Biyayang Itinanggi at Ipinagkaloob

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos.”

Mga Gawa 14:22

Ang pangangailangan sa kalakasan ay di lamang nagmumula sa pagkahapo sa pang araw araw na stress kung hindi pati sa pagdurusa at pighati na dumarating paminsan minsan. At dumarating ang mga iyon.

Ang pagdurusa ay hindi maiiwasang nakadaragdag sa kapaguran ng puso sa daan patungong langit. Kapag dumating ito ay maaring mag alangan ang puso at ang makitid na daan patungong buhay ay nagmimistulang imposible. Mahirap na nga ang makitid na daan at matarik na burol upang subukin ang lakas ng isang lumang sasakyan. Ngunit anong gagawin natin kapag ang sasakyan ay nasiraan?

Si Pablo ay tumawag ng tatlong beses sa tanong na ito dahil sa ilang pighati sa kanyang buhay. Sya ay humingi ng kaginhawaan sa tinik sa kanyang laman. Ngunit ang biyaya ng Diyos ay dumating sa ibang paraan. Ang tugon ni Kristo, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka’t ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Corinthians 12:9)

Dito nakikita natin ang biyaya sa paraan ng nagpapanitiling kapangyarihan ni Kristo sa hindi nagiginhawaang kapighatian – isang biyayang ipinagkaloob, masasabi natin, na nakapaloob sa isang biyayang itinanggi. At si Pablo ay tumugon nang may pananampalataya sa kasapatan ng panghinaharap na biyayang ito. “Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Kristo.” (2 Corinthians 12:9)

Kadalasan ay pinagpapala tayo ng Diyos ng “ipinagkaloob na biyaya” sa loob ng “itinangging biyaya.”

Halimbawa, sa isang napakainit na araw ng Hulyo, ang water pump sa aming kotse ay nasira at kami ay na-stranded sa interstate sa may Tennessee dalawampung milya mula sa kahit anong bayan.

Nanalangin ako nung umagang iyon na nawa’y umandar ng maayos ang aming kotse at makarating kami ng ligtas sa destinasyon namin. Ngayon ang kotse ay nasira. Ang biyaya ng walang aberyang pag biyahe ay itinanggi. Walang tumitigil para tumulong habang kami ay nakatayo sa tabi ng kotse. Tapos sinabi ng anak kong si Abraham (labing-isang taong gulang sya noon) “Daddy, manalangin tayo.” Kaya kami ay yumuko sa may bandang likuran ng kotse at humingi sa Diyos ng biyayang panghinaharap – tulong sa panahon ng pangangailangan. Noong pag tingin namin, isang pickup truck ang dumating.

Ang driver ay isang mekaniko na nagtatrabaho dalawampung milya mula sa lugar na iyon. Sabi nya ay willing syang kumuha ng mga parts at bumalik upang ayusin ang kotse. Sumama ako sa kanya sa bayan at naibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo. Kami ay bumiyahe noon ng mga limang oras.

Ngayon ang kapansin-pansin dito, ang sagot sa aming panalangin ay nakapaloob sa tinanggihang panalangin. Humingi kami ng walang aberyang paglalakbay. Binigyan kami ng Diyos ng problema. Ngunit sa gitna ng itinangging biyaya, kami ay tumanggap ng biyayang ipinagkaloob. At ako ay natututong magtiwala sa karunungan ng Diyos sa pagbibigay ng biyaya na pinaka mainam sa akin at sa di mananampalatayang mekaniko at sa pananampalataya ng labing-isang taong gulang na bata.

Di dapat tayo magulat na binibigyan tayo ng Diyos ng kamangha-manghang biyaya sa gitna ng paghihirap na tayo ay humiling sa Kanya na kahabagan tayo. Alam Niya ang pinakamainam na paraan ng pagbibigay ng Kanyang biyaya para sa ating kabutihan at sa Kanyang kaluwalhatian.

This article was translated by Gino Orcullo and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click here.

Gino Orcullo

Gino Orcullo

Gino Orcullo is a member of Lifehouse Church in Makati/Taguig. Finished a degree in Mass Communication major in Broadcast Communication but working as a Web Developer in Makati. A sinner who is saved by grace alone, through faith alone, in Christ alone to the glory of God alone.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit