Ang isa sa mga pinakacounter-cultural na bagay na maaari mong gawin sa panahong ito ay ang maging isang nakikibahaging member ng isang tapat na local church.
Sa ating panahon na flighty at noncommittal, mananamapalataya man o hindi, ay may likas na desire na maghanap nang kalulugaran upang makapag-ugat at gumawa ng isang pangmatagalan at totoong committment para sa ikabubuti ng iba. Pero kalimitan nais natin palaging marami ang pagpipilian at, higit sa lahat, mapreserve ang ating personal na kalayaan, sa halip na makipagcommit ng permanent at i-embrace ang isang plano na maaring dadalahin tayo sa isang komplikadong realidad ng buhay.
Ngunit paano kung ayaw mong sumabay sa agos at labanan sa pagiging non-commital ? Paano kung sumali ka sa isang “revolution”, ibaling ang katapatan at kumonek sa isang local church na naniniwala sa Bibliya, at nagmamahal sa gospel?
Ang isa sa mga pinakacounter-cultural na bagay na maaari mong gawin sa panahong ito ay ang maging isang nakikibahaging member ng isang tapat na local church.
Pero Hindi Naman Nabanggit sa Bibliya ang Pagpapamember sa Isang Church?
Karamihan sa atin ay magtatanong tungkol sa concept ng pagiging member ng isang simbahan.
“Pagpapamember” – saan natin makikita ito sa New Testament? Mahalaga ba talaga na sumali sa isang church ? Hindi ko ba makukuha ang lahat ng kailangan ko bilang Kristiyano na regular attender lang?
Totoo na ang New Testament ay walang direktang turo para sa modernong konsepto ng pagpapamember. Kaso dapat nating tandaan na ang initial na pagusad ng gospel sa pagan at pre-Christian world noon ay iba kaysa sa nakikita natin ngayon sa ating post-Christian society. Ang pagiging complicated ng buhay noon at ngayon, ay ginagawang mahirap pero ginagawa din naman mahalaga, ang pagiging member ng isang church. Hindi lamang iyon. Tayo ay mas incline na hindi magcommit, dahil sa kasalukuyan paglaki ng mga lungsod at bayan natin na kung saan ang pagpili doon ng isang church ay mahirap at napakadiverse.
Ngunit tawagin mo man itong “membership,” “partnership,” o ano pa man, inaassume ng New Testament ang isang uri ng pagcocommit, o pagiging accountable na mapabilang ka sa isang group, ito ay isang realidad sa isang totoong follower ni Jesus. Ang bawat Christian ay may isang tiyak na lugar na siya ay mapapabilang. Ang magpabaptized ay pakikibahagi sa isang partikular na local church.
“Sa New Testament” ayon kay John Piper, “ang hindi maging bahagi sa isang lokal na simbahan ay hindi pagiging bahagi kay Kristo.”
Anim na Dahilan Para Mag-commit sa Isang Local Church
Narito, ang anim na kadahilanan, (ngunit marami pang dahilan), upang labanan ang hindi pag-cocommit, mag-ugat, magpa-member sa isang partikular na lokal na iglesia, at maging involved hangga’t maaari sa buhay ng church na iyon.
1. Para Sa Iyong Sariling Kapanatagan.
Ang pagiging tanggap bilang member sa isang church na sumasampalataya sa Bibliya, na responsableng napapamumunuan ay nagbibigay ng affirmation at kumpiyansa na ang iyong pananampalataya ay totoo, na hindi iyon iyong pribadong, self-made na relihiyon, kundi bahagi ng “pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Jude 3 ABTAG). Ibinigay ni Jesus sa kanyang iglesya ang “mga susi ng kaharian ng langit,” at ayon sa Mateo 16:19, ” at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Hindi pwede natin maliitin ang pagconfirm ng isang local church na credible ang iyong pananampalataya, at sa uri ng iyong pamumuhay at pag-uugali, at pagkatanggapin nila na member ka.
Mayroong higit na biyaya na mararanasan dito, para sa iyong kapanatagan, kaysa sa iniisip ng karamihan.
2. Para sa Ikabubuti ng Iba.
Marahil ito ang hindi madalas na napapansin na dahilan para mag-join sa isang iglesia. Sa ating tendency na mag-focus lang para sa sarili, mas pinapahalagahan natin ang mga dahilan na direktang tayo ang makikinabang, ngunit na-ooverlook ang benepisyon ng pagiging kasapi na ikakabuti naman ng iba.
Ang Kristiyanong may kinabibilangan ay matibay na basehan para magkaroon ng malasakit sa iba. Mayroong dalawang sides sa pagiging member ng isang church, at hindi natin kayang ipakita na accountable ang iba sa kanilang pansariling kabutihan kung hindi rin naman natin pinanghahawakan ang gayong pakikipagtipan (covenant) sa isang simbahan.
Ang totoong pag-ibig ay hindi lamang nakikita sa pagmamahal at pagkilos, kundi pati na rin sa katapatan. Hindi natin lubos na mahal ang ating mga kapatid kay Cristo kung ayaw nating maging tapat sa kanila sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa kanila sa buhay ng lokal simbahan. Hindi sinisabi ng pag-ibig, “Mahal ko ang mga taong ito pero hindi ko kailangang makipagtipan sa kanila.” Sa halip, sinasabi nito, “Mahal ko ang mga taong ito, sapat upang makipagtipan sa kanila.”
Ang ipamuhay ang pagiging Kristiyano na parang isang “community” ay higit pa isang maluwag na samahan, dahil nadoon sila para sa bawat isa sa hirap, sa sakit at sa kalungkutan ng buhay.
