Malinaw ang Salita ng Diyos na mayroong dahilan kung bakit tayo nilikhha ng Diyos, bakit isinilang ang mga bata at bakit tayo naririto sa mundo. Ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang.
Taliwas ito sa pananaw ng nakararami na sila ay nabubuhay para sa kanilang sarili lamang. Bigyang-diin na ang mga bata ay hindi dapat mamuhay para sa kanilang sarili. Ang pangunahing layunin sa paglikha ng tao ay upang sambahin, ibigin, at paglingkuran ang Diyos.
Sa tuwing nakikita ng mga bata ang magagandang tanawin, natutunghayan ang kahusayan ng tao, hindi sila ang dapat papurihan kundi ang Diyos na lumalang.
Kaya sinabi sa Katekismong Baptist ni Benjamin Keach, sa ikalawang tanong, “Ano ang pangunahing layunin ng tao?” “Ang pangunahing layunin ng tao ay luwalhatiin ang Diyos at magalak sa Kanya magpakaylanman” (1 Cor. 10:31; Psalm 73:25-26).
Ipinapakita ng talata sa itaas ang pinagmulan, ang nagpapanatili, at ang layunin ng lahat ng mga bagay kasama ang mga bata. Sa Diyos tayo nagmula, siya ang nag-iingat sa atin araw-araw, at nararapat lamang na Siya ang maluwalhati sa ating buhay.
Bilang mga magulang ating ipakita na hindi sila ang sentro ng mundong ito, at kahit ng pamilya. Ang Diyos ang sentro ng lahat lahat. Siya ang dahilan ng ating paghinga at siya lamang ang dapat nating papurihan.
Sa Diyos lamang ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.3. Why did God make you and all things?
A. For His own glory. (Rom 11:36)
The Word of God is clear that there is reason why God created us all, why children are born and why we are here on earth. It is for the glory of God alone.
This is contrary to the view of the majority that they live only for themselves. Emphasize that children should not live for themselves. The primary purpose of human creation was to worship, love, and serve God.
Benjamin Keach’s Baptist Catechism says, in the second question, “What is the chief end of man?” “Man’s chief end is to glorify God and to enjoy Him forever” (1 Cor. 10:31; Psalm 73: 25-26).
The above verse shows the origin, the sustainer, and the goals of all things including children. We came from God, He takes care of us every day, and He deserves to be glorified in our lives.
As parents, let us show that they are not the center of this world, and even of the family. God is the center of everything. He is the reason why we are breathing and He alone is the One we should praise.
To God be the glory!
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/09/22/3-bakit-ka-nilikha-ng-diyos-at-ang-lahat-ng-mga-bagay/