Ano ang Pananampalataya? (At Ano ang Hindi)

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Ikaw ba ay isang taong may pananampalataya?” Kung paano mo sasagutin ang tanong na iyan ay depende sa inaakala mong pananampalataya. Sa lahat ng maling akala at maling paggamit ng salitang pananampalataya sa ating kultura, hindi nakakagulat na baka hindi mo agad sagutin. 

Ngunit ang mga tanong tungkol sa pananampalataya—ang kahulugan nito, ang layunin nito, ang nilalaman nito, ang kahalagahan nito—ay ang mga tanong na hindi dapat nating balewalain. Ang pananampalataya ay isang napakahalaga na bagay na dapat nating matugunan kaagad, dahil “Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya  (Heb. 11:6, Ang Mabuting Balita Biblia). Kaya, habang iniisip natin kung ano ang pananampalataya, patuloy na itanong mo sa inyong sarili: “Ako ba ay taong may pananampalataya?”

Ano ang Hindi Pananampalataya

Ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa pananampalataya sa ibat-ibang paraan. Sa pagsisikap na i-encourage ang isang kaibigang dumadaan ng matinging pagsubok, maaaring marinig mo ang isang tao na sabihin, “Manampalataya ka lang!” O marahil narinig mo ang mga tao na nagsasalita tungkol sa kung paano sila ay may pananalig na ang isang kandidato sa pulitika o isang bagong tuklas sa siyensya ay sa wakas, magdadala ng pagbabago na kailangan ng ating lipunan.

Dahil napakaraming paraan para pag-usapan ang tungkol sa pananampalataya, dapat nating linawin kung ano ang pekeng napananampalataya na sinasabi ng Bibliya. Sa paglalarawan sa kung ano ang pananampalatayang huwad, mas lumalapit tayo sa pag-alam kung ano tunay na pananampalataya. Natuklasan din natin na ang ilan sa mga bagay na itinuturing nating pananampalataya ay hindi talaga pananampalataya.

May tatlong maling opinyon tungkol sa pananampalataya sa Bibliya na palagi nating naririnig na kailangan nating pabulaanan.

  1. Ang pananampalataya ay hindi isang relihiyosong pakiramdam.

Maraming tao ang nagsasabing sila ay mga taong may pananampalataya, subalit kapag tinanong mo sila kung bakit, sinasabi nila, “Eh, malakas lang ang pakiramdam ko sa loob ko na ako ay isang Kristiyano.” Sa pamantayang ito, maaaring tanggihan ng isang tao ang pagka-Diyos ni Jesucristo, itakwil ang Kanyang nagbabayad-salang kamatayan, at hindi maniwala sa Kanyang pisikal na pagkabuhay niyang muli  at ituring pa nila ang kanilang sarili bilang isang Kristiyano dahil malakas ang kanilang damdamin tungkol dito.

Subalit itinuturo ng Kasulatan na ang pananampalataya ay hindi isang subjective na relihiyosong damdamin na hiwalay mula sa objective na katotohanan na ipinaalam ng Diyos. Hindi ito isang hindi malinaw, na panloob na karanasan na ang tanging pinagmulan ay ang sarili.

Maaari ba nating tawaging Kristiyano ang isang tao batay lamang sa kanyang pakiramdam? Masasabi ba natin ang isang tao ay Kristiyano base sa kung anoman nais isipin o paniwalaan niya, at ito ay nakadepende sa lakas ng isang subjective na paniniwala? Hindi! Bakit? Dahil sabi ito ng Bibliya! Paulit-ulit itong nagpapaalala sa atin tungkol sa panganib na malilinlang ng ating damdamin. Sa Mga Kawikaan, isinulat ni Solomon, “Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: Nguni’t ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.” (28:26,28, Ang Biblia (1978). Sa ibang bahagi ng Bibliya, mas binigyan diin ni propeta Jeremias ang katotohanang ito, na ipinahayag na “Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito’y mandaraya…” (17:9, Ang Mabuting Balita Biblia).

