A. Dahil sinabi ng Bibliya.
At huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, ngunit hindi nakakapatay ng kaluluwa, kundi katakutan ninyo siyang makakapuksa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno.
Matthew 10:28 ABAB
Sinagot sa naunang tanong na ang kaluluwa ay magtatagal ng pangwalang-hanggan. Dahil nga hindi din natin nakikita ang ating kaluluwa o espiritu, ang tanong na ito ay naglalayon na tanggapin ng mga bata ang katotohanan kahit hindi nila ito nakikita.
Maikli at direkta ang sagot sa katanungang ito.Ang ganitong pagkaunawa sa Salita ng Diyos ay mahalaga lalo na sa mga susunod na tanong. Ang sandigan ng ating paniniwala ay hindi ang nakikita ng ating mga mata kundi kung ano ang inihayag ng Diyos tungkol sa Kanya at sa mga tao. Hindi ito imbensyon o gawa-gawa lamang. Ang lahat ng tao ay inuutusan ng Diyos na paniwalaan ang Kanyang Salita, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos at sa kanilang buhay.
Mainam na hikayatin na magtanong ang mga bata ngunit ituro din sa kanila na hindi dapat nila pagdudahan ang Bibliya dahil ito ang Salita ng Diyos. Hindi ang ating karanasan ang magsasabi kung ano ang totoo. Dahil ang Salita ng Diyos ang katotohanan, dito nagmumula ang nararapat malaman ng mga tao tungkol sa Diyos at sa kanyang nilika.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.22. How do you know your soul will last forever?
A. Because the Bible tells me so.
And do not fear those who kill the body but cannot kill the soul. Rather fear him who can destroy both soul and body in hell.
Matthew 10:28 ESV
The previous question informs us that our soul will last forever. Since we cannot see our soul or spirit, this question aims to get children to accept the truth even if they cannot see it.
The answer to this question is short and direct. Such an understanding of God’s Word is especially important in the following questions. The foundation of our belief is not what our eyes see but what God has revealed about Him and His people. It is not an invention or mere fiction. God commands all people to believe His Word, especially in matters pertaining to God and their lives.
It is good to encourage children to ask questions but parents should also teach them that they should not doubt the Bible because it is the Word of God. It is not our experience that will tell what is true. Because God’s Word is the truth, it is the source of what people need to know about God and His creation.
Note: This question is # 19 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/15/23-paano-mo-nalalaman-na-ang-iyong-kaluluwa-ay-magtatagal-ng-pangwalang-hanggan/.