…at ang alabok ay bumalik sa lupa na gaya nang una, at ang espiritu ay bumalik sa Diyos na nagbigay nito.
Ecclesiastes 12:7 ABAB
Napagtibay na ang katotohanan na ang lahat ng tao ay nilikha nang may katawan at kaluluwa. Hindi lang ito binanggit sa aklat ng Genesis, kundi hanggang sa bagong tipan (Mateo 10:28). Ang diin ng tanong na ito ay upang mauunawaan at yakapin din ng mga bata ang sinasabi ng Diyos sa Bibliya tungkol sa kanila. Ito din ay naglalayon na makita ng mga bata na ang nangyari sa kasaysayan ng paglikha ng Diyos ay may kinalaman sa kanilang buhay.
Sa tanong din na ito mamumulat ang mga bata na hindi lang katawan ang dapat nilang ingatan, alagaan at pakainin. Mayroon din silang kaluluwa na nangangailangan ng Salita ng Diyos.
Mainam na marinig mula sa kanilang bibig mismo ang sagot na’opo’. Habang mga bata pa sila, sinasanay na natin maging ang kanilang isipan na magpasakop sa Salita ng Diyos.
Sa personal na anyo ng tanong na ito para sa mga bata, makikita natin ang kahalagahan na hindi lamang ito manatili sa kaisipan nila kundi dumaloy sa kanilang mga puso. Kaya nararapat sikapin ng mga magulang na masagot ito ng mga bata kahit na maiksi ngunit may kalinawan na nagmula sa kanilang mga bibig.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.22. Do you have a soul as well as a body?
A. Yes. And my soul is going to last forever. (Ecc 12:7)
…and the dust returns to the earth as it was, and the spirit returns to God who gave it.
Ecclesiastes 12:7 ESV
The fact that all human beings are created with body and soul has been affirmed by the former question. It is not only mentioned in the book of Genesis but even in the New Testament(Matthew 10:28). The emphasis of this question is so that children can also understand and embrace what God says in the Bible about them. It also aims for the children to see historical truths in the Bible relates to their lives.
Through this question, the children will be awaken to the fact that not only the body needs care and food, but the soul also. They have souls that need the Word of God daily.
It is profitable to hear from their own mouths the answer, ‘yes’. While they are young, we are training even their minds to submit to the Word of God.
This is a personal question for children. We can see the importance of it because it not only stays in their minds but flowing into their hearts. So parents should strive to get children to answer it even if it is short but with clarity coming from their mouths.
Note: This question is # 20 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/14/22-bukod-sa-pagkakaroon-mo-ng-katawan-mayroon-ka-rin-bang-kaluluwa/.