Buhay Na Pag-asa Para Sa Mga Nadurusang Puso

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang mga Kristiyano ay hindi malaya sa pasakit sa buhay na ito. Maaaring subukan ng mga popular na mga katuruan ngayon na sabihin sa atin na sapat na ang pananampalataya, para hindi natin haharapin ang pagkabigo o ang pakiramdam ng pagkadurog dahil ng kasalanan at ng mga epekto nito. Pero hindi sumang-sangayon dito ang Bibliya. Ang totoo ay hindi posibleng laging mabuhay na nasa high tide. Hindi maiiwasan na humupa ang tubig, at kung minsan ay kailangan nating bumalik sa daungan at maghintay sa Diyos na ibalik ang tubig.

Sa Mga Awit 6, isa sa pitong salmo ng pagsisisi (kasama ang Awit 32, 38, 51, 102, 130, at 143), ay pinapakita si David sa sandaling ng low tide—sa isang punto ng panglulumo at problemang dinulot niya mismo sa kanyang sarili. Ipinapakita nito sa atin na hindi lamang normal ang mga panahon ng pagkakaroon ng stress at problemadong buhay ng mga pinili ng Diyos dahil sa kasalanan natin at ng iba, kundi lagi ring ipinapangako ng Diyos ang kaginhawahan sa lahat ng nagtitiwala sa Kanya.

O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit,
o kaya’y parusahan kapag ika’y nag-iinit.
Ubos na ang lakas ko, ako’y iyong kahabagan,
    pagalingin mo ako, mga buto ko’y nangangatal.
Ang aking kaluluwa’y lubha nang nahihirapan,
    O Yahweh, ito kaya’y hanggang kailan magtatagal?
Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko’y iligtas,
    hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas.
Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala,
    sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo’y sasamba?
Pinanghihina ako nitong aking karamdaman;
    gabi-gabi’y basa sa luha itong aking higaan,
    binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.
Mata ko’y namamaga dahil sa aking pagluha,
    halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa.
Kayong masasama, ako’y inyong layuan,
    pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.
Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing,
    at sasagutin niya ang aking panalangin. 
 Ang mga kaaway ko’y daranas ng matinding takot at kahihiyan;
    sila’y aatras at sa biglang pagkalito’y magtatakbuhan.

(Mabuting Balita Biblia)

Nalugmok sa Kawalan ng Pag-Asa

Pansinin na hindi sinimulan ni David ang Awit 6 sa pamamagitan ng pagsisikap na ibenta ang kanyang sarili sa Diyos, sa pamamagitan ng pagsisikap na ipakita ang kanyang sarili na hindi naman siya. Inamin niya ng harapan, “Ubos na ang lakas ko” (v. 2). Alam Niya na walang katuturan ang pagsisikap na magsuot ng maskara ng katapangan para sa Diyos, dahil sinasaliksik Niya tayo, kilala tayo, at nakikilala ang ating mga iniisip mula sa malayo (Mga Awit 139:1–2).

Patuloy ni David sa talata 2, “mga buto ko’y nangangatal.” Walang partikular na kasalanan ang binanggit, ngunit maaari nating makita mula sa unang talata na si David ay may sariling kasalanan nais ipahiwatig.

Nannginig na ba ang iyong mga buto dahil sa kasalanan dahil nakita mo na hindi ka namumuhay sa harap ng Diyos ayon sa nararapat? Para kay David, ang bigat ng pamumuhay sa kasinungalingan sa harap ng Diyos at pagpapanggap sa harap ng kanyang kapwa tao ay dinudurog siya. Kung anomang pagkakasalang iyon, ang kanyang “..kaluluwa’y lubha nang nahihirapan,” (v. 3).

