Ang pakikinig ay isa sa pinakamadaling bagay na maari mong gawin, ngunit ito rin ang isa sa pinakamahirap.
Sa unang tingin, Ang pakikinig o listening ay madali, ngunit kung ating uunawain, ang hearing ang syang madali. Hindi sya nangangailangan ng karampatang aksyong katulad ng pagsasalita. Kaya naman “Ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo” (Rom 10:17). Ang punto nito ay ang pakikinig o hearing ay madali, ngunit ang pananampalataya ay hindi ang pahiwatig ng ating mga gawain, kundi ang ating pagtanggap sa gawain ng iba. Ang ating “pakikinig na may pananampalataya” (Gal 3:2,5) ang nagbibigay diin sa mga ginawa ni Cristo na syang nagiging agusan ng grasya na nagpapasimula at nagpapanatili ng Kristyanong pamumuhay.
Ganoon pa man, sa kabila ng kadalian ng pagbabasa – o dahil sa pinaka-rason na ito, ay kadalasan pa nating nilalabanan ito. Pag dating sa ating kasalanan, mas nagtitiwala pa tayo sa ating sarili kaysa sa iba, mas pinapanigan pa natin ang ating sariling katuwiran kaysa tanggapin ang katuwiran ng iba, mas pinipili pa nating sabihin ang saloobin natin kaysa makinig sa iba; ang totoo, patuloy at aktibong pakikinig ay isang mabuting gawa ng pananampalataya at isang mabuting kasangkapan ng biyaya, hindi lang para sa pansarili kundi pati na din para sa iba sa palakasan ng mga kapatiran.
ang totoo, patuloy at aktibong pakikinig ay isang mabuting gawa ng pananampalataya at isang mabuting kasangkapan ng biyaya, hindi lang para sa pansarili kundi pati na din para sa iba sa palakasan ng mga kapatiran.
Makikita sa Santiago 1:19 ang katotohanang ito patungkol sa pang-Kristyanong pakikinig
“Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.” Madali syang intindihin pero mahirap gawin sa ating buhay dahil kadalasan tayo ay mabilis magsawang makinig, mabilis magdesisyong magsalita at mabilis din magalit. Kaya naman hindi madaling matutunan ang makinig na maayos, nangangailangan ito ng disiplina, tyaga at malinaw na intensyon. Gaya nga ng sabi ng iba, natututo tayo sa paglipas ng panahon, katulad din sa pakikinig, hindi natin ito matututunan ng kabuuan sa isang klase ng pakikipagusap bagkos ito ay mahahasa sa bawat pakikipagusap mo ng masinsinan sa bawat tao na may kanya kanyang klase ng sitwasyon.
Ang ganitong klase ng sariwang paalaala ang kailangan ko sa aking paglago sa buhay, at posibleng ganoon din sa inyong buhay.
Narito ang mga anim na aral patungkol sa maayos na pakikinig, kukuha muna tayo ng kaalaman sa tatlong, sa aking palagay, ay ilang sa mga mahahalagang talata na labas sa Bibliya, ang “the ministry of listening” na parte ng librong Life’s Together ni Dietrich Bonhoeffer, pati na rin ang isang klasiko ni Janet Dunn sa Discipleship Journal Article na may pamagat na “How to Become a Good Listener.”
1. ANG MAAYOS NA PAKIKINIG AY NANGANGAILANGAN NG PASENSYA.
Binigyan tayo ni Bonhoeffer ng mga bagay na dapat iwasan at yon ay ang “a kind of listening with half an ear that presumes already to know what the other person has to say.” O isang uri ng pakikinig kung san ang nakikinig ay may sarili nang opinion sa usapin kahit hindi pa tapos ang nagsasalita. Ika nya, ang ganitong klaseng pakikinig “is an impatient, inattentive listening, that . . . is only waiting for a chance to speak.” O isang uri ng masamang pakikinig na ang tanging layunin lang ay magkaroon ng pagkakataong magsalita. Maaaring alam na natin ang tinutukoy ng nagsasalita at meron na tayong nakahandang tugon sa ating isip. Maaring meron tayong ibang ginagawa nang bigla na lang may kakausap sa atin o kaya naman ay meron pa tayong mga lakad na pupuntahan at gusto na nating matapos ang sinasabi ng kausap natin.
