A. Ang gantimpalaan si Adan ng buhay sa ganap na pagsunod niya sa Diyos. (Gal 3:12)
Subalit ang kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya; sa halip, “Ang gumagawa ng mga iyon ay mabubuhay sa mga iyon.”
Galatians 3:12 ABAB
Ang tanong na ito ay mahalaga dahil isa ito sa nagsasabi kung simpleng batas lamang ba ang binigay ng Diyos kay Adan o isang Tipan. Ang tipan ay may kundisyon (pagsunod), may parusa sa pagsuway (kamatayan), at pangako ng gantimpala (buhay). Kagaya ng mga naunang tanong, binigay ang tipan para sa ikabubuti at ikauunlad ng estado ni Adan at mga tao sa ilalim niya.
Ang gantimpala sa ganap na pagsunod niya sa Diyos ay buhay na sinisimbolo ng Punongkahoy ng Buhay (3:22). Hindi ito buhay katulad ng kalagayan niya bago ang kautusan dahil kung ganun nga, siya ay maaari pang magkasala. Maraming hindi umaayon dito, ganunpaman ito ay malinaw sa kasulatan ng Diyos (Rev 2:7), at paghahambing ni Adan kay Hesus, at sa kaluwalhatiang darating.
Kahit na may gantimpala, ito ay buhat sa malayang biyaya ng Diyos lamang. Ibig sabihin, hindi nararapat gantimpalaan ng Diyos si Adan. Maaaring ipaliwanag ito sa mga bata na ang kanilang pagsunod sa magulang ay hindi laging may katumbas na gantimpala. Ginagawa nila ito dahil ito ay utos na Diyos at sila ay umiibig sa kanilang mga magulang.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.28. What did God promise in the covenant of life?
A. To reward Adam with life if he obeyed God perfectly. (Gal 3:12)
But the law is not of faith, rather “The one who does them shall live by them.”
Galatians 3:12 ESV
This question is important because it tells us whether God gave only a simple law to Adam, or God made a covenant with him. The covenant has a condition (obedience), a penalty for disobedience (death), and a promise of reward (life). As with the previous questions, the covenant was given for the betterment and advancement of Adam’s state and all humanity in him.
The reward for his perfect obedience to God is life symbolized by the Tree of Life (3:22). It is not a life like his condition when the law was given because if so, he could still sin. Many disagree with this, yet it is clear in the Scripture (Rev 2: 7), the parallelism between Adam and Jesus, and the glory that is to come.
Although there is a reward, it is from the free grace of God alone. That is, Adam did not deserve to be rewarded by God. We can tell the children that their obedience to their parents does not always have an equal reward. They do this because it is God’s command and they love their parents.
Note: This question is #26 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/22/28-ano-ang-ipinangako-ng-diyos-sa-tipan-ng-buhay/.