Ang Tunay na Kristiyanismo ay Isang Pakikipagbaka

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Ang anak ng Diyos ay may dalawang dakilang marka sa kanya..” sulat ni J.C. Ryle sa kanyang klasikong aklat na Holiness. Paano mo tatapusin ang kanyang pangungusap?

Pananampalataya at pagsisisi? Pagmamahal at pag-asa? Pagpuri at pasasalamat? Pagpapakumbaba at kagalakan? Hindi ko tiyak kung ano ang sasabihin ko bago ko nabasa ang sinulat ni Ryle, pero alam kong hindi ko matatapos ang pangungusap tulad ng isinulat niya:

Ang anak ng Diyos ay may dalawang dakilang marka sa kanya. . . . Maaari siyang makilala sa pamamagitan ng kanyang panlabas na pakikidigma, gayundin sa pamamagitan ng kanyang kapayapaan na nasa kaibuturan niya. (72)

Pakikidigma at kapayapaan. Labanan at katiwasayan. Ang salpukan ng mga hukbo at kapanatagan ng mga mapayapang treaties. Ang Kristiyano ay maaaring magkaroon ng mas maraming marka tungkol sa kanya kaysa sa dalawang ito, ngunit hindi kailanman mas mababa sa dalawa. Siya ay anak sa tahanan ng Ama, at isa siyang sundalo sa digmaan ng Tagapagligtas.

Ang pangungusap na iyon ay walang maliit na papel na ginampanan sa pagliligtas sa akin mula sa kawalan ng pag-asa.

Pagpaparachute Papunta Sa Digmaan

Pagpasok ko sa buhay  Kristiyano, wala akong ideya na naglalakad ako papasok sa digmaan. Nadama ko, noong una, tulad ng isang lalaking nag-parachute sa kaluwalhatian ng kaligtasan — sa wakas gising na kay Cristo, sa wakas ay ligtas mula sa kasalanan, sa wakas ay patungo na sa langit. Ngunit di nagtagal naglanding ako sa isang bansang hindi ko kilala, sa gitna ng pakikipaglaban na hindi pa ako handa.

Of course, ang labanan, ay nasa akin. Noon ko lang nadama ang gayong panloob na pagkabaha-bahagi: ang aking kaluluwa, na sa loob ng ilang buwan ay parang isang lupain ng kapayapaan, ay naging lupain ng digmaan — may hukay ng trenches, at handa na sa digmaan. Natagpuan ko ang aking sarili na sinasalakay ng mga pagdududa na hindi ko pa naranasan noon: Paano natin malalaman na totoo ang Biblia? Paano natin malalaman na totoo nga na may Diyos? Habang lalo akong pumapatay ng kasalanan, lalo kong natuklasan ang mga nakatagong kasalanan — mapanlinglang, mga kasalanang gumagapang sa kagubatan ng laman na mapagbalatkayo: mga nakakaflatter na pantasya, mabilis na panghuhusga laban sa iba, magulo at kung minsan ay masasamang pag-iisip, at salawahang pagmamahal sa Diyos. Nasisiyahan pa rin ako sa kapayapaan kay Jesus, ngunit parang ang kapayapaan ko ngayon ang kapayapaan na tila may lumulusob.

“Ang ebanghelyo ring ito na naghahatid ng kapayapaan mula sa Diyos ay naghahatid ng digmaan sa kasalanan.”

Parang may mali, naisip ko. Tiyak na hindi mahaharap sa kadiliman ang isang Kristiyano na kasing itim nito, na ang kaguluhang kasing tindi nito. Maaring hindi ako Kristiyano. Sa loob ng ilang panahon, hindi ko na tinawag ang Diyos na Ama, sa takot na ipagpalagay na ang tulad ng kong napapaligiran ng kaaway ay hindi maaaring kabilang sa Kanya. 

Kristiyanismo Lumalaban

Pagkatapos ay dumating si Ryle. Sa isang kabanata na ang pamagat ay “Ang Pakikipaglaban,” pinatunayan niya sa akin, nang may nakakapukaw na tindi, na “ang tunay na Kristiyanismo ay pakikipaglaban” (66), at bawat banal ay isang sundalo. “Kung saan may grace, magkakaroon ng labanan,” sulat niya. “Walang kabanalan kung walang pakikidigma. Ang mga ligtas na mga kaluluwa ay palaging matatagpuan nakikipaglaban.” (70).

Ang sumunod ay  ang mga text sa Biblia — mga tekstong maaring alam ko sa isang antas, subalit malinaw na hindi ko alam ang kaugnayan nito sa iba.

” Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya…” (I Timoteo 6:12, Ang Dating Biblia 1905).

“… pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman…”  (Roma 8:13, Ang Dating Biblia 1905; tingnan din sa  Colosas 3:5).

” Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos ” (Efeso 6:11, Ang Mabuting Balita Biblia).

“…talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili.” (I Pedro 2:11, Ang Mabuting Balita Biblia).

“Magbantay kayo at manalangin” (Mateo 26:41, Ang Mabuting Balita Biblia).

” Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Timoteo 2:3, Ang Mabuting Balita Biblia).

“…makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka” (I Kay Timoteo 1:18, Ang Mabuting Balita Biblia).

Ang ebanghelyo ring iyon na naghahatid ng kapayapaan mula sa Diyos ay naghahatid ng digmaan sa kasalanan. Kapag sasabihin natin, “Si Jesus ay Panginoon” ay sasabihin din natin “At ang kasalanan ay hindi nating panginoon” — at ang sumunod kay Jesus ay lumakad sa mataas na antas na paghihimagsik laban sa diyablo. Kaya, ang Espiritu ring iyon na nagbalot sa atin ng makalangit na kapanatagan ay siya ring bumabalot sa atin bilang damit pangdigma ng Diyos.

