Siya, sambahin Siya at itutuwid Niya ang mga bagay-bagay.
Kapag nakalilito na ang buhay, bumalik ka sa basics.