Ingatan ang Iyong Kunsiyensiya
Maraming mga bagay na maaaring humantong sa kabiguan ng gawain sa Panginoon (ministry), ngunit may dalawang pangunahing bagay lamang ang nangunguna sa listahan. Ang isa ay kasalanan. Ang kasalanan ay hahantong sa pagkabigo. At hindi ko tinutukoy rito ang tungkol sa pag-uugaling pagkakasala, ang tinutukoy ko ay kasalanan na nasa loob natin.
Kailangan nating kumprontahin ang puso. Iyan ang isyu. Isinulat ni Santiago na ang kasalanan ay ipinaglihi sa puso, ito ay nanggagaling sa puso, at ito ay humahantong sa kamatayan. Kapag nakita mo ang isang tao na nabigo sa ministry dahil sa kasalanan, hindi iyon ang simula. Iyan ang katapusan ng mahabang kasaysayan ng pagkatalo sa espirituwal na labanan sa loob.
Kaya naman napakahalaga para sa mga tao sa ganitong gawain na bantayan ang kanilang budhi. Bilang isang mananampalataya, ang iyong konsiyensiya ay ang mekanismo na ibinigay sa iyo ng Diyos upang paalalahanan ka kapag ginagawa mo ang tamang bagay o akusahan ka kapag gumagawa ka ng maling bagay. Kaya makinig ka sa iyong bunhi.
Ipinagtanggol ni Apostol Pablo ang kanyang sarili sa mga taga-Corinto sa pamamagitan ng pagsasabi sa 2 Corinto 1:12, (Magandang Balita Biblia) “Ito ang aming ipinagmamalaki at pinapatunayan naman ng aming budhi: tapat at walang pagkukunwari ang aming pakikisama sa lahat, lalo na sa inyo. Subalit nagawa namin ito sa kagandahang-loob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao.”
Ang Panginoon ay gumagamit ng kapighatian at kahirapan upang magpakumbaba sa atin. Kaya dapat tayong maging maingat na hindi tayo mapagmataas, na magkaroon ng hindi makatotohanang mga inaasahan sa kung ano ang nararapat sa atin.
Iyan lugar ng labanan na kailangang mong manalo at nangangahulugan na kailangan mong gawin kung ano ang sinabi ni Pablo: kailangan mong mag-ingat sa iyong sarili. Kailangan mong manalo sa labanan sa loob at kailangan mong magkaroon ng malinis na budhi. Kung nanalo ka sa labanan sa loob, hindi ka matatalo sa labas. Kaya ang paglaban sa kasalanan sa pinakamalalim na antas ng iyong puso ay lubos na kritikal.
Mag-ingat at Huwag Umasa sa Mga Hindi Makatotohanang Bagay
Ang pangalawang bagay na humahantong sa kabiguan sa gawain ng Panginoon ay ang burnout. Ito ay talagang bunga ng hindi makatotohanang mga inaasahan na nakatali sa pagmamataas. Kung sa palagay mo ay karapat-dapat kang makakuha ng mas mabuti kaysa sa natatanggap mo, kung sa palagay mo ay karapat-dapat ka sa isang mas malaking church, mas matatapat na tao, mas kaunting kritisismo, kung sa palagay mo ay hindi ka tinatrato sa paraang dapat kang tratuhin, kung may isang tao—marahil ang iyong asawa—ay nagpapatibay kung paano ka minamaltrato ng mga tao, hahantong iyan sa pagka-burnout.
Ang burnout ay hindi dumarating dahil sa pagsisikap, ito ay dahil sa kabiguan. Hindi ko pa yata narinig na na burn out ang mga maghuhukay ng kanal. Akala ko ito ay maghahantong sa pagka-burn out ng tao pero mano-manong trabaho lang iyon. Ang pagsisikap sa pagtratrabaho ay hindi nagbubunga ng burnout. Ang mga hindi makatotohanang mga inaasahan ang tunay na salarin. Mahalaga para sa atin bilang mga tao sa ministry na maunawaan na ang Panginoon ang namamahala sa mga resulta.
Kahit sa pinagdaanan ni Apostol Pablo, pinahintulutan ng Panginoon ang mga bulaang guro na pumasok sa iglesia sa Corinto at wasakin ito. Ito ay isang tinik sa laman ni Pablo. Tatlong beses siyang nanalangin na alisin ng Panginoon ang mga bulaang gurong iyon at tumanggi ang Panginoon dahil para sa Kanya kapag mahina ka, malakas ka.
Hinayaan ng Panginoon ang suliranin sa iglesiang iyon na paraan para maging matatag si Pablo. At nilinaw Niya ang dahilan. Sinabi niya, “Dahil sa maraming paghahayag na tinanggap mo, upang magpakumbaba ka, ipinadala ng Panginoon ang tinik na ito sa laman.”
Ang Panginoon ay gumagamit ng kapighatian at kahirapan upang magpakumbaba sa atin. Kaya dapat tayong maging maingat na hindi tayo mapagmataas, na magkaroon ng hindi makatotohanang mga inaasahan sa kung ano ang nararapat sa atin. Ito ay humahantong sa pagkabigo at isang uri ng burnout na nagiging sanhi para sa mga mangagawa ng Panginoon na maging hindi tapat sa ministry. Alamin na hindi ka karapat-dapat sa anumang bagay, mapagtanto na ito ay isang pribilehiyo, karangalan, at isang awa na tinawag ka para sa ministry. Magalak sa pribilehiyo, at hayaan ang magiging resulta ay maiiwan sa mga kamay ng Diyos. Maging isang kang tapat na lingkod.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John MacArthur for Crossway. To read the original version, https://www.crossway.org/articles/2-traps-that-lead-to-ministry-failure/