O baka ang dahilan kung bakit hindi natin matuon ang ating buong atensyon sa nagsasalita ay dahil sa nangyayari sa ating kapaligiran o maari din may malalim tayong iniisip patungkol sa ibang bagay. Malungkot na paghayag ni Dunn patungkol dito “Unfortunately, many of us are too preoccupied with ourselves when we listen. Instead of concentrating on what is being said, we are busy either deciding what to say in response or mentally rejecting the other person’s point of view.” O ang tao daw ay nahahadlangan ng mga bagay sa ating sarili pag tayo at nakikinig, imbes na nakatuon ang ating atensyon sa ating pinakikinggan ay busy daw tayong gumawa ng tugon o kaya naman ay agad nating pinabubulaanan ang paniniwala ng nagsasalita sa ating isipan.
“Ang hindi maayos na pakikinig ang nagmamaliit sa ibang tao habang ang maayos na pakikinig ang nang-eengganyo sa ibang tao na umiral at magkaroon ng pakialam.”
Sa kabilang banda, ang maayos na pakikinig ay nangangailangan ng konsentrasyon at nangangahulugan na ginagamit natin ng buong atensyon ang dalawa nating tenga, at patuloy tayong makikinig hanggang sa matapos ang nagsasalita. Napakadalang na umpisahan ng nagsasalita ang kanyang sasabihin sa pinaka-importeng parte ng paksa, kaya naman natin intindihin ang daloy ng kanyang pag-iisip maging sa mga paksa na hindi masyado mahalaga para masundan natin ang kanyang inihahayag.
Ang maayos na pakikinig ay hindi nagpapatigil ng istorya at hindi rin ginagalaw maski ang cellphone patungkol sa ibang bagay bagkos ito ay masinsin na nakikinig at may pasensya. Ang panlabas ay mahinahon at ang panloob ay aktibo. Nakakapagod labanan ang mga hadlang na patuloy na nanlilito sa atin, at mga bagay na ating nakikita sa kapiligiran na pumapasok sa ating kamalayan, at sa mga gambala na ating naiisip para masira ang ating atensyon. Kaya naman nangangailangan ito ng pasensyang nagmumula sa Espiritu para hindi lang tayo mabilis sa pakikinig, kundi gayon na din sa patuloy na pakikinig.
2. ANG MAAYOS NA PAKIKINIG AY ISANG PARAAN NG PAGMAMAHAL.
Ayon kay Bonhoeffer, ang hindi pakikinig ng maayos “despises the brother and is only waiting for a chance to speak and thus get rid of the other person.” O nangangahulugang may galit ka sa iyong kapatid sa pananampalataya at naghihintay lamang ng pagkakataong magsalita at baliwalain ang kausap. Ang maling pakikinig ay nang-babaliwala habang ang maayos na pakikinig at nang-eengganyo, Ang hindi maayos na pakikinig ang nagmamaliit sa ibang tao habang ang maayos na pakikinig ang nang-eengganyo sa ibang tao na umiral at magkaroon ng pakialam. Sinulat pa ni Bonhoeffer, “Just as love to God begins with listening to his Word, so the beginning of love for the brethren is learning to listen to them.” o gaya ng ating pagmamahal sa Diyos ay nagsisimula sa pakikinig sa Kanyang salita, gayon ding maituturing ang pagmamahal sa kapatiran, sa pamamagitan ng pakikinig sa kanila.
Ang pakikinig ng maayos ay maituturing na kaakibat ng ating pananaw patungkol kay Kristo (Phil 2.5). Ang pagturing ng maayos sa kapatiran ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso (Phil 2:3). Hindi lang nito tinitingnan ang pansariling interes kundi pati narin ang interes ng iba (Phil 2:4). Ito ay may pasensya at maalalahanin (1 Cor 13:4)
3. ANG MAAYOS NA PAKIKINIG AY SINUSUNDAN NG MGA MAUNAWANG KATANUNGAN.
Ang payong ito ay makikita sa bawat sulok ng libro ng Mga Kawikaan. Sinasabi dito na “Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, and nais lang niya’y ipakitang siya’y may alam” (Kawikaan 18:2), kaya naman “Nakakahiya at isang mangmang ang isang tao sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.” Gaya ng sabi ng Kawikaan 20:5 “Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao ngunit ito’y matatarok ng isang matalino.”
Ang maayos na pakikinig ay sinusundan ng mga katanungang maunawa at malawak na hindi lang nagreresulta sa oo-hindi na sagot, bagkos ay inaalam nito ang pinakapuno’t dulo, maingat nitong iniintindi maging ang mga kilos ng nagsasalita, ngunit di nito pinepwersa ang nagsasalita na ibahagi ang mga bagay na ayaw ipaalam ng nagsasalita, bagkos tinutulungan ang nagsasalita at hinihikayat na maibahagi ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanong ng mga sariwa ngunit may kaunawaan na tanong sa maingat na pamamaraan.
