Ang Tunay na Pananampalataya ay Sabik sa Pagdating ni Kristo

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya. (Mga Hebreo 9:28 MBBTAG)

Ano ang dapat mong gawin upang malaman mo na ang iyong mga kasalanan ay tinanggal na sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, at na, kapag siya ay dumating, siya ang magiging kalasag mo mula sa poot ng Diyos at magdadala sa iyo sa walang hanggang buhay? Ang sagot ay ito: Magtiwala kay Kristo sa paraang nagpapasabik sa iyo para sa kanyang pagdating.

Ang teksto ay nagsasabi na siya ay darating upang iligtas ang mga “sabik na naghihintay sa kanya.” Kaya paano ka magiging handa? Paano mo mararanasan ang kapatawaran ng Diyos kay Kristo at maghahanda para sa kanyang pagdating? Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanya sa paraang nagpapasabik sa iyo para sa kanyang pagdating.

Ang sabik na pag-aasam kay Kristo ay simpleng tanda na mahal natin siya at naniniwala sa kanya — talagang naniniwala, sa tunay at tapat na paraan.

Mayroong huwad na pananampalataya na nais lamang makatakas sa impiyerno, ngunit walang pagnanais kay Kristo. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay hindi nagliligtas. Hindi ito nagbubunga ng sabik na pag-aasam para sa pagdating ni Kristo. Sa katunayan, mas gugustuhin pa nito na huwag dumating si Kristo hangga’t maaari, upang magkaroon ito ng mas maraming bahagi sa mundong ito hangga’t maaari.

Ngunit ang pananampalatayang tunay na kumakapit kay Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon at Kayamanan at pag-asa at kagalakan ay ang pananampalatayang nagpapasabik sa atin para sa pagdating ni Kristo. At iyon ang pananampalatayang nagliligtas.

Kaya hinihikayat kita, lumayo sa mundo, at sa kasalanan. Lumapit kay Kristo. Tanggapin siya, malugod siyang tanggapin, yakapin si Kristo hindi lamang bilang iyong polisiya sa pag-iwas sa apoy, kundi bilang iyong sabik na hinihintay na Kayamanan at Kaibigan at Panginoon.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/authentic-faith-is-eager-for-christ-to-come

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts