Ang kasalanan ay ang pagpapabaya sa ipinagagawa ng Diyos, o paggawa ng ipinagbabawal ng Diyos. (Deut 4:2; 1 Juan 3:4)
Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din naman sa kautusan; at ang kasalanan ay ang paglabag sa kautusan.
1 John 3:4 ABAB
Ang pinakamalaking problema ng tao ay ang kasalanan. Hindi nagkulang ang Diyos sa pagbigay ng malinaw na kautusan, ngunit ang tao ay lumabag at buong pagpasyang sumuway sa Diyos.
Sa Katekismo, makikita natin ang dalawang uri ng kasalanan. Una, dahil sa hindi ginawa ang nais ng Diyos at pangalawa, laban sa malinaw na utos ng Diyos. Ito ay tinawag na ‘sin of omission and commission’.
Mahalagang bigyang-diin na hindi lamang simpleng pagkakamali ang anumang pagsuway o hindi pagsunod sa kautusan. Lahat ng kasalanan ay mabigat dahil ito ay ginawa laban sa Banal Diyos na nagbigay ng malinaw na kautusan.
Para sa mga bata, nararapat nilang malaman ang kahalagahan ng pagsunod maging sa kanilang magulang. Ang bawat pagsuway sa magulang ay kasalanan laban sa Diyos na nagutos, “Igalang ninyo ang iyong ama at ang iyong ina” (Ex 20:12).
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.32. What is sin?
A. Sin is any lack of conformity or transgression of the law of God. (1 Jn 3:4)
Everyone who makes a practice of sinning also practices lawlessness; sin is lawlessness.
1 John 3:4 ESV
Man’s greatest problem is sin. God did not fail to give a clear command, but man transgressed and willfully disobeyed God.
In the Catechism, we see two types of sin. First, a sin neglecting God’s will, and second, a committal of sin against God’s clear command. These are called the sin of omission and commission’.
It is important to emphasize that any transgression of or disobedience to the law is not just a simple mistake. All sin is grievous because it is committed against the Holy God who gave the clear law.
For children, they should know the importance of obeying the LORD and even their parents. Every disobedience to parents is a sin against the LORD God who commands, “Honor thy father and thy mother” (Ex 20:12).
Note: This question is #29 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/27/32-ano-ang-kasalanan/.