Hindi ito nangangahulugan na ang pananampalataya ay hindi kailanman pumupukaw o gumigising sa ating puso. Malayo ito sa katotohanan! Ang Ebanghelyo ay napakamasayang balita. Gayunman, ang tunay na pananampalataya ay hindi hanggang diyan lamang. Ang matinding damdaming dulot nito ay hindi kailanman humihiwalay sa objective na katotohanan na nilinaw sa atin ng Kasulatan. Kung ano man pananampalataya iyan, hindi yan ang pananampalataya sa Bibliya.

  1. Ang pananampalataya ay hindi pagtanggap sa isang bagay na walang matibay na rason (evidence).

Ang isa pang laganap na pananaw ay ang pananampalatayang Kristiyano ay nangangailangan na alisin natin ang ating isip at ito’y isantabi muna—sa madaling salita, ang pananampalataya natin ay hindi kailangan ng isip. Sa likod ng opinyon na ito ay ang palagay na kung susuriin mo ang evidence para sa Kristiyanismo, matutuklasan mo na ito ay mahina; samakatuwid, ang tanging paraan upang maging isang Kristiyano ay lumakad ng bulag at hindi umaapela sa isip. Ang pananampalataya ay nagiging pagtalon sa kadiliman, isang papanalig na kung sapat lang ang paniniwala ko at makakakuha ako ng sapat na udyok, magagawa ko na paniwalaan ang isang bagay na hindi totoo na maging totoo.

Muli sa pamamagitan ng Kasulatan malinaw natin makikita ang katotohanan. Isinulat ni apostol Juan na ang kanyang patotoo ay tungkol sa “…Salitang nagbibigay-buhay. [Na] Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan.” (1 Juan 1:1, Mabuting Balita Biblia). Sa Unang Corinto 15, inilarawan ni apostol Pablo ang daan-daang tao na, tulad ni Juan, ay saksi sa ginawa ni Jesus sa pagkabuhay na mag-uli (mga talata 5–8). At ang pananampalataya ay nakasalalay sa katibayan hindi lamang ng mga mata kundi pati na rin ng matagal nang pinatototohanan ng Kasulatan. Halimbawa, pinupuri ng aklat ng Mga Gawa ang mga tao sa Berea dahil hindi lamang sila naniwala sa sinabi ni Pablo kundi sinaliksik ito kung naaayon ito sa mga Banal na Kasulatan (Mga Gawa 17:10–12).

Kung gayon, ang pananampalataya sa Bibliya ay hindi humihiling sa sinuman na huwag gamitin ang isipan. Hindi ito “Maniwala ka o kung hindi!” kundi “Maniwala ka dahil…”

  1. Ang pananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng positibong pag iisip.

Sa The Power of Positive Thinking, nag aalok si Norman Vincent Peale ng sumusunod na payo kung paano sa palagay niya dapat simulan ng mga tao ang kanilang araw: “Ang unang bagay tuwing umaga bago ka bumangon ay sambitin nang malakas, ‘I  believe’ ng tatlong beses.”  Hindi niya sinasabi kung ano o kanino iyong ilalagay ang paniniwala dahil sa kanyang pananaw, hindi naman iyon mahalaga. Ang importante naniniwala ka lang. Ang tunay na paniniwala sa isang bagay—lalo na sa isang bagay sa labas ng iyong sarili—ay kalabisan.

Muli, iba ang sinasaad ng Salita ng Diyos ukol dito. Ang pananampalataya sa Bagong Tipan, ang pinaniniwalaan natin ay lubang mahalaga! Ang bagay na pinaglalaan ng pananampalataya ang nagbibigay sa pananampalataya mismo ng anumang uri ng kahalagahan. Ang pananampalatayang biblikal ay hindi isang lagay ng pagkakaroon ng positibong pag iisip na naghahangad na mangyari ang mga bagay na masidhi nating pinaniniwalaan. Oo mabuti na mag isip ng positibo. Tama pa nga ang paghangad na may makasama kang mga positibong tao sa halip na mga negatibong tao. Subalit ang pagkakaroon ng positibong pag iisip  ay hindi pananampalataya sa Bibliya.

