I-Glorify ang Diyos sa Iyong Katawan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Paano Ang Exercise Ay Nakakatulong sa Buhay na Kristiyano

“Ang ilan sa atin ay naiisip na ang buhay Kristiyano ay laging nakaupo,” isang mabuting kaibigan ang nag-comment sa akin, “mas marami ang sa pag-upo kaysa sa pagtayo, pakikipag-usap at pakikinig kaysa sa anumang naguudyok upang kumilos.”

Pinag-uusapan namin ang mga utos ng New Testament na magmahal at ng mabuting gawa. Taliwas sa anumang palagay na ang buhay kay Cristo ay parang pagtira sa sala at sa coffee shops, hindi mo nakikita ang ganitong impression na ang mga unang Kristiyano ay nakaupo sa lahat ng oras. Bagaman tinatanggap natin ang mga utos na mag-meditate, mag-aral, at maging tahimik para sa presensya ng Diyos, makikita din naman natin ang mga maraming turo nina Jesus, Peter, James, at Paul, na nagpapakilos sa atin sa isang buhay na alam ang gospel at may pananampalataya may kalakip na makahulugang gawain.

Devoted sa Paggawa ng Mabuti

Bilang starters, isaalang-alang natin kung ano ang sinabi ni apostol Paul sa mga kabataang kamanggagawa niya na sina Timothy at Titus. Ang mayaman sa kasalukuyang panahon na ito, ayon siya, ay hindi dapat mag-focus sa kanilang kayamanan ngunit “…magsiyaman sa mabuting gawa, na sila’y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;” (1 Timoteo 6:18, Ang Biblia (1978)). At si Titus ay dapat ding maging aktibo: huwag lamang magturo ngunit “Sa lahat ng mga bagay ipakita mo ang iyong sarili na huwaran ng mga mabubuting gawa…” (Tito 2: 7, SND). Hindi lang isang huwaran sa pamamagitan ng mga bagay na hindi mo dapat gawin ngunit  sa mga mabubuting gawa na iyong ginagawa.

Inaasahan ni Paul ang parehong mabubuting salita at mabubuting gawa mula sa kanyang mga protege. At inaasahan niya na ang lahat ng mga Kristiyano ay hindi lamang handa na gumawa ng mabuti ngunit maging “masigasig sa mabubuting gawa” (Tito 2:14, SND). Nais niyang tiyakin na ang mga nagpahayag ng pananampalataya ay ” maging maingat sa pagpapanatili ng mabuting gawa” (Tito 3: 8, ASD). Ang problema sa mga huwad na mangangaral sa Crete ay ito:” Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit siya ay ipinagkakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam, masuwayin at hindi makagagawa ng anumang mabuti.”(Tito 1:16, SND). Obvious itong sumasalungat sa sinabi ni Paul, “Dapat matutunan ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa araw-araw na pangangailangan upang magbunga.” (Tito 3:14, SND).

Para kay Timothy at Titus, ang apostol Paul ay gumawa ng isang ”motto” na makakabuti, lalo na sa ating panahon na palagi tayong nakapirmi, upang ipagpray ay magiging totoo sa atin: “maging handa sa paggawa ng mabubuti.” (2 Timoteo 2:21; Tito 3: 1, SND) .

Handa na Gumawa ng Mabuti

Ang kahandaang gumawa ng mabuti ay maaaring madaling pakinggan lalo na sa theory, ngunit sa praktikal ito ay isang pagtawag na maaaring magbigay ng hirap sa panahon natin. Sa ating mundo ng laman at dugo, at ngayon ang mga sasakyan at gadgets, ang pisikal at emosyonal na sangkap natin ay kasama ng espirituwal sa ating kahandaan na gumawa ng mabuti. Ang mga mabubuting gawaing Kristiyano ay nagsisimula sa kaluluwa, sa mga pusong nabihag ni Cristo, sa pananampalataya na tumatanggap ng kanyang mga benepisyo, sa pagnanais na maging malapit sa kanya, sa pag-ibig na nais na gumawa ng mabuti sa iba.

At ngayon ang katawang ito. Walang paraan upang iiwas. Magiging hadlang ba ito sa paggawa ng mabuti o handa sa pagkilos? Kapag dumating na ang oras upang tumayo, magiging preparado ba ang ating mga kalooban upang wasakin ang inertia ng hindi nating pagkilos? Kapag tumawag ang pag-ibig, magiging handa ba ang ating mga katawan na gumalaw, na ang mga kamay at braso ay hindi masyadong mabigat at hindi masyadong malambot, para maaring umabot at mang-angat at humila at tumulak? Handa ba ang ating mga paa at binti na daluyan ng buhay at lakas sa paggalaw nito, kaysa nakaupo at hindi aktibo? Ako ba’y handa at pumapayag na gamitin ang katawang ito na ibinigay sa akin ng Diyos, o tanggap ko na ba kung ano ang turo ng atin panahon na panatilihin na lang ito sa isang tabi at huwag ipagamit ito?

Ang isang katawan na katigil ay mananatiling nakatigil maliban kung may nag-udyok na  isang puwersa.

