A. Hindi. Siya ay nagkasala laban sa Diyos.
Kaya’t nang makita ng babae na ang bunga ng punungkahoy ay mabuting kainin, nakakalugod sa paningin, na dapat nasain upang maging matalino, siya ay pumitas ng bunga nito at kinain ito; at binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at siya’y kumain.
Genesis 3:6 ABAB
Ito ang pinakanakakalungkot na pangyayari sa kasaysayan ng nilikha ng Diyos. Kahit na malinaw ang utos ng Diyos at ang panganib sa pagsuway nito, si Adan ay nagkasala pa rin. Pinili niyang hindi sundin ang Diyos.
Kahit na si Eba ang pumitas ng bunga, ang katotohanan na kasama niya si Adan at alam niya na kinain niya ang ipinagbawal ng Diyos ay nagpapatunay na ang kasalanan ni Adan ay pagrebelde laban sa Diyos at kabiguan na tuparin ang malinaw na utos ng Diyos.
Dahil ang mga bata din ay makasalanan, ipaliwanag sa kanila na ito rin ang dahilan kaya sinusuway nila ang kanilang magulang. Sila ay pinanganak sa mundo na may pusong sumusuway sa Diyos.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.30. Did Adam keep the covenant of life?
A. No. He sinned against God. (Gen 3:6)
So when the woman saw that the tree was good for food, and that it was a delight to the eyes, and that the tree was to be desired to make one wise, she took of its fruit and ate, and she also gave some to her husband who was with her, and he ate.
Genesis 3:6 ESV
This is the saddest event in the history of God’s creation. Even though God’s command and the danger of disobeying it were clear, Adam still sinned. He chose not to obey God.
Although Eve picked the fruit, the fact that she was with Adam and they both knew they ate what God had forbidden proves that Adam’s sin was a rebellion against God and a failure to keep God’s clear command.
Since children are also sinners, explain to them that this is also the reason they disobey their parents. They were born into the world with a heart that disobeys God.
Note: This question is #27 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/25/30-natupad-ba-ni-adan-ang-tipan-ng-buhay/.