Isinulat ng may akda ng Hebreo, “Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.” (11:6, Mabuting Balita Biblia). Ang tunay na pananampalataya ay maaasahan dahil pinagsasaligan nito ay ang Diyos, na Siyang lubos na mapagkakatiwalaan.

Ano ang Pananampalataya

Kung ang pananampalataya ay hindi isang malakas na damdamin, wishful thinking, o positibong pag iisip, kung gayon ano ito? Ang may-akda ng Hebreo ay nagbibigay sa atin ng tiyak at malinaw na sagot: “Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.” (11:1, Ang Salita ng Dios, Tagalog Contemporary Bible). Ang pananampalataya, sa madaling salita—ang totoong pananampalataya sa Bibliya—ay nagbubunga ng katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita na dapat nating asahan, bilang mga tagasunod ni Jesucristo. Pero hindi lang yun. Ibinibigay ni apostol Pablo ang isang makakatulong na paalala na ito: “Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios;” (Efeso 2:8, Ang Dating Biblia, 1905).

Nagtataka ka ba kung bakit, bilang isang manampalataya, ay na naniniwala ka sa pinaniniwalaan mo. Kapag lumuhod ka at nanalangin nang mag-isa sa iyong silid, paano ka magtitiwala na dinidinig ng Diyos ang lahat ng iyong mga panalangin? Saan nagmumula ang katiyakang ito? Tanging bunga lamang ng biyaya ng Diyos na binubuksan ang iyong mga mata sa katotohanan kung sino Siya. Ang gayong pananampalataya ay lumilikha ng pananalig. Ang gayong pananampalataya ay regalo ng Diyos—isang kaloob na nais Niyang tanggapin at matamasa natin.

Ano ang Sangkap ng Pananampalataya

Ang biblikal na pananampalataya ay may tatlong mahahalagang sangkap:

1. Kaalaman (Knowledge)

Ang pananampalataya ay nakasalalay sa kung ano ang maaaring malaman tungkol sa Diyos. Sa katunayan, sinasabi sa Bagong Tipan na ang pananampalataya natin ay umiikot sa pagkakakilala natin sa Diyos mismo. Sa Juan 17:3 (Mabuting Balita Biblia), sinabi ni Jesus, “At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

Paano mo makikilala ang Diyos? Sa katauhan ng Kanyang Anak, ang Panginoong Jesucristo! Tungkol kay Jesus, sinasabi sa Juan 1:18 (Ang Salitang Ng Diyos), “Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.” Kaya naman napakahalaga na isaalang alang ang mga pahayag na ginawa ni Jesus: sa pagkilala sa Kanya nakikilala natin ang Diyos. At ang kaalamang ito tungkol sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng batayan ng ating pananampalataya.

  1. Pagsang-ayon (Assent)

Sa pananampalataya sa Bibliya, ang ating kaalaman sa Diyos ay dapat na sundan ng pagsang-ayon. Kapag natanto natin na may mga bagay na totoo at dapat paniwalaan, dapat talaga tayong maniwala sa mga ito! Ang pananampalataya sa Bibliya ay tiyak na higit pa sa pagbibigay ng pagsang-ayon—pero hindi dapat bababaw pa dito.

Kapag binabasa natin ang Biblia at kinukonsidera ang mga sinasabi ni Jesucristo, may natutuklasan tayo kay Cristo na naguudyok sa paniniwala ng mga tao—na kung minsan ay labag pa sa kanilang kagustuhan. Maaari nating sabihin sa ating sarili, “Ayaw kong maniwala kay Jesus. Ayoko na ang buhay ko ay sakupin Niya. Ayoko ng may namumuno sa akin.” Subalit kapag ibinigay natin ang ating buhay na bukas sa harap ni Cristo, kapag nakikita natin Siya sa krus, at kapag nauunawaan natin na pinasan Niya ang lahat ng ating kasalanan at pagrerebelde, nakilos Siya ang ating pananampalataya. Kapag nakita natin si Cristo sa ganitong paraan, ang kaalaman ay susundan ng pagsang-ayon.

