#17 Sino ang sumulat ng Bibliya?

Sapagkat walang propesiya na dumating kailanman sa pamamagitan ng kalooban ng tao kundi ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos.

2 Peter 1:21 ABAB

Dahil sa bibliya lamang natin makikita ang paraan upang ibigin at sundin ang Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan, nararapat din na malaman ng mga bata na ang may Akda nito ay ang Diyos.

Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagliwanag sa mga kaisipan ng manunulat, sila ay pinili, inihanda, at ginawang banal upang maunawaan ang mga bagay ng Diyos. Ang mga manunulat ay “dinala” sa pamamagitan ng impluwensiya ng Banal na Espiritu kaya kanilang naisulat ang Salita ng Diyos. Ang ideya nito ay isang barko na ginagalaw ng hangin. Inudyukan ng Banal na Espiritu ang mga manunulat sa kanilang isipan at ginabayan hanggang sa bawat salita na kanilang isinulat.

Ito ay ayon sa katotohanan na ang Salita ng Diyos ay “hininga” ng Diyos 0 “God-breathed” sa kabuuan at bawat titik nito. Sa Diyos lamang nagmumula ang awtoridad ng Bibliya. Kaya nga naman ang Bibliya ay hindi maaaring magkamali sa itinuturo nito at walang taglay na pagkakamali.

Dahil nga hindi lamang ito sinulat ng tao, tayo ay nararapat na magpasakop sa Salita ng Diyos. Ang mga magulang ay dapat na magpasakop sa Diyos at Kanyang Salita kung paano papalakihin ang kanilang mga anak. Ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos para sa ikaliligtas ng mga makasalanan at para sa kabutihan ng Kanyang mga tao.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.17. Who wrote the Bible?
A. Chosen men who were inspired by the Holy Spirit. (2 Pt 1:21)

For no prophecy was ever produced by the will of man, but men spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit.

2 Peter 1:21 ESV

Since only in the Bible can we find the way to love and obey God according to His will, children should also know that its Author is God.

By the power of the Holy Spirit in illuminating the minds of the writers, they were chosen, prepared, and sanctified to understand the things of God. The writers were “carried along” by the influence of the Holy Spirit so they could write the Word of God. Its idea is a ship moved by the wind. The Holy Spirit influenced the writers in their minds and guided them in writing down to every word.

This is according to the fact that the Word of God is “God-breathed” in its entirety and every letter. The authority of the Bible comes only from God. That is why the Bible is infallible in what it teaches and is infallible.

Since the Scripture was not just written by men, we must submit to the Word of God. Parents should submit to God and His Word on how to raise their children. It contains God’s will for the salvation of sinners and for the good of His people.

Note: This question is # 15 in the Children’s Catechism

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/08/17-sino-ang-sumulat-ng-bibliya/.