Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Dios at napapahamak, kundi kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas. (Hebreo 10:39 Ang Salita ng Dios)
Huwag mong titigan ang pansamantalang halaga ng pag-ibig, at umatras sa pagtitiwala sa mas higit na pangako ng Diyos. Kung ikaw ay aatras, hindi lang mawawala sa’yo ang mga pangako; ikaw ay masisira.
Ang impyerno ang nakataya kung tayo ba ay aatras o magpapatuloy. Hindi lang ito tungkol sa pagkawala ng ilang dagdag na gantimpala. Sinasabi sa Hebreo 10:39, “Hindi tayo kabilang sa mga umaatras at napapahamak.” Iyan ay walang hanggang hatol.
Kaya, nagpapaalala tayo sa isa’t isa: Huwag lumayo. Huwag mahalin ang mundo. Huwag isiping walang malaking nakataya. Matakot sa kakila-kilabot na posibilidad na hindi pahalagahan ang mga pangako ng Diyos higit sa mga pangako ng kasalanan. Tulad ng sinabi sa Hebreo 3:13–14, “Magpaalalahanan kayo araw-araw, hangga’t ito’y tinatawag na ‘ngayon,’ upang walang sinuman sa inyo ang tumigas ang puso sa panlilinlang ng kasalanan. Sapagkat tayo’y naging kabahagi ni Kristo, kung tunay na ating panghahawakan ang ating unang tiwala hanggang wakas.”
Ngunit ang pangunahin nating dapat pagtuunan ay ang kahalagahan ng mga pangako at tulungan ang isa’t isa na pahalagahan higit sa lahat kung gaano kalaki ang gantimpala na binili ni Kristo para sa atin. Dapat nating sabihin sa isa’t isa ang sinabi sa Hebreo 10:35: “Huwag mong itapon ang iyong tiwala, na may malaking gantimpala.” At pagkatapos ay tulungan natin ang isa’t isa na makita ang kadakilaan ng gantimpala.
Iyan ang pangunahing gawain ng pangangaral, at ang pangunahing layunin ng small group at lahat ng ministry ng simbahan: tulungan ang mga tao na makita ang kadakilaan ng binili ni Kristo para sa lahat ng pahahalagahan ito higit sa mundo. Tulungan ang mga tao na makita at pahalagahan ito, upang ang higit na halaga ng Diyos ay kumislap sa kanilang kasiyahan at sa mga sakripisyong nagmumula sa ganitong puso.
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-main-purpose-of-ministry