Ang pagkalugmok sa low tide ng buhay, sa putik ng sariling kasalanan o ng mga kasalanan laban sa atin, ay nakakaubos ng lakas. Wala na tayong espirituwal na sigla na kagaya ng dati. Ang madilim na ulap ay dumarating at lumulukob sa atin na parang mga anino sa ating pananampalataya. Ang dating debosyon ay nagiging takot. Kung ano ang dati nating tinatamasa ay tinitiis na lamang natin. Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng isang espirituwal na karamdaman, isang kamatayan na gumagapang sa atin.

————-

Ang totoo ay hindi posibleng laging mabuhay na nasa high tide. Hindi maiiwasan na humupa ang tubig, at kung minsan ay kailangan nating bumalik sa daungan at maghintay sa Diyos na ibalik ang tubig.

————-

Ang gayong mga damdamin ay parang mga damo sa isang hardin. Nagsisimula sila nang pakonti-konti, pagkatapos ay biglaang dumami, at kalaunan ay sila na ang sumakop sa iyong hardin. Sa araw na una mong makita ang mga ito na sumisibol, maaari mong tingnan ang mga ito at balewalain na lang. Ngunit kapag ang hardin ay lumaki, titingnan mo ang mga ito at pakiramdam mo mahirap nang tanggalin. Nang isulat niya ang Awit 6, ang kalagayan ng kaluluwa ni David ay parang hardin na napuno ng damo. Hindi niya binunot ang mga damo agad, at siya ay naiwan sa kawalan ng pag asa. Kaya naman hindi kataka-taka na sinabi ni David, “Sa aking pagdaing ako ay napapagod na” (v. 6), na ang kanyang pagtangis ay nabasa ang kanyang kama sa pamamagitan ng luha (v. 6), at ang kanyang mata ay “…namumugto” “…dahil sa dalamhati…” (v. 7)

Tulad ni David dito, ganap na normal para sa atin na matambakan ng kalubhaan ng ating kasalanan. Ngunit ang pag-asa para sa isang high tide, para sa isang yumayabong na hardin, ay nananatili.

Pinalaya sa Krus

Pansinin sa talata isa, na hindi tumugon si David sa kanyang paghihirap sa pagsasabing, “Panginoon, huwag mo akong disiplinahin.” Hindi niya pinipilit na iwasan ang kanyang pagkakasala. Lubos niyang nalalaman ang pangangailangan niyang siya’y iwasto. Subalit alam din ni David na makaka-asa siya sa Diyos na maaawa at iwawasto siya hindi sa galit (v. 1) kundi sa Kanyang tapat na pagmamahal (v. 4). Maaari pang manalangin si David, “Maawa ka sa akin, O Panginoon” (v. 2).

Biyaya ang kailangan nating lahat, lalo na sa panahon ng kaligaligan. Kung ibinigay sa natin ang nararapat sa atin, tayo ay mapapahamak. Kung susubukan nating maibsan ang ating mga pasanin, hindi natin ito magagawa. Samakatuwid, sa Diyos lamang tayo umaasa ng awa, at nananalangin, “Ipagkaloob mo sa akin ang kaginhawahan na nararapat sa akin.”

At ang Diyos ay tumitingin sa ibaba mula sa langit, isinasaalang-alang Niya ang krus, at nakikita Niya ang Kanyang Anak. At sa pagtingin sa Kanyang Anak, na “…nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, ” (I Pedro 2:24, Mabuting Balita Biblia), ipinagkakaloob Niya ang awa sa nagpapakumbaba at nagsisisi na mga makasalanan. At dahil si Cristo ang nagdala ng kaparusahan para sa ating mga kasalanan, hindi Siya dumarating upang parusahan tayo sa ikalawang pagkakataon. Si Cristo ang nagdala ng lahat ng parusa. Pinasan ni Cristo ang lahat ng pasakit. Si Cristo ang nagbayad ng lahat ng penalty ng kasalanan.

————-

Kaya kapag kinukumpronta tayo ng tunay na pagkatao natin—”nagkasala, masama, at kaawa-awa”—hindi tayo tumitingin sa taong naging katiyakan natin: na siyang si Cristo lamang.