3. Para Sa Iyong Sariling Kabutihan.
Sa kabilang banda, para sa iyong sariling kabutihan na magkaroon ng iba na nandoon at nagbibigay ng genuine na kalinga sa iyo kay Cristo. At ang mga tao na nandoon para sa iyong ikabubuti ng pangmatagalan ay ang mga taong handang mag-commit.
Ang pagsali sa isang church ay pormal din na pagpapakilala na bahagi ka ng “flock” na dapat “ipastol” ng mga pastor at elders ng simbahan (1 Pedro 5: 2) at kung saan dapat silang “ingatan””(Mga Gawa 20:28). Ito’y para sa iyong sariling kabutihan na ikaw ay sadyang alalahanin at pangalagaan ng mga leaders.
ang mga tao na nandoon para sa iyong ikabubuti ng pangmatagalan ay ang mga taong handang mag-commit.
4. Para Sa Kabutihan ng Iyong Mga Leaders ng Church.
Ang pagkonek sa church, kung gayon, ay nagbibigay linaw sa mga namumuno tungkol sa kung sino ang kanilang “lot,” o “mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo upang alagaan”, (1 Pedro 5:3 ASND), at kilala kung sino-sino ang paglilingkuran at pagpapastulan alinsunod sa kanilang calling.
Sa madaling salita, ang iyong pormal na membership sa isang church ay tumutulong sa mga pastor at elders na gawin ang kanilang trabaho. Paano nila papastolin ang flock kung hindi nila alam kung sino ang nasa flock na iyon at sino ang wala?
Mahirap at lalong imposible, na igalang at pahalagahan ang iyong mga leaders (1 Tesalonica 5: 12–13), sumunod at igalang sila (1 Timoteo 5:17), at sumunod at magpasakop sa kanila (Mga Hebreo 13:17) nang hindi inaidentify ang iyong sarili sa kanila at isubmit ang sarili sa membership na nag-aallow sa kanila na makilala at pangalagaan ang mga nasa ilalim ng kanilang pamumuno.
5. Para Sa Kabutihan ng mga Unbelivers.
Ang isa pang mabuting dahilan para sa pagsali sa isang church ay para sa ikabubuti ng mga hindi pa napapabilang doon – lalo na ang mga hindi pa nakikilala si Jesus. Dahil kapag ni-reach out natin sila ay mas maiipakilala natin si Christ bilang parte tayo ng isang committed at matibay na “community”. ” Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35 ABTAG)
Ang isang “lone-ranger” na Kristiyano ay hindi nagpapakita ng pinakamahusay na patotoo para kay Cristo. Sa halip, ang isang tao na may saligan, may kinabibilangan, at bahagi ng isang matibay na tipanan ng isang sumusuportang iglesia ay mas ready upang himukin ang iba papunta sa kaharian ng Diyos.
Ang “community” ay lalong mas nagiging mahalaga ang patotoo sa panahon natin. Bilang mga mananampalataya na tunay na matapat sa tinig ni Cristo, mapapasin natin na paliit ng paliit tayo na grupo sa lipunan, kaya kailangan natin ng ibang mga mananampalatayang ituro, na hindi tayo nag-iisa sa tila kakaibang nating paniniwala, na pinatutunayan ng kasaysayan at ng kasalukuyan. At ang buong simbahan na magkakasama ay na ipapakita ng mas mahusay si Kristo kaysa sa isang indibidwal na Kristiyano lamang.
Ito ay mas mabuting maipapakita hindi sa panandalian, mga non-commital mga samahan, kundi sa malalim, committed, matagal, at sa isang relasyon na nabubuhay na magkasama sa isang subok na nang panahong na grupo na tinawag na “local church,” na itinatag at pinatitibay sa karunungan at kapangyarihan ni Jesus mismo.
Bilang mga mananampalataya na tunay na matapat sa tinig ni Cristo, mapapasin natin na paliit ng paliit tayo na grupo sa lipunan, kaya kailangan natin ng ibang mga mananampalatayang ituro, na hindi tayo nag-iisa sa tila kakaibang nating paniniwala, na pinatutunayan ng kasaysayan at ng kasalukuyan.
6. Para Sa Iyong Sariling Perserverance
Panghuli, ang pakikipagtipan mo ngayon sa iba ay may layunin na hindi ka pabayaang lumayo sa mensahe ng gospel, nang hindi ang pagpapabalik sa iyo ay pahirapan, ay maaaring balang araw ay mapatunayan na napakahalaga para sa iyong pagpupursige (perseverance) sa pananampalataya – at ng iyong eternal life kay Christ. Hindi ba, tulad ng sinabi ni Jesus, “ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.” (Mateo 24:13 ABTAG).
Sa isang mabuting covenant sa church, inaako natin ang ating sarili ang pagiging accountable habang malinaw pa ang ating kaisipan, dahil maaring isang araw madaya ng kasalanan ang ating puso at mabulag tayo sa katotohanan. Mabigat ang pagdidisplina ng church, ngunit ito’y nararapat. Ang layunin ay palagi ay i-restore tayo, at madalas na nalulugod ang Diyos na gamitin ang mahirap na kaparaanang ito upang ibuhos ang kanyang biyaya.
Mga kapatid, kung nalilihis sa katotohanan ang isa sa inyo at may nakapagpabalik sa kanya sa tamang landas, dapat ninyong malaman na ang nagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang masamang pamumuhay ay nagliligtas ng kaluluwa ng taong iyon sa kamatayan, at magdudulot ng kapatawaran ng maraming kasalanan.” (Santiago 5:19-20 ASND)
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by David Mathis. To read the original version, click here.
Marianito “Nitoy” M. Gonzales
Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.