Babalik Ka ba sa Church o Hindi?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Maraming dahilan kung bakit hindi tayo nagsisimba o pumapasok man lang sa simbahan. Lalo na ngayong panahon ng pandemic, mas marami ang tumigil na talagang mag-attend sa isang simbahan—sabi ng mga pagsusuri ay mga one-third ng mga dating nagsisimba ay tumigil na. Maaaring kasama ka sa bilang na ito. Ang layunin ng librong ito ay tulungan kang ma-“rediscover” ang church. At baka rin may mga matulungan ito na matuklasan for the first time kung bakit isa sa mga nais ng Diyos para sa atin ay sumama at mag-commit sa isang local church.

Sa madaling sabi, malaking problema sa isang Kristiyano kung wala siyang church.

Sa totoo lang, lumipas na at malayo na tayo sa mga panahon noon na pwede nating i-assume na lahat ng mga sumasampalataya kay Kristo ay naiintindihan kung bakit kailangan nila ang church. Isipin natin, mas marami ang mga taong nagsasabi na Kristiyano sila kaysa doon sa mga uma-attend nang regular sa church. At kahit nga sa mga dumadalo, kakaunti pa rin sa mga iyan ang nagsisilbi at nagbibigay sa kanilang church. Kaya huwag nating isipin na COVID-19 ang may kasalanan kung bakit hindi na nagsisimba ang ilang mga Kristiyano. Milyun-milyon ang dati nang hindi talaga committed na dumalo sa church bago pa man naging problema ang online registration, social distancing at pagsuot ng mask.

Ang masasabi natin na totoo ay ito—na mas pinabilis lang ng COVID-19 ang matagal nang naiisip ng marami, na pwedeng hiwalay ang personal na pananampalataya at ang local church. Ang mga lockdown na nangyari ay talaga namang ginulat tayo noong nagsimula ang mga ito, dahil sa biglaan ang lahat at hindi natin alam kung hanggang kailan magtatagal. At kapag naputol ang isang nakagawiang bagay ng mga ilang buwan, mahirap na talagang balikan. Ang problemang ito ay hindi lang makikita sa hindi natin pagpunta sa church. ‘Yung pagbalik nga sa gym, ang hirap nang gawin kapag tumigil ka ng ilang buwan.

Mahirap na ngang bumalik sa church kung COVID lang talaga ang problema natin. Pero makikita natin na hindi naman talaga yung takot sa COVID ang pumipigil sa mga Kristiyano na mag-attend ulit ng church. Ang mga church members mismo ang nag-aaway tungkol sa pagsuot ng facemask, sa vaccines, at marami pang ibang isyu—at ang mga away na ito ay nangyayari dahil lahat sila ay nakatutok sa Facebook kung saan nila naririnig at nababasa ang iba’t-ibang mga haka-haka at opinyon. Ang social media ay nagiging isa sa mga malalaking dahilan kung bakit ayaw ng mga Kristiyano sa isa’t-isa. At dahil nga natanggal sa atin ‘yung lingguhang experience na magkakasama tayong sumasamba sa Diyos, ang pagmamahal natin sa isa’t-isa ay dahan-dahan ding nabubura.

Pero hindi diyan nagtatapos ang mga bagay-bagay. Ang mga opinyon natin tungkol sa gobyerno at mga pulitiko ay mas lalong nagiging divisive sa mga panahong ito. Paano ka nga naman sasamba bilang Kristiyano na kasama ang mga taong hindi mo maintindihan kung bakit sinusuportahan nila ang mga pulitiko na hindi mo gusto? Maaari ngang kaparehas mo sila ng opinyon tungkol sa Trinity, baptism, at sa end times. Pero anong magagawa niyan kung mas gusto nating kausap ay iyong mga kaparehas natin ng opinyon sa gobyerno kaysa sa mga kasama natin sa church?

At isama pa natin ‘yung mga pastor. Marami sa atin ang nagrereklamo sa kanila. Bakit hindi man lang tayo dinalaw nung mga panahon na may lockdown? Nagtatrabaho nga ba sila ngayong pandemic o tatamad-tamad lang din? ‘Yung mga sermon nila, parang boring naman lahat. Hirap na nga tayong makinig dahil ang daming alalahanin sa bahay, tapos hindi pa maayos ang preaching. Kaya mas nagiging interesado pa tayo sa mga pulitiko na sumisikat dahil sa mga ginagawa nilang pagtulong sa mga kababayan natin. Ngayon nga, sobrang dali na na panoorin yung online sermon ng ibang pastor na mas gusto natin kaysa sa sarili nating pastor, kasi hindi naman talaga nila malalaman na ginagawa natin iyon. At wala din namang point, kasi hindi naman natin nakikita yung mga pastor natin nang face-to-face.

