#24 Sa anong kalagayan ginawa ng Diyos sina Adan at Eba?

A. Ginawa Niya silang banal at masaya.

Tingnan ninyo, ito lamang ang aking natagpuan, na ginawang matuwid ng Diyos ang tao…

Ecclesiastes 7:29a ABAB

Malinaw na nakasaad sa Bibliya na matapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay kasama ang tao, nakita niya ang mga ito na napakabuti. Dahil ang Diyos ay mabuti, matuwid at banal, ang Kanyang nilkha ay banal at mabuti rin. Pinapakita ng Katekismo na walang kasamaan sa Diyos.

Bukod pa dito, makikita din natin ang kahalagahan ng pagiging banal at masaya. Maraming iniisip na ang pagiging banal ay walang kasiyahan. Pero dahil nilikha tayo ng Diyos na banal, ang maging banal tulad niya ay isang lubos na kasiyahan ng Kanyang mga tao.

Sa piling ng Diyos ay lubos na kasiyahan kasya sa anumang bagay sa mundo. Hindi natin maaaring ihiwalay ang tunay na kasiyahan sa kabanalan. Ang mga taong may tunay na kasiyahan ay lumalakad ayon sa kagustuhan ng Diyos sa kabanalan.

Magandang makita ng mga bata ito dahil sa mga maling impluwensiya ng mundo na ‘boring’ o ‘kill joy’ ang mga anak ng Diyos. Hindi kailan man makakatam ng tao ang tunay na kasiyahan habang nasa labas sa kalooban ng Diyos.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.24. In what condition did God make Adam and Eve?
A. He made them holy and happy. (Ecc 7:29a)

See, this alone I found, that God made man upright…

Ecclesiastes 7:29a ESV

The Bible clearly states that after God created all things including man, He saw them as very good. Because God is good, righteous and holy, His creation is also holy and good. The Catechism shows that there is no evil in God.

In addition, we will also see the importance of being holy and happy. Many think that holiness is being unhappy. But because God created us holy, to be holy like him is a great happiness for His people.

With God is true happiness than with anything in this world. We cannot separate true happiness from holiness. People with true happiness walk according to God’s will in holiness.

It is good for children to see this because of the wrong influences of the world that say the children of God are ‘boring’ or ‘kill joy’. Man can never find true happiness while being outside the will of God.

Note: This question is #22 in the Children’s Catechism

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/18/24-sa-anong-kalagayan-ginawa-ng-diyos-sina-adan-at-eba/.