Ang Susing Karanasan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.

(2 Corinto 9: 8, Ang Biblia 2001)

Alam natin na ang pananampalataya sa biyaya ng Diyos sa hinaharap (future grace) ay ang mahalagang susing karanasan sa pagiging bukas-palad, dahil sa 2 Corinto, hawak ni Pablo ang napakagandang pangakong ito: “At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.” (2 Corinto 9:8).

Sa madaling salita, kung nais mong maging malaya sa pangangailangan mong itago ang iyong pera, kung nais mong umapaw nang sagana (ng biyaya!) para sa bawat mabuting gawa, ilagak mo ang iyong pananampalataya sa biyayang panghinaharap (future grace). Magtiwala sa pangako na ” kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo ” sa bawat sandali para sa mismong layuning ito.

Tinatawag ko lang na pananampalataya sa hinaharap na biyaya na susing karanasan (experiential key) tungo sa pagiging bukas-palad, para hindi ko isantabi na may historical key (susing kasaysayan) rin. May susing karanasan, at susing kasaysayan. Nang pag-usapan ang biyayang natanggap nila, ipinaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto ang susing kasaysayan ng biyaya, ” Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na bagaman siya’y mayaman, subalit alang-alang sa inyo ay naging dukha, upang sa pamamagitan ng kanyang kadukhaan ay maging mayaman kayo. ” (2 Corinto 8:9, Ang Biblia 2001).

Kung wala ang makasaysayang gawaing ito ng biyaya, ang pintuan ng pagiging bukas palad na naiitaas ang pangalang Cristo ay mananatiling sarado. Ang nakaraang biyaya ay mahalagang susi sa pagmamahal.

Ngunit pansinin kung paano gumagana ang nakaraang biyaya sa talatang ito. Ginawa itong pundasyon (si Cristo ay naging dukha) ng biyaya sa hinaharap (upang tayo ay maging mayayaman). Kung gayon, ang susing kasaysayan sa ating pagiging bukas-palad ay kumikilos sa pamamagitan ng paglalagay ng pundasyon sa ilalim ng susing karanasan ng pananampalataya sa biyayang hinaharap (future grace).

Kaya nga, ang susing karanasan sa pagmamahal at sa pagiging mapagbigay ay ito: Ilagay nang matatag ang inyong pananampalataya sa biyayang hinaharap — na “ang Diyos ay may kakayahan (sa hinaharap) upang gawing ang lahat (sa hinaharap) ng biyaya na sumagana sa inyo” nang sa gayon ang inyong mga pangangailangan ay matugunan, at upang kayo ay umapaw ang pagmamahal nang may pagka-bukas palad.

Ang kalayaan mula sa kasakiman ay nagmumula sa lubos na nakasisiyang pananampalataya sa biyaya ng Diyos sa hinaharap.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-experiential-key

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit