#37 Si Adan ba ay gumawa para sa Kanya lamang sa Tipan ng Buhay?

Hindi. Siya ay tumayo para sa buong sangkatauhan (Rom 5:12, 19)

Kaya’t kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan, kaya’t dumating sa lahat ng mga tao ang kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala… Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayundin sa pamamagitan ng pagsunod ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

Romans 5:12, 19 ABAB

Ito ang katuturan ng pagiging pangulo ni Adan para sa buong sangkatauhan. Niloob ng Diyos ayon sa Kanyang mabuting pagpapasya na si Adan ay tumayo sa lahat ng kanyang salinlahi. Kaya nang siya ay nagkasala, ay nahulog din sa pagkakasala ang lahat ng tao.

Kung may sasalungat sa disenyo ng pakikitungo ng Diyos kay Adan at sa sangkatauhan, ay wala silang pag-asa dahil kailangan din nilang tuparin at hinihinging katuwiran ng Diyos na hindi kailanman maibibigay.

Dito natin mas mauunawaan ang pagiging pangulo ni Hesus para sa Kanyang mga hinirang. Ito din ang pag-asa natin dahil hindi natin kayang gawin ang hinihingi ng hustisya ng Diyos. Si Hesus lang ang nakasunod ng ganap sa kautusan ng Ama at Siya lamang din ang nakapag-pawi ng poot ng Ama laban sa lahat ng mga kasalanan.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.37.  Did Adam act for himself alone in the covenant of life?
A.  No. He represented the whole human race. (Rom 5:12, 19)

Therefore, just as sin came into the world through one man, and death through sin, and so death spread to all men because all sinned… For as by the one man’s disobedience the many were made sinners, so by the one man’s obedience, the many will be made righteous. 

Romans 5:12, 19 ESV

This is the sense of Adam’s federal headship for all mankind. God willed according to His good intention that Adam should stand for all his posterity. So when he sinned, all men also fell into sin.

If anyone will oppose the design of God’s dealings with Adam and mankind, he has no hope because he also has to fulfill the demand of God’s righteousness that he can never fulfill.

Here we can better understand and appreciate Jesus’ federal headship for His elect. This is also our hope because we cannot do what God’s justice demands. Jesus was the only one who obeyed the Father’s law perfectly and He was the only one who could satisfy and has satisfied the Father’s wrath against all of our sins.

Note: This question is #36 in the Children’s Catechism

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/11/08/37-si-adan-ba-ay-gumawa-para-sa-kanya-lamang-sa-tipan-ng-buhay/.