Dumiretso sa Diyos

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan, at hindi ko sinasabing ako mismo ang hihiling sa Ama para sa inyo. 27 Mahal kayo ng Ama sapagkat ako’y minahal ninyo at naniwala kayo na ako’y nagmula sa Diyos. (Juan 16:26-27 MBBTAG) 

Huwag nating gawing higit na tagapamagitan ang Anak ng Diyos kaysa sa kanyang tunay na papel.

Sabi ni Jesus, “Hindi ko sinasabi sa inyo na ako’y hihiling sa Ama para sa inyo.” Sa madaling salita, hindi ako magiging hadlang sa pagitan mo at ng Ama, na para bang hindi ka makakalapit sa kanya nang direkta. Bakit? “Ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo.”

Ito ay nakakamangha. Binabalaan tayo ni Jesus na huwag isipin na ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay ayaw tumanggap sa atin nang direkta sa kanyang presensya. Sa “direkta,” ang ibig kong sabihin ay kung ano ang sinabi ni Hesus nang sabihin niya, “Hindi ko dadalhin ang inyong mga hiling sa Diyos para sa inyo. Kayo mismo ang maaaring lumapit. Mahal ka niya. Gusto niyang lumapit ka. Hindi siya galit sa iyo.”

Totoo na walang makasalanang tao ang may access sa Ama maliban sa pamamagitan ng dugo ni Jesus (Hebreo 10:19–20). Siya ay namamagitan para sa atin ngayon (Roma 8:34; Hebreo 7:25). Siya ang ating tagapagtanggol sa Ama ngayon (1 Juan 2:1). Siya ang ating Mataas na Saserdote sa harap ng trono ng Diyos ngayon (Hebreo 4:15–16). Sinabi niya, “Walang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

Oo. Ngunit inilalayo tayo ni Hesus sa sobrang pagdepende sa kanyang pamamagitan. “Hindi ko sinasabi sa inyo na ako’y hihiling sa Ama para sa inyo; dahil ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo.” Nandyan si Hesus. Siya ay nagbibigay ng patuloy at buhay na patotoo sa pag-aalis ng galit ng Ama sa atin.

Pero hindi siya nandyan upang magsalita para sa atin, o upang panatilihin tayong malayo sa Ama, o upang ipahiwatig na ang puso ng Ama ay sarado para sa atin o hindi siya bukas sa atin — kaya ang salitang, “Dahil ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo.”

Kaya, lumapit ka. Lumapit ka nang may tapang (Hebreo 4:16). Lumapit ka nang may pag-asa. Lumapit ka na umaasa ng ngiti. Lumapit ka na nanginginig sa tuwa, hindi sa takot.

Ang sinasabi ni Jesus, “Gumawa ako ng daan patungo sa Diyos. Ngayon, hindi ako magiging hadlang.” Lumapit ka.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/go-directly-to-god

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.