Inihanda ng Diyos ang isang Katawan

Ang Diyos ay hindi nagdisenyo at bumuo ng ating mga katawan upang maging pabigat. Ang mga ito ay mahalagang regalong, nilikha at sinusustain ng Diyos, upang tayo ay mabuhay at gumawa ng mabuti, para sa Kanyang kaluwalhatian, dito sa mundo. Sinabi ni Hesus, “Sa ganitong paraan pagliwanagin ninyo ang inyong ilawan sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa. Sa gayon ay luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.” (Mateo 5:16). Nangangailangan ito ng mga katawan.

“Ang tunay na fitness ay nangangahulugang ang ating kakayahan ng ating katawan na magsisilbi sa ibang mga layunin. Ang tanong ay, fit para sa ano? “

Hindi lamang ang ating mga katawan ay “…hindi para sa pakikiapid,” tulad ng isinulat ni Paul sa 1 Corinto 6:13 (Ang Dating Biblia, 1905), ngunit ang mga ito ay “kundi sa Panginoon” – at sinundan pa niya ng, ” at ang Panginoon ay sa katawan.” Ang Diyos ay pro-body, para sa katawan, hindi laban sa katawan, hindi suspetyoso sa mga katawan. Binigyan Niya ng sariling katawan ang kanyang sariling Anak – bakit? Bilang isang vessel para sa paggawa ng Kanyang kalooban sa mundo. Inilalagay ng Mga Hebreo ang mga salita mula sa Awit 40 sa mga labi ni Hesus, na nagsabi sa kanyang Ama, “…naghanda ka ng katawan para sa akin.,” at pagkatapos, “Narito, dumarating ako sa balumbon ng aklat na nasulat patungkol sa akin, upang sundin ang iyong kalooban, O Diyos.” (Mga Hebreo 10: 5-7, SND).

Iharap ang Iyong Katawan

Sa gayon din naman mayroon tayong mga katawan, na inihanda para sa atin ng ating Ama, upang maisakatuparan ang Kanyang kalooban sa sanlibutan, upang makagawa ng mabuti sa ating sariling katawan, upang magamit ito upang isulong ang kaharian ni Cristo at luwalhati sa mga gawaing pang-katawan na hinimok ng pananampalataya, at mga salitang nagbibigay kahulugan sa ating mga kilos. Hindi lamang tayo may mga negatibo na dapat maiiwasan, ngunit mayroong isang positibong bagay na dakila na dapat ipagpatuloy: ” Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan…” (1 Corinto 6:20,SND).

Dapat nating iharap ang ating mga katawan bilang isang buhay na hain (Roma 12: 1) – at iharap ang natin ang bawat mga parte hindi bilang mga kasangkapan ng kasalanan ngunit ng katuwiran (Roma 6:13). Magiging aktibo ba ito o nakaupo? Malamang, at madalas, kailangan natin ng karampatan na paggalaw, pagsisikap, pagpupumilit, pagkilos – kung minsan ay malakas na pagkilos. Kailangan nating  i-push ang ating mga bahagi ng katawan at kalamnan upang gumalaw sa buong mundo, ang mga binti ay lumalakad patungo sa mga nangangailangan, sa tawag ng pag-ibig, mga kamay na umaabot upang makatulong.

Ang tanong ay hindi kung kailangan ba nating mga Kristiyano gamitin ang ating mga katawan upang maisakatuparan ang ating God-given na pagkatawag sa pisikal na mundo, ngunit handa ba tayong gamitin ang mga ito sa bawat bagong araw na may hatid na mga bagong oportunidad? O hahayaan ba nating ang kasalukuyang panahong ito na siyang kumundisyon para  magpapabagal sa atin, upang mapahinto tayo, upang maramdaman natin na tayo ay liabilities kaysa sa mga assets sa tawag ni Cristo?

Magiging “…magsiayon sa sanglibutang ito” at mahuhulog sa nakagawiang pagkapirmi, at hayaan itong ipitin ang ating pananampalataya at pagkatawag, o tayo ay ” magiba… sa pamamagitan ng pagbabago ng…. pagiisip” upang hindi lamang natin “mapatunayan…kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios” (Roma 12: 2, Ang Biblia (1978)) ngunit para rin maging handa at may kakayahang iharap ang ating mga katawan at gawin ito sa mga gawaing nakalaan dito?

Maging Fit Para Sa Ano?

Maaaring ma-appreciate ng Kristiyano ang modernong salita na fitness. Upang matawag na isang aktibo, handa, malusog na katawan bilang fit ay hindi lang ang katawan ang pinakadulo ng layunin nito. Hindi ito para lamang mapagmasdan sa mga larawan o sa mga entablado, ngunit para sa paggawa ng isang bagay, pagkilos, paggawa ng mga aksyon, at pag-accomplish ng mga gawain sa mundo. Ang tunay na fitness ay nangangahulugang na ang atin katawan ay nagsisilbi sa ibang pang mga layunin. Ang katawan ay fit upang gumawa ng isang bagay. Ang tanong ay, fit para sa ano?