Marami nga tayong dahilan para hindi na bumalik sa church. Ang totoo nga n’yan, marami na ring mga church na hindi na tayo ine-expect na bumalik. May mga church na naghahanap na ng mga virtual na pastor para sa virtual church. Sa ganito, hindi mo na kailangang gumising nang maaga kapag Sunday. Di mo na kailangang magbihis nang maayos. Hindi mo na poproblemahin ang pag-commute papuntang church at kung male-late ka ba sa service. Hindi ka na maiinis sa katabi mo sa church na dala yung baby nila na palaging umiiyak. Hindi mo na rin kailangang kausapin yung mga tao sa church, at ayaw mo rin naman talaga sa kanila dahil ibang pulitiko ang kanilang sinusuportahan. Hindi ka na aantukin habang nakikinig ng sermon. Hindi mo na kailangang uminom ng grape juice at kumain ng tinapay kasama nila.

Ano ang Future ng Church?

May tinitingnan pa ba tayong future para sa church? Talaga bang magiging virtual na lang ang church? Ang sagot diyan—oo at hindi. Kaya nga ang gusto naming mangyari sana sa librong ito ay ‘yung ma-convince kayo na matuklasang muli ang church. Hindi namin ito sinusulat na as if hindi namin alam yung mga dahilan kung bakit may struggle sa mga Kristiyano na mag-commit sa local church. Ang totoo niyan, kung mahal mo talaga ang local church, alam mo rin dapat na kailangang magpatawad at magtiis kasama ang ibang mga Kristiyano. Hindi tayo inaanyayahan ng Diyos na sumama at dumalo sa isang local church dahil masaya lang dito at palagi kayong mae-encourage kapag may mga problema kayo. Actually, iniimbitahan tayo ng Diyos na mag-commit sa isang pamilya ng mga taong hindi mo usually tatanggapin at kakaibiganin—isang grupo ng mga taong salbahe, patapon, at walang silbi. Inaanyayahan tayo ng Diyos sa isang tahanan na malamang ay hindi natin gugustuhin, pero tiyak na ito ang kailangan natin.

Alalahanin mo yung church bago mag-pandemic. Kapag tiningnan mo yung mga tao sa paligid na kasama mong umawit, magdasal, at makinig sa salita ng Diyos, baka iniisip mo na lahat ng tao doon ay gusto talagang mag-church. Akala natin na taimtim silang nakikinig, at napapasigaw pa ng “Amen!” kapag maganda ang narinig nila sa sermon. Baka nagtataas sila ng kamay habang umaawit ng papuri. Malamang kakamayan ka pa ng mga yan kapag nagkasalubong kayo.

Pero maraming nakatagong isyu sa buhay ng mga tao, kahit ang mga makikita mo lang ay mga ngiti kapag Sunday service. At dahil sa pandemic, ang mga nakatagong isyu na ito ay lumalabas ngayon at nagbibigay ng hirap sa ating mga relationships sa church.

Sa likod ng bawat ngiti, may mga malalalim na kwento. Baka may pamilyang hindi naman talaga magkasundo at nag-aaway habang papunta sila sa church. May mga taong nagluluksa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay at nalulungkot dahil parang walang lumalapit sa kanya. May mga taong akala mo ay OK sila, pero may mga pinagdadaanang paghihirap sa buhay at nagdududa na kung talaga bang mabuti ang Diyos. Kahit ‘yung pastor ninyo, hindi ninyo alam na mabigat ang dinadala dahil nahihirapan siyang ituro kayo papunta kay Kristo, kasi buong linggo din siyang nag-struggle na sumunod sa Diyos.

Kahit linggu-linggo kayong nag-aattend, hindi mo talaga masasabi kung ano ang nararamdaman o pinagdadaanan ng mga tao sa loob ng church ninyo kung ang titingnan ay iyong ipinapakita lang natin sa mga tao. Hindi mo nga alam ang dahilan kung bakit nagpupunta ang mga ito sa church, kaya hindi mo rin usually alam kung sino yung babalik. May iba na nag-research sa doctrinal positions ng church kaya sila umattend. May iba rin naman na kailangan lang talaga ng kaibigan at makakausap dahil bago lang siya sa lugar na iyon. May iba ring naghahanap ng church na “right fit” para sa kanya. May iba na nandiyan dahil ito na ang kinalakihan niyang church, at hindi niya maisip na umalis sa isang church na nakita na niya ang halos lahat ng mga pinagdaanan nito—kung sinu-sino ang ipinanganak, ikinasal, o pumanaw na. Kung appearances lang ang titingnan, hindi talaga natin masasabing alam na natin ang lahat ng nangyayari sa mga tao sa church natin.

