Isa sa mga responsibility natin bilang Christian ay maging faithful sa pag spread ng Gospel lalo na sa panahon ngayon.
Halos karamihan ng tao ay natatakot dahil nga sa pandemic na kinakaharap natin and kung iisipin nating mabuti, hindi naman talaga sila takot sa virus kundi takot sila sa realidad ng kamatayan. Bakit? Simple lang, dahil hindi sila sigurado kung ano bang meron sa kabilang buhay. Aminin man natin sa hindi, tayo din naman napunta sa ganung sitwasyon, hopeless din tayo noong wala pa tayong relationship kay Jesus. We have to be careful, kasi may tendency na instead na maging compassionate tayo sa kanila ay maging judgmental tayo.
Let’s remember, na minsan din tayong nabulag sa kasinungalingan ng mundo at patay sa ating mga kasalanan. The best way for us to be reminded is none other by preaching the Gospel to ourselves. Yung hope na mayroon tayo ngayon is all because of Christ who gave His life as a ransom for God’s people. Si Jesus Christ lang ang pwedeng maging kabayaran para ma-satisfy ang galit ng Diyos, kasi si Christ lang yung walang bahid ng kahit anong kasalanan. It’s the perfect definition of love.
Yung hope na mayroon tayo ngayon is all because of Christ who gave His life as a ransom for God's people.
I-share natin yung hope na mayroon tayo, kasi yung hope na yun ang tanging may kakayahan na makapagbigay ng tunay na buhay. Yung hope na pwede nilang panghawakan sa gitna nitong crisis. Yung hope na makakapag bigay ng totoong peace sa puso nila.
Napakaraming paraan, para i share ang hope na ito. I-maximize natin yung paggamit ng social media dahil lahat ng tao ngayon ay online. Simpleng pangangamusta sa mga kaibigan. Simpleng pagpo-post ng mga natutunan mo about the Word of God. Simpleng pag share ng Gospel videos. At yung simpleng pagrespond natin sa issues online can also make people wonder, kung bakit parang naiiba tayo in a good way, which can lead to Gospel conversations.
I-preach natin yung Gopel, kasi yun lang ang tunay na Hope na kailangan ng bawat isa.