“Pabalikin mo kami, O Panginoon, upang kami ay muling magbalik!”
“Walang pag-asa ang mga tao ng Diyos maliban kung sila’y ibalik ng Diyos mula sa kanilang pagkakadulas at pagtalon sa kasalanan at kawalan ng pananampalataya.
Ang aklat ng Panaghoy ang pinakamadilim na aklat sa Bibliya. Mismo ang Diyos ang lumipol sa pinakamamahal niyang si Jerusalem.
Ibinuhos ng Panginoon ang kanyang galit; inilabas niya ang kanyang nag-aapoy na poot, at sinindihan niya ang isang apoy sa Zion na lumamon sa mga pundasyon nito. (Panaghoy 4:11)
Pinatay niya lahat ng mga minamahal sa ating mga mata. (Panaghoy 2:4)
Pinahirapan ng Panginoon ang Jerusalem dahil sa dami ng kanyang mga kasalanan. (Panaghoy 1:5)
Kaya paano nagtatapos ang aklat?
Nagtatapos ito sa tanging pag-asa na meron:
‘Ibalik mo kami, O Panginoon, upang kami ay muling makabalik!’ (Panaghoy 5:21)
Iyan ang aking tanging pag-asa — at ang tanging pag-asa mo rin!
Sinabi ni Jesus kay Pedro, ‘Simon, Simon, tingnan mo, hiniling ni Satanas na makuha ka, upang ikaw ay kanyang salain na parang trigo, ngunit ipinagdasal kita na hindi mawala ang iyong pananampalataya. At kapag ikaw ay muling bumalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid’ (Lucas 22:31–32).
Hindi kung babalik ka. Kundi kapag bumalik ka. Ipinagdasal kita! Babalik ka. At kapag ginawa mo, ang aking makapangyarihang biyaya ang magbabalik sa iyo mula sa bingit ng pagtalikod.
Kristiyano, ito ay totoo para sa iyo. Ito lamang ang iyong pag-asa sa pagpapatuloy ng pananampalataya. Magalak ka rito.
Si Kristo Hesus ang siyang… nasa kanan ng Diyos, na siyang namamagitan para sa atin. (Roma 8:34)
Siya ang magbabalik sa atin. Kaya naman, ‘sa kanya na makakapagpigil sa iyo sa pagkatisod… ay ang luwalhati, karangalan, kapangyarihan, at awtoridad, bago pa man ang lahat ng panahon at ngayon at magpakailanman’ (Judas 1:24–25). Amen!”
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/caused-to-return