Bakit Dapat Ipagpasalamat Ang Pagkakaroon ng Handog ng Pagpapasalamat

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sa lahat ng mga ipinagkaloob sa atin ng Panginoon na nararapat pasalamatan, ang handog ng pagpapasalamat na ata ang madalas na nakaliligtaan. Maging mula sa mga langgam hanggang sa mga elepante, may kaakibat na pagpapala na nilaan ang Diyos sa lahat ng nilalang ngunit tanging ang tao lang ang binigyan ng abilidad na pagsamahin ang reason at imagination upang ating maipahayag ang pasasalamat. Ayon kay G.K Chesterton, ang pagpapasalamat ay ang pinakamataas na uri ng kaisipan, ito ay kasiyahang sinamahan ng pagkamangha.

Napakaraming mga kabutihang loob ang dapat matutunan ng bawat Kristyano, marami doon ay napakahalaga sa ating spiritual growth. Kung ganoon, ano ang espesyal sa pagpapasalamat? Bakit ito nararapat bigyan ng pansin gaya ng iba? At bakit mahalaga ito sa pakikipag-ugnayan sa Diyos?

Dahil ang palagiang pagpapasalamat ay isang kasangkapan upang maging maayos ang ating pansin sa Diyos. Makakamit lang natin ang tunay na mapagpasalamat sa ginawa ng Diyos para sa atin kung ang pasasalamat ay pumasok na sa pinakasentro ng ating kaluluwa. Doon lang natin ma-appreciate kung sino ang Diyos at maiintindihan kung sino tayo bilang Kanyang mga anak.

BAKIT ANG PAGPAPASALAMAT AY ISANG IMPORTANTENG KAGANDAHANG LOOB

Narito ang tatlong rason bakit ang pagpapasalamat ay isang kagandahang loob para sa ating espiritwal na pagsasa-ayos.

1. Tayo ay inaasahan ng Diyos na magpasalamat

Ang pinaka-importanteng rason bakit tayo nagpapasalamat ay dahil tayo ay inaasahan ng Diyos na magbigay pasasalamat sa Kanya.  Sa Awit 50:22, Sinabi ng Diyos “Kaya ngayon’y dinggin ito, kayong sa akin di’y pumapansin, kapag ako’y di dininig, kayo’y aking wawasakin; walang sinumang sa inyo’y makakaligtas sa akin”. Ang ating kadalasan o kakulangan ng pasasalamat ay seryosong binibigyang pansin ng Diyos. Tayo ay inaasahang palagi ng Diyos na ibigay sa Kanya ang mga bagay na nararapat lang sa Kanya – maging ang ating pasasalamat.

2. Ang ating pasasalamat ang siyang nag-aayos ng ating focus sa Diyos (at palayo sa atin)

Pag nakasanayan na natin magpasalamat, may dalawang tanong ang sa atin ay nahuhubog: “Para saan ako nagpapasalamat?” at “Kanino ako dapat magpasalamat?” Kung gaano mo napapasalamatan ang Diyos, ganoon din mabubuksan ang iyong mata sa pagiging mapagbigay ng Diyos sa mga kabutihan at pagpapala. Pag nakikita natin kung gaano kalaki ang ating na loob sa Panginoon nakakatulong ito upang mabawasan ang kumpyansa sa sarili. 

3. Pinapatatag ng ating pagpapasalamat ang ating pagtitiyaga at tiwala sa Diyos

Habang tayo ay lumalago sa ating pasasalamat, natututunan nating hindi lang magpasalamat sa mga mabubuting bagay na nakukuha natin sa Diyos bagkus pati nadin sa mga di kaaya-ayang bagay gaya ng pagdurusa at kahirapan. Natututunan din natin na kahit sa gitna ng pagluluksa at hirap ay mas maigi pading magpasalamat dahil nasa sa atin padin ang pinakamagandang regalo: Ang Diyos mismo. Ang ganitong klase ng pagpapasalamat ay nakakatulong sa ating paglalim sa ating pagtitiwala sa kabutihan ng Diyos at tinutulungan tayong maging mapagkumbaba sa kahit anong sitwasyon an gating danasin.