Kay Cristo, mayroon tayong mas mahusay na mga sagot sa katanungang iyon kaysa mulas sa sekular na workout culture at mga huwad nitong diyos-diyosan. Tulad ng sinulat ni Paul sa kanyang mga protege, dapat tayong maging “…handa sa paggawa ng mabubuti.” (2 Timoteo 2:21; Tito 3: 1). Dapat tayong maging handa upang kumilos at ihayag ang Diyos sa mundo ito na Kanya ginawa. Handa ang mga kamay at braso, may mga paa at binti, na may tumitibok na pulso na puno ng energy at kasabikan, at may pakiramdam na buhay na buhay, hindi may kapaguran, sa bawat paggalaw. Handa ang mga isip at puso at kalooban na mas gugustuhin na kumilos kaysa sa nakapahinga, mas gusto ang bumangon at humayo at may isang bagay na ginagawa kaysa sa umupo lamang at nakatingin gadgets, mas gusto pumunta sa mundo at gumawa upang matulungan ang mga tao kaysa kalkulahin kung paano  maaaring kumilos nang kakaunti na sa tingin natin ay sapat na.

Kay Cristo, ang paglilingkod ay sa pag-ibig, nais nating makuha (at mapanatili) ang ating mga katawan, dumaan man ito sa iba`t ibang mga yugto ng buhay, kailangan nasa tamang kondisyon upang mapaglingkuran ang mga panawagan ng Diyos sa ating buhay para mahalin ang iba. Nais nating maging isang uri ng tao na nais na gumawa ng mabuti para sa iba, at may kakayahang gawin ito nang masaya, alam na ang gayong kabutihan ay madalas na nangangailangan ng pagsisikap sa ating mga katawan sa mga paraan na hindi komportable, at minsan hindi akalaing maiisip, kung tayo ay tamad at hindi fit .

Tamang Pangangalaga

Baka sakali tayo ay malinglang tungkol sa dignidad patungkol sa ating mga katawan sa masamang panahon na ito, si C.S. Lewis ay may isang nagbabalanse na salita para sa atin tungkol kay “Brother Ass,” na bansag niya dito. Ang ating mga katawan ay “parehong pathetically at absurdly maganda.” Ang mga ito ay “isang kapaki-pakinabang, matibay, tamad, matigas ang ulo, matiyaga, kaibig-ibig at nakakagalit na hayop; karapat-dapat ngayon sa stick at ngayon ay isang karot. ” At upang bigyan diin ang ating calling  na magamit nang maayos ang mga katawan na ito ay hindi upang balewalain ang kakapusan, bagkus upang igalang ito bilang tunay na pagkawala at pasakit at pagsubok.

Gayunpaman ang pagiging totoo tungkol sa ating mga limitasyon, at mga kakapusan, ay hindi nangangahulugang tanggapin ang mga palagay ng ating panahon na palaging nakapirmi.

Kailangan nating ay i-push ang ating mga bahagi ng katawan at kalamnan upang gumalaw sa buong mundo, ang mga binti ay lumalakad patungo sa mga nangangailangan, sa tawag ng pag-ibig,

Kay Cristo, masusupungan natin ang Kayamanan na nakatago sa bukid (Mateo 13:44). Hawak na natin ngayon ang Perlas na Napakahalagang Presyo (Mateo 13: 45–46). Natikman natin ang napakahusay na halaga ng pagkakilala kay Cristo Jesus na ating Panginoon (Filipos 3: 8). Ang pagtamasa sa buhay na ito, bilang pinakamahalaga sa lahat, ay nakakaawa at maliit. Ang pagtangkilik kay Cristo ay isang karapat-dapat, tunay na mahalaga,na layunin, ngayon at magpakailanman. Ito ang buhay natin. Siya ang ating buhay.

At ang kasiyahan ni Jesus na iyon ay pinatamis ng nararapat na paggamit at pangangalaga ng mga katawang ito. Hindi nilikha ng Diyos ang mga ito para maupo lamang. Ginawa Niya ito para pagnilayan ang Kanyang mga Salita, at pagkatapos ay kumilos sa mundo, patungo sa mga pangangailangan nito. At ang paggalaw ay hindi lamang ginagawang malusog at masaya tayo,  pinagiging epiktibo ang ating tawag upang magmahal – at dahil dito, sa pangalan ni Hesus, ang ating kagalakan sa Kanya ay lumalalim at lumalawak.

At ang tamang pangangalaga ay tunay na makakatulong  para sa karamihan sa atin. Hindi tulad ng ating mundo, at ang mga extremes nito, mayroon tayong mas mataas na calling, na umaagos mula sa mismong layunin ng Diyos mismo sa sansinukob, upang mailagay si Brother Ass sa serbisyo ng pag-ibig, sa kaluwalhatian ng Diyos.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God.
To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/glorify-god-with-your-body

David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.
David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.

Related Posts

Jeff Chavez

Limited Atonement Part 2

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. This is blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Limited Atonement Part 1

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. This is blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

The Total Depravity of Man Part 3

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. While we are not as bad as we could be,

Jeff Chavez

The Total Depravity of Man 2

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride.  This lesson: Moral Inability, is a consequence of Total Depravity.