So ang tanong natin, bakit kailangang i-rediscover ang church? Ano ang dahilan para gumising nang maaga kapag Sunday, o pumunta pa sa church on a weeknight pagkatapos mong magtrabaho para sa prayer meeting? Bakit ka babalik sa particular church na iyan kung marami kang options? In fact, bakit ka pa nga ba babalik sa Christianity? Ni hindi naman ininda ng mundo ang kawalan ng church ngayong panahon ng pandemic. Ano ba ang church? Ito ba ay parang self-help na club para sa mga nanghihina mentally at spiritually? Ito ba ay samahan ng mga taong parehas ang pinaniniwalaan? Ito ba ay grupo ng mga gustong magsilbi sa lipunan na umaawit ng mga kantang luma at hindi natin alam?

Kahit noong hindi pa nagsisimula ang pandemic, madalas hindi na talaga maintindihan ng mundo kung ano ang church—lalo pa sa panahon ngayon na hindi na ginagawa ng mga tao ang umupo at pag-usapan ang mga isyu sa buhay. Hindi na rin tayo talaga sanay na taimtim na makinig sa pagtuturo at umawit nang sama-sama—lalo na kung ang mga itinuturo ay galing sa isang sobrang lumang aklat na sinasabi ng mga Kristiyano ay pinanggagalingan ng absolute authority.

So ano ba talaga ang nangyayari kapag nagpunta ka sa church? Hindi lang ‘yung sermon, ‘yung kantahan, at yung service ninyo ang pinag-uusapan dito (although madi-discuss din ang mga iyan sa librong ito). Ang sinasabi natin ay yung mga nangyayari sa ilalim ng mga ngiti, ng kantahan, at sa pagbabasa ng Bible. Ang sinasabi natin ay yung mga plano at layunin ng Diyos—dahil ang church ninyo ay higit pa sa kung ano lang ang nakikita ninyo kapag Sunday. Kung iisipin natin, ang church ay “apple of the eye” ng Diyos, ang katawan na dahilan kung bakit ibinigay ni Kristo ang kanyang katawan. Ang church ay essential.

Kaya nga ginamit ng Diyos ang kasal—ang pinaka-intimate na relasyon ng tao—para ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa church. Noong tinuturuan ni apostol Pablo ang church sa Ephesus tungkol sa kasal, ito ang isinulat niya:

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. (Efeso 5:25-27)

Sa passage na ito, ginamit ni apostol Pablo ang description ng isang relasyon na alam natin—ang kasal—para mas maintindihan natin ang mga bagay sa church na hindi natin usually nakikita o naiintindihan. Minamahal ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang buhay mismo. Gayundin ang ginawa ni Kristo—ang nag-iisang anak ng Diyos, sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay ipinanganak ng birheng Maria, ipinako sa krus sa utos ng mga Romano, nabuhay na muli sa ikatlong araw—na inalay ang kanyang buhay para sa church. Dahil sa sakripisyo ni Kristo sa krus, pinatawad niya ang lahat ng tumalikod sa kasalanan nila at nanampalataya sa kanya. Tayo ay naging banal dahil sa pag-alay ni Kristo ng kanyang katawan. At katulad ng pag-aalaga natin sa ating sariling katawan, gayundin na inaalagaan ni Kristo ang iglesya (Efeso 5:29).

Isipin natin ang katotohanang ito kapag naroon na tayo sa church at naaamoy mo yung sobrang daming perfume ng lola na katabi mo, o yung wala sa timing na pagpalakpak ng nasa harapan mo habang nag-aawitan, o yung nakalimutan kang batiin ng mga kaibigan mo sa church dahil birthday mo. Mas lalo namang mahirap intindihin ang katotohanang ito kapag nasa bahay ka lang at mag-isa, at pinapaalalahanan tayo ng mga kapamilya natin kay Kristo na walang makakalapit sa Diyos kung hindi lang dahil sa grasya niya. Walang nandito dahil karapat-dapat siya. Kailangan ang imbitasyon mismo ng Diyos para makasali ka, galing lamang sa grasya niya.

Sa maniwala ka o hindi, may ilalalim pa ang kwento ng church ninyo. Sabi ni apostol Pablo sa church sa Corinth “Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito” (1 Corinto 12:27). Ang church ninyo ay ang mismong katawan ni Kristo. Kasama dito yung empleyado sa bangko na head ng deacons ninyo, at pati yung tatay na dating may problema sa pag-inom at ngayon ay nanampalataya kay Kristo. Kasama dito yung tita na nagtuturo sa Sunday school na matandang dalaga, at kasama rin yung mga kabataan na bumabati sa lahat ng pumapasok sa pintuan ng church kapag Sunday. Kapag ikaw ay nagsisi sa iyong mga kasalanan at naniwala sa good news ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus, lahat tayo ay kay Kristo na—at sa isa’t-isa. Sabi rin ni Pablo sa mga taga-Roma, “Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo’y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa” (Roma 12:4-5).