  1. Pagtitiwala (Trust)

Pang-huli, ang tunay na pananampalataya ay kinapapalooban ng pagtitiwala. Ang kaalaman at pagsang-ayon ay hindi gumagawa ng tunay na pananampalataya lamang. Sinasabi sa Santiago 2:19 (Mabuting Balita Biblia) na “…Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.” Ang mga demonyo ay hindi mga atheist. May tama pa nga silang pananaw sa Diyos. Kung ang pananampalataya, kung gayon, ay tungkol lamang sa tamang pag-unawa sa Diyos, dapat nating isiping may nakapagliligtas na pananampalataya ang mga demonyo. Subalit alam natin na hindi ito ang kaso.

Ang simpleng kamalayan sa mga katotohanan ay hindi pananampalataya. Kailangang may paggalaw mula sa kaalaman tungo sa pagsang-ayon na nagtatapos sa pagtitiwala.

Ang panawagan na magtiwala kay Cristo—ay aktibo (active), hindi pagiging di-aktibo (passive)—ay kasama sa lahat ng Kanyang paanyaya. Sa Mateo 11, halimbawa, sinabi Niya, ““Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako’y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan” (mga talata 28–29 sa Mabuting Balita Biblia). Pansinin ang mga salitang: “lumapit,” “pasanin,” “matuto,” “Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan”. Ito ay pawang mga action words. May kalakip ang mga ito na paggawa. Dahil ang pananampalataya ay hindi isang walang kibong pagpapabaya. Ang pananampalataya sa Bagong Tipan ay nagsisimula sa kaalaman, humahantong sa pagsang-ayon, at nagtatapos sa pagtitiwala batay sa kaalamang ating sinasang-ayunan.

Isang Larawan ng Pananampalataya

Ang isang makakatulong na ilustrasyon ng pananampalataya sa Bibliya ay ang pag-aasawa. Tulad ng pananampalataya, ang pag-aasawa ay may maraming yugto. Una, dapat mong makilala ang indibidwal: yayain mo siyang kumain sa labas, mamasyal kayo sa park, makinig ka sa kanyang mga sinasabi at obserbahan mo siya kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Habang nagkakaroon ka ng kaalaman, sisimulan mong tanungin ang iyong sarili, “Maaari ko bang gugulin ang aking buhay kasama ang taong ito? Handa ba akong pumasok sa isang relasyon sa kanya?” Pagkatapos, kapag nakatanggap ka na ng sapat na mga sagot sa mga tanong na ito, sisimulan mong sabihin sa iyong sarili, “Batay sa kaalamang nakuha ko, handa na akong pumasok sa isang panghabang buhay na relasyon. Gusto kong lumipat nang higit pa sa kaalaman at  kasapatan sa mga tanong ko, patungo sa pagtitiwala. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa kanya. Gusto kong mas makilala siya sa pinakamalalim na posibleng antas. “

Ito ang karanasan ng lahat ng nananalig kay Jesus. Naranasan mo na ba iyun? Ikaw ba ay isang taong may pananampalataya?

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.
Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.

Related Posts

John MacArthur

Ang Nag-iisang Pinakamahalagang Gawain ng Pastor

Pangunahing Pagtawag Ang pangangaral ay sentro ng ministeryo ng pastor dahil iyon ang ating pangunahing tungkulin. Tahasang sinabihan tayo ni Apostol Pablo habang nagsasalita siya

John MacArthur

Nanalangin si Hesus para sa Iyong Pagpapabanal

Isang Urgent Plea Tandaan na ang pinakasentro ng panalangin ni Jesus bilang ating dakilang mataas na saserdote ay isang taimtim, apurahang pagsusumamo para sa ating

John MacArthur

Pag-asa sa Kapag Mabagal ang Pagpapabanal

Nasa Proseso Ka The reality is that sanctification isn’t defined as necessary; it’s simply defined as a reality. If you have been justified, you are