#44 Maliligtas ba ang sinuman sa pamamagitan ng tipan ng buhay?

Hindi. Walang maliligtas sa pamamagitan ng Tipan ng buhay. (Eph 2:8-9)

Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.

Ephesians 2:8-9 ABAB

Walang maliligtas sa pamamagitan ng Tipan ng Buhay. Sa madaling sabi, ang tanong na ito ay nagpapakita na walang maliligtas sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Kahit na sikapin natin sa buong buhay natin, ay hindi kailan man iyon ang magiging daan para makapasok tayo sa langit o maging katanggap-tanggap sa harapan ng Ama.

Ang kaligtasan ay tanging buhat sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa katuwiran at dugo ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Magandang bigyang-diin ito sa mga bata dahil mauunawaan nila na sumusunod sila sa mga magulang at sa utos ng Diyos hindi upang kitaan ang pabor ng Diyos. Si Hesus lamang ang nakasunod ng ganap sa Panginoon, kaya dapat silang magtiwala sa Kanya lamang.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.44.  Can anyone be saved through the covenant of life?
A.   No. No one can be saved through the covenant of life. (Eph 2:8-9)

For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast.

Ephesians 2:8-9 ESV

None can be saved through the covenant of life. To put it simply, this question shows that no one can be saved by good works. Even if we try to do good all our lives, it is impossible for our good works to be the way for us to enter heaven or be acceptable before the Father.

Salvation is only by grace through faith in the righteousness and blood of our Lord Jesus Christ. It is important to emphasize this to children because they will understand that they are obeying their parents and God’s command not to earn God’s favor. Only Christ obeyed the LORD perfectly, so they should trust in Him alone.

To God be the glory.

Note: This question is #41 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/11/16/44-maliligtas-ba-ang-sinuman-sa-pamamagitan-ng-tipan-ng-buhay/