PAANO LUMAGO SA ATING PASASALAMAT

Paano tayo lalago sa ating pasasalamat?

Narito ang tatlong bagay na pwedeng gawin upang makatulong sa pagiging mapagpasalamat sa lahat ng sitwasyon (1 Thess 5:18)

1. Alalahanin mo ang iyong pagpapalang natatanggap

Para mahasa ang ating pagiging mapagpasalamat, ito ay nangagailangan ng malawak na atensyon. Gaya ng nga sinulat ni M. Craig Barnes sa “The Pastor as Minor Poet”

“Hindi ako sigurado kung merong bang sukatan ang espiritwalidad, kung meron man, yun ay ang pagiging mapagpasalamat. Ang mga mahilig magpasalamat lamang ang nagbibigay ng atensyon. Sila ay mahilig magpasalamat dahil mahilig din sila magbigay pansin, at sila ay nagbibigay pansin dahil sila ay mapagpasalamat.”

Gumawan ng listahan at maglista ng lima hanggang sampung pagpapala na iyong natanggap sa iyong buhay. Lagyan ng bilang ang bawat isa at isulat lang ng isang beses. Ireview ang listahan at magandang magbigay ng isang panalangin ng pasasalamat para sa bawat pagpapala.

2. Mag-alay ng maikling panalangin 

Di kaila sa atin na palaging nanananalangin ang mga mananampalataya bago kumain para pasalamatan ang Diyos para sa pagkain. Habang pinagpapatuloy ang gawaing ito (o kaya ay mas lalo pang itaas ang level na gawin ito), mas makakabuti din na lawakan natin ang paggawa nito sa ibang Gawain. Sabi nga ulit ni Chesterton,

“Nanananalangin tayo bago kumain, maganda yan, pero alam mo ba na nananalangin din ako bago manuod ng concert o opera, ganoon din pag ako ay umaarte at nagpa-pantomime, isama na din ang panalangin ko bago ako magbasa ng libro, ganoon din bago ko gawin ang mga activity gaya ng sketching, painting, swimming, fencing, boxing, walking, playing, dancing, at higit sa lahat ako din ay nanananalangin bago magsulat.”

3. Magpasalamat sa iyong mga kakilala

Maging habit natin na i-contact ang mga kakilala mo kada lingo- sa personal, sa phone, o kahit sa email at social media, at ipaalam mo sa kanila kung gaano ka nagpapasalamat na dumating sila sa buhay mo.

Ang pagpapasalamat ay nagsisilbing fuel sa ating kaluluwa. Kung wala ang araw araw na pasasalamat ay tayo ay magiging makasarili, na palaging iniisip na ikaw lang ang mahalaga sa buhay. Tanging sa paghasa ng pagiging mapagpasalamat lang natin mas makikita ang kabutihan ng Diyos, at mas lalo tayong magtitiwala sa kanya sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Paulo Radomes

Paulo Radomes

Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com

Joe Carter

Joe Carter

Joe Carter is an editor for The Gospel Coalition, author of The Life and Faith Field Guide for Parents, the editor of the NIV Lifehacks Bible, and the co-author of How to Argue Like Jesus: Learning Persuasion from History’s Greatest Communicator. He also serves as an executive pastor at the McLean Bible Church Arlington campus in Arlington, Virginia. You can follow him on Twitter.
Joe Carter

Joe Carter

Joe Carter is an editor for The Gospel Coalition, author of The Life and Faith Field Guide for Parents, the editor of the NIV Lifehacks Bible, and the co-author of How to Argue Like Jesus: Learning Persuasion from History’s Greatest Communicator. He also serves as an executive pastor at the McLean Bible Church Arlington campus in Arlington, Virginia. You can follow him on Twitter.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit