Ang aklat na irereview ko ay maaring i-summarize sa isang simpleng formula:
Gospel doctrine + gospel culture = power
Ganoong kadali di ba? Simple at madaling intindihin. Ngunit ang mahalagang katanungan ay: madali ba itong i-apply?
Ang Kristiyano ay mayroong “love-hate” na relasyon sa mga ganitong bagay. Mahilig tayong magbasa ng formula, listacles, “step by step” o “how to’s” na artikulo o aklat tungkol sa mga maaring makatulong sa ating iglesia. Agad tayong naakit at binibigyan pansin ang mga bagay na ito. At hindi lang iyon, mababasa natin sa patotoo at base sa statistikong pagdami ng isang iglesia na tunay nga na epektibo ang mga pamaaraang ito. At ating itong agad i-aaply sa ating church na kinabibilangan. Umaasa tayo, sa tulong ng panalangin at biyaya ng Diyos, mapapaunlad natin ang church.
Ngunit sa kabilang banda, hindi maaalis sa ating isip na ang mga bagay na ito ay maaring may pagkapragmatiko, panandalian na resulta at epekto, nakasentro sa taong katuruan at walang biblikal na pundasyon. Maari rin ito ay nabuo dahil dala ng panahon o sa kulturang ating kinabibilangan. Maaring umubra ito sa kanilang church pero sa atin hindi. Kung titingnan natin ang internet at mga bookstores, laganap ang mga ganyang pamamaraan. Tunay na mayroon ngang nakikita tayong paglagong ispiritwal at dami ng miyembro pero para sa atin hindi yun ang sukatan. Kaya nagiingat tayo at minsan iniiwasan natin ang ganitong mga programa.
Sa librong na, The Gospel: How the Church Portrays the Beauty of Christ, iniimbitahan tayo ni Ray Ortlund na alamin kung ano ba ang nagpapaganda sa hitsura ng ating mga iglesia. Ipinapakita ng aklat na ito na tanging ang pag-didisplay ng kagandahan ni Cristo lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo dapat na makita sa church na ating kinabibilangan. Kung nais natin na magkaroon tayo ng maka-Diyos na impact sa mundo, ay dapat simulan natin ito sa ebanghelyo. Nagagawa lamang ito sa pamamagitan ng formula na ating binanggit kanina na: Gospel doctrine + gospel culture = power na baguhin hindi lang ang ating lipunang kinabibilangan kundi ang church na ating kinaaaniban.
ang pag-didisplay ng kagandahan ni Cristo lamang sa pamamagitan ng ebanghelyo dapat na makita sa church na ating kinabibilangan.
Hindi maikakaila na bilang Kristiyano alam natin ang ebanghelyo. Palagi itong binabanggit sa pulpito at tinuturo sa Sunday School. At marahil hindi lingid na atin (o maaring ikagugulat) natin na alam din ito ng mga di mananampalataya ang gospel. Expose sila marahil sa napapanood at nababasa nila sa social media. Maaring nakaattend na sila sa ating mga churches. Subalit hindi natin makitaan sila ng ano mang pagbabago. Isama na rin natin ang ating community na kinabibilangan ng mga ngangailangan ng Salita ng Diyos. Tama na dapat ipangaral natin ang ebanghelyo sa ating mga simbahan. Ngunit ang dapat ay tayo muna ang mabago ng gospel. Kaya sa ebanghelyo ang dapat simulain ng isang Kristiyano na nagnanais baguhin ang mundo. Ipinapakita ng The Gospel: How the Church Portrays the Beauty of Christ, ang kahalagan ng ebanghelyo na ito ay dapat siyang sentro ng ating doktrina o katuruan. At mula doon lumilikha ito ng isang gospel culture na kung saan umiikot ang buhay ng iglesia.
sa ebanghelyo ang dapat simulain ng isang Kristiyano na nagnanais baguhin ang mundo
Sa bawat kabanata at pahina ng The Gospel: How the Church Portrays the Beauty of Christ mababasa natin ang nakakluwalhati sa Diyos mensahe na nakalaan para sa Kanyang bride. Tunay na nakakapukaw ng isip at ikaw ay mahuhumble sa biblikal na pmamaraang ito. Hayaan mong si Ray Ortlund ay hamunin at himukin ka na isentro mo ang iyong sarili sa katuruang nakatayo sa pundasyong mula sa Bible. Naisin ng Diyos na i-reach out mo ang mga di mananampalataya at ang community mo na hindi ginagamitan ng kung ano mang gimmick.
Medyo mahaba ang aklat na ito pero hahatakin ka ng mga isinulat ni Ortlund upang mabasa mo ito hanggang sa huling pahina. At kung nasa dulo ka na nito, mararamdaman mo na marami pang pwedeng ibahagi si Ray Ortlund sa napakahusay na aklat na ito. Nirerecommend ko ito sa mga pastor, elders at deacon ng bawat simabahan na basahin at pagbulaybulayan ang laman nito.Kung nagustuhan mo ang review na ito, maari mo rin basahin ang ilang piling quotes mula sa librong ito sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito. Sa link na iyon naroon din ang impormasyon kung papaano ka makakabili ng physical na kopya ng librong ito.