Ika-Labing-isang Oras ng Tagumpay

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” (Lukas 23:42 ASND)

Isa sa mga pinakamalaking pumapatay ng pag-asa ay ang matagal mo nang pagsisikap na magbago, ngunit hindi ka nagtagumpay.

Tumingin ka sa nakaraan at iniisip mo: Ano pa ba ang saysay? Kahit na makaranas ako ng tagumpay, kaunti na lang ang natitirang oras para mabuhay ako sa bago kong  landas na hindi naman ito magkakaroon ng malaking pagkakaiba kumpara sa napakaraming taon ng pagkabigo.

Ang dating magnanakaw (yung magnanakaw sa krus na katabi ni Hesus) ay nabuhay ng isa pang oras o higit pa matapos niyang magbagong-buhay. Pagkatapos ay namatay siya. Siya ay nagbago. Nabuhay siya sa krus bilang isang bagong tao na may bagong pananaw at pagkilos (wala nang paglalait). Ngunit 99.99% ng kanyang buhay ay nasayang. Mahalaga ba ang huling ilang oras ng pagbabago?

Ito ay may walang hanggang kahalagahan. Ang dating magnanakaw, tulad ng bawat isa sa atin, ay haharap sa trono ng paghuhukom ni Kristo upang magbigay-sulit sa kanyang buhay. “Tayong lahat ay haharap sa trono ng paghuhukom ni Cristo, upang ang bawat isa ay tumanggap ng nararapat para sa kanyang ginawa sa katawan, mabuti man o masama” (2 Corinto 5:10). Paano patutunayan ng kanyang buhay sa araw na iyon ang kanyang bagong kapanganakan at pagkakaisa kay Kristo? Paano patutunayan ng kanyang buhay ang kanyang bagong buhay kay Kristo?

Ang huling oras ay magkukuwento. Ang taong ito ay bago. Totoo ang kanyang pananampalataya. Siya ay tunay na nakaisa kay Kristo. Ang katuwiran ni Kristo ay kanya. Ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad.

Iyan ang ipapahayag ng huling oras sa huling paghuhukom. Siya ay nagbago! At ang kanyang pagbabago ay mahalaga. Ito ay naging, at ito ay magiging, isang magandang patotoo sa kapangyarihan ng biyaya ng Diyos at sa katotohanan ng kanyang pananampalataya at pagkakaisa kay Kristo.

Ngayon, bumalik tayo sa ating pakikibaka sa pagbabago. Hindi ko sinasabi na ang mga mananampalatayang nakikipaglaban ay hindi ligtas tulad ng magnanakaw. Sinasabi ko lamang na mahalaga ang huling mga taon at oras ng buhay.

Kung sa huling 1% ng ating buhay, makakamit natin ang tagumpay sa ilang matagal nang bisyo o masakit na kapintasan sa ating pagkatao, ito ay magiging isang magandang patotoo ngayon sa kapangyarihan ng biyaya; at ito ay magiging dagdag na saksi (hindi lamang tanging isa) sa huling paghuhukom ng ating pananampalataya kay Kristo at pagkakaisa sa kanya.

Lakasan mo ang loob, Cristiyanong nakikipaglaban sa kasalanan. Patuloy kang humingi, maghanap, kumatok. Patuloy na tumingin kay Kristo. Kung pinaparangalan ng Diyos ang pagliligtas sa mga magnanakaw sa ika-labing-isang oras, tiyak na may dahilan siya kung bakit naghintay siya hanggang ngayon upang bigyan ka ng tagumpay na hinahanap mo sa loob ng maraming taon.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/eleventh-hour-breakthroughs

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pangunahing Layunin ng Ministry

Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Dios at napapahamak, kundi kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas. (Hebreo 10:39 Ang Salita ng Dios) 

John Piper

Ang Pinakadakilang Pagmamahal

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan. (1 Juan 2:12  MBBTAG)  Bakit kailangan nating bigyang-diin

John Piper

Limang Layunin para sa Paghihirap

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

John Piper

Nangingibabaw na Biyaya

Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. (Isaias 57:18) “Matutunan mo ang iyong