#13 Nalalaman ba ng Diyos ang lahat ng bagay?

At walang nilalang na nakukubli sa harapan niya, kundi ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa mga mata niya na ating pagsusulitan.

Hebrews 4:13 ABAB

Ito ay may kinalaman sa Kanyang pangmalawakan at ganap na kaalaman tungkol sa lahat ng mga bagay o omniscience. Nalalaman ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Hindi natututo ang Diyos sa mga tao, at pangyayari o may mga bagay na tinutuklas pa Niya. Mabuhay man tayo ng ilang libong taon ay hindi natin masasaid lahat ng mga maaaring malaman, hindi rin natin magagawang makamtam ang lahat ng karunungan, pero ang Diyos, alam Niya ang lahat kahit na mga lihim.

Ang kaalaman ng Diyos tungkol sa mga bagay at sa mga mangyayari sa panghinaharap ay nakabase sa Kanyang walang-hanggang pagtatalaga. Itinalaga lahat ng Diyos mula sa pinakamahalagang pangyayari ng kasaysayan hanggang sa pinakamaliit na detalye ng ating buhay.

Ito din ay dapat magdulot sa mga bata na magpasakop sa Diyos. Ang ating kaalaman ay buhat lamang sa Kanya. Siya ay may pagkaunawa sa lahat ng mga bagay na hindi natin nalalaman. Ang mga bata ay maraming bagay na hindi nauunawaan sa ngayon kaya sila ay hindi dapat magmalaki sa kanilang natututunan at magpasailalim sa pagtuturo ng mga magulang na itinalaga ng Diyos.

Hindi natin lubusang kilala ang ating mga sarili. Kaya nga dapat tayong magpasakop kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga tao at sa lahat ng mga bagay na nakasulat sa Bibliya. Ang Diyos ay may personal na pagkakilala sa Kanyang mga tao at ang mga bata ay maaaring magkaroon ng personal na pagkakakilala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Dapat din silang magpasalamat dahil bagaman alam Niya ang kanilang kakulangan at kasalanan, sila ay Kanyang iniibig kay Kristo at nakakatanggap ng mga mabubuting bagay ayon sa Kanyang biyaya lamang.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.13. Does God know all things?
A.     Yes. Nothing can be hidden from God. (Heb 4:13)

And no creature is hidden from his sight, but all are naked and exposed to the eyes of him to whom we must give account.

Hebrews 4:13 ESV

This truth has to do with His comprehensive and absolute knowledge of all things or omniscience. God is all-knowing. God does not learn from people, and events or there are things that He is still discovering. Even if we live a thousand years, we will not be able to exhaust all that we can know, nor will we be able to acquire all wisdom, but God knows everything, even things in secret.

God’s knowledge of things and future events is based on His eternal decree. God has ordained everything from the most significant events of history to the smallest detail of our lives.

We should direct the children to submit to God. Our knowledge comes only from Him. He has an understanding of all the things that we do not know. There are so many things that they do not understand, so they should not be proud of what they know and submit to the teaching of the parents ordained by God.

We do not fully know ourselves. That is why we must submit to what God says about us and everything else in the Bible. God knows His people personally and the children can have a personal relationship with God through Christ. They should also be thankful because although He knows their shortcomings and sins, He loves them in Christ and they receive good things only according to His grace.

Note: This is question number 12 in Children’s Catechism.

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/04/13-nalalaman-ba-ng-diyos-ang-lahat-ng-bagay/.