—————–

Kung sinisikap nating sa ating buhay na gumawa ng paraan para pagbayaran ang ating mga kasalanan, sinisikap na mapabuti ang ating katayuan sa Diyos sa pamamagitan ng ating sariling natin napagpasyahang pamamaraan , kung gayon inihahayag natin na hindi natin kailanman tunay na naunawaan ang sakripisyo at pagpapakita ng awa ng Diyos sa Kalbaryo. Ito ay isang mataas na pagpapalagay sa isipin na maaari makakayang bayaran, o kahit na simulang bawasan ang ating pagkakautang dahil ng kasalanan. Kaya kapag kinukumpronta tayo ng tunay na pagkatao natin—”nagkasala, masama, at kaawa-awa”—hindi tayo tumitingin sa taong naging katiyakan natin: na siyang si Cristo lamang.

Nakikinig Ang Panginoon

Sa huli ang krus ang pinagmumulan ng pagliligtas na kung saan si David ay nagsusumamo (Mga Awit 6:4, 8–10). Doon sa krus ay awa na walang sukat. Sa krus, kinakansela ng Diyos ang listahan ng ating mga kasalanan at ipinahiya ang ating mga kaaway (Colosas 2:14–15). Oo, ang krus ni Cristo ay kumukumpronta sa ating pagkakasala at nagdadala sa atin upang magmanikluhod, ngunit ang biyaya at awa ng Diyos ay binibigay din doon ng labis-labis para makatayo rin tayo sa ating mga paa. Ang Diyos na nakakakita ng ating matitigas na puso ay siya ring Diyos na nagbibigay sa atin ng pagsisisi (2 Timoteo 2:25) at nagpapalaya sa ating mga labi upang purihin Siya.

—————

“…ang krus ni Cristo ay kumukumpronta sa ating pagkakasala at nagdadala sa atin upang magmanikluhod, ngunit ang biyaya at awa ng Diyos ay binibigay doon ng labis-labis para makatayo rin tayo sa ating mga paa.”

—————-

Dahil kay Cristo, naririnig ng Diyos ang lahat ng ating pagiyak at kawalan ng pag-asa (Mga Awit 6:8)—at kung nakilala at minahal natin ang Kanyang awa, maaari nating sabihin kasama ni David, “Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.” (v. 9, Ang Dating Biblia, 1905). Gaano man tayo kalalim na napalugmok, gaano man ang ating pagkakasala, o gaano man tayo napasakitan at napahirapan sa kamay ng iba, maaaring gawin na sayaw ng kagalakan ng Diyos ang ating kalungkutan at bihisan tayo ng kaligayahan (Mga Awit 30:11, Mabuting Balita Biblia).

Hindi ginagarantiyahan ng Diyos na babalik ang alon ng tubig sa sandaling umiyak tayo sa Kanya, ngunit ang pag-asa ay hindi kailanman malayo para sa mga nagtitiwala sa Kanya.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://blog.truthforlife.org/living-hope-for-languishing-hearts

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John MacArthur

Ang Nag-iisang Pinakamahalagang Gawain ng Pastor

Pangunahing Pagtawag Ang pangangaral ay sentro ng ministeryo ng pastor dahil iyon ang ating pangunahing tungkulin. Tahasang sinabihan tayo ni Apostol Pablo habang nagsasalita siya

John MacArthur

Nanalangin si Hesus para sa Iyong Pagpapabanal

Isang Urgent Plea Tandaan na ang pinakasentro ng panalangin ni Jesus bilang ating dakilang mataas na saserdote ay isang taimtim, apurahang pagsusumamo para sa ating

John MacArthur

Pag-asa sa Kapag Mabagal ang Pagpapabanal

Nasa Proseso Ka The reality is that sanctification isn’t defined as necessary; it’s simply defined as a reality. If you have been justified, you are