Hindi maari. Dapat mabago muna ang ating puso bago tayo makapagtiwala kay Hesus at makapasok sa langit. (Rev 21:27)
at hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi, o ang sinumang gumagawa ng karumaldumal o ng kasinungalingan, kundi sila lamang na nakasulat sa aklat ng buhayng Kordero.
Revelation 21:27 ABAB
Dahil ang langit ang pinananahan ng banal na presensya ng Diyos, sino mang papasok dito ay nararapat na malinis, banal, at walang bahid ng anumang kasalanan. Mula sa mga naunang katanungan, isang katotohanan ng Bibliya na dahil tayo ay likas na masama, hindi tayo maaaring pumasok sa langit. Ang nararapat para sa mga makasalanan ay ang apoy ng impyerno sa ilalim ng poot ng Banal na Diyos.
Galit ang Diyos sa kasalanan, at ang Kanyang mga mata ay malilinis at hindi makakatingin sa kasamaan (Hab. 1:13). Dahil dito, kinakailangan ang pagbabago ng puso. Kasama din dito ang mga bata, dagdag sa pag-abot natin sa kanila sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, makikita natin na nakasalalay lamang sa Diyos ang tunay na kaligtasan na nagsisimula sa pagbabago ng puso. Ito’y hindi magagawa ng tao kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nakay Kristo lamang.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.40. Can anyone go to heaven with this sinful nature?
A. No. Our hearts must be changed before we can trust in Jesus and go to heaven. (Rev 21:27)
But nothing unclean will ever enter it, nor anyone who does what is detestable or false, but only those who are written in the Lamb’s book of life.
Revelation 21:27 ESV
Because heaven is the dwelling place of God’s holy presence, whoever enters it must be clean, holy, and free from any sin. According to the previous questions, we established that it is a biblical truth that because we are sinful by nature, we cannot enter heaven. What is due for sinners is the fire of hell under the wrath of Holy God
God hates sin, and of purer eyes than to see evil and cannot look at evil with favor (Hab. 1:13). Because of this, a change of heart is necessary. This is also true for children, in addition to reaching them through the Word of God, we will see that only that true salvation depends on God that begins with a change of heart. This cannot be done by man but by the power of God in Christ alone.
To God be the glory.
Note: This question is #40 in the Children’s Catechism
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/11/10/41-maari-bang-makapasok-sa-langit-ang-taong-may-masamang-likas