Dahil kay Kristo, ang church ninyo ay perpekto na—walang bahid o kulubot. Ang katotohanang ito ay nananatili kahit sa panahon ng pandemic o kahit magulo sa gobyerno. Of course, alam mo—o malalaman mo rin— na ang church ninyo ay punô ng mga members na nagkakasala pa rin laban sa Diyos at sa isa’t-isa, habang sila ay dumadaan sa pagpapabanal ng Espiritu. Nakakainis sila, at madalas magkamali. Nakakalimutan ang trabaho at assignments sa church, nale-late sa mga meeting at gawain. Minsan, pagsasalitaan ka pa nang masakit. At marami pang iba.

Pero habang tinutulungan ka ng aklat na ito na ma-rediscover ang church, kailangang ipaalala mo rin sa iyong sarili yung mga bagay na hindi mo nakikita. Bumabalik ka sa church dahil ikaw ay pag-aari na ng Diyos, at dahil ibinigay ni Kristo ang kanyang katawan para sa atin. At dahil sa sakripisyong iyon, tinawag ni Kristo ang mga mananampalataya sa kanya galing sa lahat ng tribo, lugar, at lahi (Rev. 5:9) para maging katawan niya. Sa katawan ni Kristo—sa church natin—walang taong mas importante sa kasama niya sa church, dahil ang lahat ay naging bahagi ng church dahil lang sa grasya ng Diyos na pinanampalatayanan natin. Walang pagtatangi sa mas mayaman, walang pagpili sa mga mas kilala (James 2:17). Dahil lahat tayo ay narito dahil kay Kristo lamang, ibibigay natin ang ating buhay para sa lahat, at makikibahagi ang lahat. “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat” (1 Cor. 12:26).

Tayo ay pag-aari ng Diyos, at para sa isa’t-isa. Isang katawan, maraming parte o bahagi—at kasama ka dito. Maaaring marami ka talagang dahilan para hindi na bumalik sa church, pero may nag-iisang dahilan kung bakit dapat lang na bumalik ka—dahil sa pamamagitan ng mga taong ito na hindi mo naman talaga gusto, ipapakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa iyo. Ang pagmamahal lang na katulad nito ang maghihikayat sa atin na kalimutan ang ating mga makasariling kagustuhan at pumasok sa isang samahan o fellowship na kabaligtaran ng lahat ng itinuturo at nangyayari sa ating mundo ngayon. Ito lang ang paraan para sama-sama nating maranasan ang paghilom ng ating mga sugat.

Pero higit sa lahat ng iyan, ang church ninyo ay kung saan mararamdaman ang presensya ni Kristo sa paraan na hindi maiintindihan ng iba. Pwede nga nating sabihin na sa church natin nararamdaman ang “langit,” at kung saan sinisimulang sagutin ng Diyos ang ating mga panalangin—”Maghari ka nawa sa amin, at masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.”
[This is from the introduction of the Taglish translation of forthcoming book by Jonathan Leeman and Colin Hansen, Rediscover Church: Why the Body of Christ Is Essential] Published by John Jofilena in treasuringchristph.org https://treasuringchristph.org/2021/06/10/babalik-ka-ba-sa-church-o-hindi/

John Hofilena

John Hofilena

John serves as Lead Pastor at Redeemer Christian Church Manila, a new church plant in the city of Manila that grew out of the desire to preach the Gospel clearly to the city. RCCM ministers mostly to college students, a growing group of young professionals, and young adults with new families.

John is married to Kali, and they have been together for over 10 years now. They are both passionate about disciple-making and Gospel-centered ministry, and they both serve in the iDISCIPLE Philippines directional team together. John is currently on leave from seminary, but he plans to eventually finish his program of Master in Divinity in Pastoral Studies.

John also does part-time freelance work writing content for websites, marketing materials, and various online writing jobs.
John Hofilena

John Hofilena

John serves as Lead Pastor at Redeemer Christian Church Manila, a new church plant in the city of Manila that grew out of the desire to preach the Gospel clearly to the city. RCCM ministers mostly to college students, a growing group of young professionals, and young adults with new families.

John is married to Kali, and they have been together for over 10 years now. They are both passionate about disciple-making and Gospel-centered ministry, and they both serve in the iDISCIPLE Philippines directional team together. John is currently on leave from seminary, but he plans to eventually finish his program of Master in Divinity in Pastoral Studies.

John also does part-time freelance work writing content for websites, marketing materials, and various online writing jobs.

Related Posts

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Fan Q&A with Jonathan Ogden

Me and a friend asked a couple of Filipino fans to send in their questions for Rivers and Robots frontman and solo artist, Jonathan Ogden

Scott Hubbard

Bukas Na Lang

Papaano Mapapagtagumpayan ang Procrastination Para sa mga madaling dapuan ng pagpapaliban ng isang gawain (procrastination), ang salitang “bukas” parang magical na salita. Sa isang simpleng