#11 Nasaan ang Diyos?

Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa harapan mo?

Mga Awit 139:7 ABAB

Ang pagging nasa lahat ng dako ng Diyos ay isa sa mga katangian ng Kanyang kalikasan o ‘essential attributes’ na hindi maibabahagi 0 ‘incommunicable’ sa mga nilikha. Ang Diyos lamang ang nasa lahat ng dako o ‘omnipresent’. Ang Diyos ay nasa itaas ng lahat ng mga bagay at pinupuno ng buong kalikasan ng Diyos ang buong kalawakan, ibig sabihin walang lugar na wala doon ang Diyos. Hindi natin Siya maaaring ikulong sa isang lugar.

Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay bahagi ng Diyos ‘pantheism‘, o lahat ng mga bagay ay Diyos o ‘panentheism‘.Maari itong maitanong ng mga bata kapag ating sinabi na pinupuno ng Diyos ang lahat ng mga bagay o ‘He fills all things and space’.

Ipaunawa sa mga bata na ang mga tao ay hindi maaaring nasa iba’t ibang lugar sa parehong oras o panahon. Tayo ay limitado sa lugar kung nasaan tayo. Ngunit ang Diyos ay hindi malilimitahan sa kahit anong lugar.

Binigyang-diin bilang pagsasabuhay na may maaaring gawin ang mga bata na hindi nakikita ng mga magulang, pero lahat ng ginagawa nila kahit lihim ay nakikita ng Diyos. Walang sinuman ang makakatakas o makakapagtago sa Diyos. Ito ay dapat na magdulot ng maingat na pamumuhay sa harapan ng presensya ng Diyos.

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.10. Where is God?
A.     God is everywhere. (Ps 139:7)

Where shall I go from your Spirit? Or where shall I flee from your presence?

Psalms 139:7 ESV

The omnipresence of God is one of the essential attributes of God that cannot be shared or incommunicable with creation. Only God is omnipresent. God is above all things and the whole nature of God fills everything. This means that there is no place where God is not there. We cannot lock Him up somewhere.

This does not mean that all things are part of God or pantheism, or that all things are God or panentheism. Children may ask about this when we tell them that God fills all things and space.

Let the children understand that humans cannot be in different places at the same time. We are limited to the place where we are. But God is not limited to any place.

We must emphasize as an application that children can do something that their parents cannot see, but everything they do even in secret is seen by God. No one can escape or hide from God. This should result in careful living in the presence of God.

To God be the glory!

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/01/11-nasaan-ang-diyos/.