#8 Sino-sino Sila?

Ngayon na nalaman na ng mga bata na may Iisang Diyos at may tatlong Persona sa iisang Diyos, ipakilala naman sa kanila kung sino-sino ang tatlong Persona. Mahalagang ipabasa sa bata ang Matthew 28:19 dahil dito makikita nila na malinaw sa Bibliya kung sino-sino ang tatlong Persona, Ang Ama, Ang Anak, at Ang Diyos Espiritu Santo.

Maaring magtanong sila kung bakit tatlo lang at hindi apat o lima. Normal ito na itanong ng mga bata. Dapat na ipaunawa ng magulang na ang kasagutan dito ay hindi lubusang inihayag sa Bibliya. Tandaan natin na hindi nag-eexist ang Diyos dahil sa mga tao o sa Kanyang nilikha kaya mahirap ito bigyan ng paliwanag. Maaring sabihin na ang kapahayagan ng Diyos ay sapat na para sa atin at may mga gampanin ang bawat persona sapat para sa kaaliwan ng Kanyang mga tao at kaligtasan ng bawat makasalanan.

Ang malaman ang pagkakakilanlan at gampanin ng bawat Persona ng Banal na Trinidad ay mahalaga para sa mga mananampalataya. Hindi tayo maliligaw sa pagtukoy sa kung sino sa Tatlong Persona ang pangunahing nagsagawa ng bawat aspeto ng pagliligtas. Isang halimbawa ay ang pagkakatawang tao ni Hesus. Hindi ang Ama ang nagkatawang tao, kundi Siya ang nagsugo sa Anak. Ang banal na Espiritu naman ang sinugo ng Ama at ng Anak para gabayan ang Iglesia ng Diyos. Mahalaga din ito sa pananalangin, kaya nga sinabi ni Hesus na “manalangin kayo nang ganito: Ama namang nasa langit” (Matthew 6:9). At ang bawat panalangin ay nagtatapos sa ngalan ni Hesus dahil Siya ang daan tungo sa Ama sa patnubay ng Banal na Espiritu.

Marahil hindi pa ito lubusang mauunawaan ng mga bata pero responsibilidad ng mga magulang na i-demonstrate ito (Trinitarian piety and consciousness ayon kay Ryan McGraw) sa pamamagitan ng tamang paraan pananalangin at maging sa family devotion. Kung hindi, ito ay maaaring magbunga sa pagkalito at maling pagsamba sa nag-iisang Tunay na Diyos, tungo sa pagsamba sa diyos-diyosan.

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.8. Name these three Persons.
A.    The Father, the Son, and the Holy Spirit. (Matt 28:19)

Now that the children know that there is One God and that there are three Persons in one God, introduce them to “who” the three Persons are. It is important to have the child read Matthew 28:19 so that they can see clearly in the Bible who the three Persons are: The Father, the Son, and the Holy Spirit.

They may ask why only three and not four or five. It is normal for children to ask. The parent should make it clear that the answer to this question is not fully revealed in the Bible. Let us remember that God does not exist because of us or His creation, so it is difficult to explain it fully. We can say that the revelation of God is sufficient for us and that there are roles for each person sufficient for the comfort of His people and the salvation of every sinner.

Knowing the identity and role of each person of the Holy Trinity is important for believers. Through this, we won’t go astray in determining which of the Three Persons primarily performed each aspect of the work redemption. One example is the incarnation of Jesus. It was not the Father who became incarnate, but He sent the Son, and the Holy Spirit is sent by the Father and the Son to guide the Church of God. This is also important in prayer, which is why Jesus said, “pray like this: Our Father in heaven…” (Matthew 6: 9). And every prayer ends in the name of Jesus because He is the way to the Father under the guidance of the Holy Spirit.

The children may not yet fully understand it (and we will never be) but it is the responsibility of the parents to demonstrate it (Trinitarian piety and consciousness according to Ryan McGraw) through proper prayer and even family devotion. Otherwise, it may result in confusion and false worship of the one True God, leading to idolatry.

To God be the glory!

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/09/29/8-sino-sino-sila/