#47 Paano ka ngayon maliligtas?

Sa pamamagitan ng Tipan ng Biyaya kay Hesu-Kristo. (Heb 9:14-15)

gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog ang kanyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa mga gawang patay upang maglingkod sa Diyos na buhay? Kayat siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang ang mga tinawag ay tumanggap ng pangako na pamanang buhay na walang hanggan. Yamang naganap ang isang kamatayan na tumutubos sa kanila mula sa mga pagsalangsang sa ilalim ng unang tipan.

Hebrews 9:14-15 ABAB

Sa Diyos ang Papuri!

Dinadala ng mga unang tanong ang tao tungo sa pagkakilala na hindi sila maliligtas ng anumang gawa at sariling katuwiran. At pinapakita ng tanong na ito na kay Hesu-Kristo lang matatagpuan ang kaligtasan. Ito ay sa pamamagitan ng Tipan ng Biyaya.

Ayon sa ating Baptist Confession, ang Tipan ng Biyaya ay kung saan malaya Siyang nag-aalok sa mga makasalanan ng buhay at kaligtasan sa pamamagitan ni Jesukristo, na nag-uutos sa kanila ng pananampalataya sa Kanya, upang sila ay maligtas; at nangangakong ibibigay sa lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang-hanggan, ang Kanyang Banal na Espiritu, upang gawin silang may kusa at kakayahang makapanampalataya (Chapter 7.2).

Dahil imposible nang matupad ng ganap ng sinoman ang utos ng Diyos, kinakailangan ang tipan ng Biyaya na tanging si Hesu-Kristo lamang ang nakatupad. Ang Tipan ng Biyaya sa madaling sabi ay kaligtasan sa biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, at kay Kristo lamang.

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.47.  How, then, can you be saved?
A.    By the Lord Jesus Christ through the covenant of grace. (Heb 9:14-15)

how much more will the blood of Christ, who through the eternal Spirit offered himself without blemish to God, purify our conscience from dead works to serve the living God. Therefore he is the mediator of a new covenant, so that those who are called may receive the promised eternal inheritance, since a death has occurred that redeems them from the transgressions committed under the first covenant.

Hebrews 9:14-15 ESV

The first questions lead men to realize that they cannot be saved by their own good works and self -righteousness. And this question shows that salvation is found only in Jesus Christ. It is through the Covenant of Grace.

According to our 1689 Baptist Confession of Faith, the covenant of grace is wherein He freely offers unto sinners life and salvation by Jesus Christ, requiring of them faith in Him, that they may be saved;3 and promising to give unto all those that are ordained unto eternal life, His Holy Spirit, to make them willing and able to believe.

Since it is impossible for anyone to perfectly obey God’s command, the covenant of grace that only Jesus Christ can fulfill is necessary. The Covenant of Grace is simply this: salvation by grace alone, by faith alone, and in Christ alone.

To God be the glory.

Note: This question is #46 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/11/18/47-paano-ka-ngayon-maliligtas/