4. ANG MAAYOS NA PAKIKINIG AY ISANG MINISTERYO.
Ayon kay Bonhoeffer, maraming mga pagkakataon na ang “pakikinig ay mas nakakatulong pa kaysa sa pagsasalita.” Gusto ng Diyos para sa mga Kristyanong ang maging higit pa sa pagkakaroon ng maayos na pakikinig pero hindi Niya rin gusto na mawala satin ang ganitong katangian. May mga araw na ang pinaka-importanteng ministeryo na kaya nating gawin ay ipagamit ang ating balikat sa pagsandal ng mga taong may hinanakit, tingnan sila sa mata at ipakitang handa tayong makinig sa kanilang nararamdaman kahit gaano pa katagal at ka-komplikado. Sabi nga ni Dunn,
Ang maayos na pakikinig ay kadalasang naghihiwalay sa emosyon kung san dapat siyang problema na nakakabit. Minsan, ang paglabas ng mga emosyong ito ang nagiging lunas sa problema. Maaaring hindi rin gugustuhin ng nagsasalita na may sabihin pa tayo sa mga sitwasyong ganoon.
Isa sa mga payo ni Dunn para sa paglago ng ating kakayahang makinig ng maayos ay “maiging bigyan ng diin ang pagsang-ayon kaysa sa pagtugon… may mga panahong kung saan ginamit lang ako ng Diyos na maging tulay ng pagsang-ayon sa Kanyang pagmamahal habang ako’y nakikinig na may awa at pag-intindi.” Ganoon din naman ang sinabi ni Bonhoeffer, “Kadalasang natutulungan ang isang tao kahit siya ay napapakinggan lang ng masinsinan.” Kadalasan, ang kailangan lang ng ating kapwa ay may isang taong nakakaalam ng paghihirap nila.
5. ANG MAAYOS NA PAKIKINIG AY NAGHAHANDA SA ATIN SA PAGAASALITA NG MAAYOS
Kadalasan, ang maayos na pakikinig ay tungkol lang talaga sa pakikinig, at kadalasan din ay ito lang ang pwedeng gawin ng isang lingkod, ngunit maari din itong maging daan upang maipahayag ang salita ng biyaya kung kinakialangan, sinulat ni Bonhoeffer, “Nararapat lang na makinig tayo gamit ang tenga ng Diyos para makakapag hayag ng salita ng Diyos” habang “isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.” (Mga Kawikaan 18:13). Ang taong matalino naman ay sinusubukang tanggalin ang mga sagot na paligoy ligoy, at nakikinig ng walang halong sariling mungkahi, sinasanay ang sarili na hindi kaagad umuwi sa sariling konklusyon hanggang hindi pa tapos ang nagsasalita at hindi pa tapos ang buong kwento.
6. ANG PAKIKINIG NG MAAYOS AY NAGLALARAWAN NG ATING RELASYON SA DIYOS.
Ang ating kawalan ng kakayahang makapakinig ng maayos ay sensyales ng espiritung binabalewala ang boses ng Diyos sa kanyang buhay. Paalaala ni Bonhoeffer,
Siya na hindi na nakikinig sa kanyang kapatid ay kalaunang hindi na rin makikinig sa Diyos; wala na rin siyang maaring gawin kundi magsalita ng pautal-utal sa presenya ng Diyos. Ito ang pasimula ng kamatayan ng ating espiritwal na pamumuhay… Sinoman ang nag-aakala na masyadong mahalaga ang kanyang oras upang tumahimik ay kalauna’y mawawalan nadin ng oras para sa Diyos at sa kapwa mananampalataya, bagkos ay para lang sa kanya at sa kanyang kamangmangan
Ang maayos na pakikinig ay isang magandang kasangkapan ng biyaya sa patuloy na palakasan ng mga totoong Kristyano. Hindi lang ito nagsisilbing agusan ng biyaya ng Diyos sa ating buhay bagkos ito’y nagsisilbing kasangkapan din ng biyaya para sa buhay ng ibang tao. Maaring isa ito sa pinakamahirap na matutunan ngunit napakahalaga at sulit bawat hirap na danasin matutunan lamang ito.
This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by David Mathis. To read the original version, click here.
Ang maayos na pakikinig ay isang magandang kasangkapan ng biyaya sa patuloy na palakasan ng mga totoong Kristyano.
Paulo Radomes
Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com