Napuspos ako ng kabanatang iyon sa aklat ni Ryle ng isang kakaibang kapanatagan. Sa loob ng ilang buwan, para akong sibilyan na lumalakad sa digmaan; ngayon para na akong isang sundalo. Ang digmaan ko ay normal na digmaan — at higit pa riyan, isang mabuting digmaan.

Normal na Digmaan

Kung “…ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman;” ( Galacia 5:17, Ang Dating Biblia, 1905), kung gayon ano ang maaaring maging mas normal kaysa sa mga Kristiyano na nakakaramdam ng pagkaparte-parte, pagkahati, pagkapunit-punit ng ating kalooban — o tulad ng sinabi ni Ryle, na mayroon tayong “dalawang prinsipyo sa ating kalooban, na nakikipaglaban para maging panginoon” (72)? Habang dala natin kapwa ang Espiritu at laman, magiging normal ang digmaan.

Hindi tayo dapat magulat, kung gayon, kapag nadarama natin sa ating loob ang isang napakalakas na hila na huwag manalangin kapag alam nating kailangan nating manalangin. O isang mahapding pagnanasa upang bigyang-kasiyahan ang ilang mga masidhi nating hinahangad — para sa pagkain, pagtulog, inumin, sex, libangan — na alam natin na dapat nating tanggihan. O isang mabigat na pananamalay kapag inuudyukan tayo ng Espiritu na ibahagi ang ebanghelyo o paglingkuran ang ating pamilya. O isang pagkakalimot na siyang nagpapapurol ang kasigasigan ng umaga na nawawala pagkahapon na. O isang mabilis na pagdedesisyon na base sa sarili nating pang-unawa sa halip na  naihayag ng Salita ng Diyos.

“Ang presensya ng panloob na pagkakabaha-bahagi at oposisyon ay hindi nangangahulugang tayo ay natalo na; ibig sabihin nito ay nagsimula na ang digmaan.”

Hindi tayo dapat magulat sa gayong mga sandali, higit pa sa isang hukbo ang dapat hindi magulat sa putok ng bala ng kaaway. Sa halip, dapat tayong maging matapang. “Malinaw na hindi tayo mga kaibigan ni Satanas,” pagsulat ni Ryle. “Gaya ng mga hari ng sanglibutang ito, ay hindi siya nakikipagdigma laban sa kaniyang sariling mga tauhan” (72). Ang presensya ng panloob na pagkakabaha-bahagi at oposisyon ay hindi nangangahulugang tayo ay natalo na; ibig sabihin nito ay nagsimula na ang digmaan.

Isang Mabuting Digmaan

Ang laban ng Kristiyano ay hindi kung anumang digmaan lang, kundi ito’y ang pinakamabuting digmaang kailanman hindi pa nalaman ng mundo. “Isaisip natin ito na ang pakikipaglaban ng Kristiyano ay mabuting pakikipagbaka — talagang mabuti, tunay na mabuti,” sabi ni Ryle (80). Oo, ang digmaan ay matindi. Kung minsan ay marahas at madugo. At kung tayo nalulugmok, maaari nating madama ang natutukso tayo’y malungkot. Gayunpaman, O kung gaano kabuti ang pakikipaglaban ng Kristiyano.

Mabuti, dahil titiyakin sa atin ng Diyos na aapakan Niya ang ating mga kaaway (Mikas 7:19). Mabuti, dahil nangako Siyang palalakasin tayo sa pinakamatinding bahagi ng digmaan (Isaias 41:10). Mabuti, dahil lahat ng madadapa ay makasusumpong ng kapatawaran (I Juan 1:9). Mabuti, dahil pinatay lamang Niya ang ating mga kasalanan at ang diyablo, hindi ang tao (Mga Taga Roma 8:13). Mabuti, dahil ang digmaang ito ay nagpapanumbalik sa halip na wasakin ang  sangkatauhan (Colosas 3:5, 9–10).

At higit sa lahat, mabuti, dahil nakikipaglaban tayo sa ilalim at kasama ni Cristo. Siya ang ating dakilang Kapitan at kapwa nating Sundalo, na napagtagpayan Niya tayo para sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkamatay Niya para sa atin, at Siyang na ngangako ngayon na hindi Siya aalis sa ating tabi (Mateo 28:20). “Mayroon bang gusto mabuhay bilang isang sundalong Kristiyano?” tanong ni Ryle. “Manatili siya kay Cristo, lumapit siya kay Cristo, higpitan niya ang kanyang paghawak kay Cristo sa araw-araw na siya ay buhay” (76).

Kung gayon, ngayon ay humahayo tayo sa ilalim ng bandila na “Si Cristo ay mas mabuti,” hindi nagigimbal at hindi natatakot sa digmaan, ang mga espada ay nakalabas laban sa lahat ng nasa loob natin. At umaasa tayo sa araw na “ang dalawang dakilang marka” ng Kristiyano ay magiging isa, at ang digmaan ay magbibigay daan sa walang hanggang kapayapaan ni Jesus.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Scott Hubbard for Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/true-christianity-is-a-fight

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Scott Hubbard

Scott Hubbard

Scott Hubbard is a graduate of Bethlehem College & Seminary and an editor for desiringGod.org. He and his wife, Bethany, live with their son in Minneapolis.
Scott Hubbard

Scott Hubbard

Scott Hubbard is a graduate of Bethlehem College & Seminary and an editor for desiringGod.org. He and his wife, Bethany, live with their son in Minneapolis.

Related Posts

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 1

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary