Jesus: My Joy-Giver, Lover, and Faithful Provider

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ilang buwan na rin na ganito ang kalagayan natin. These past few months have been a roller coaster for me, there were valley moments and mountaintop experiences! Alam ko hindi ako mag-isa sa ganitong sitwasyon, baka ikaw din naranasan mo na ‘to. May tatlong bagay akong gustong i-share sayo, tatlong bagay na nangusap sakin, baka sa’yo din mangusap ang mga ‘to. Basahin mo. 

Joy-giver

Dumating ka na din ba sa mga senti moments? Yung mga oras na malakas ang ulan, makikinig ka ng mga malumanay na kanta, gagawa ka ng kape, at uupo ka sa paborito mong sulok. Tapos iisipin mo bakit ako mag-isa sa buhay? Ang drama ‘no? If you’re like me and you live alone, you have probably experienced these especially during this time of pandemic. Our present situation can steal our joy, hope and motivation. Indeed, Covid 19 can be a huge joy-stealer, if you allow it! 

Now let’s try to look at that scenario again but this time with a joyful perspective.

Picture this again: you are alone, it’s raining really hard outside, you turn on your music, make a cup of coffee, sit at your favorite corner, enjoying that alone time, the cold weather, and every sip of your coffee – joyfully being in the presence of the Lord. You see the difference?  Joy changed the entire picture.

In my case although I live alone, I’m not lonely. I’m always with Him. I’m alone but we are together. This may sound crazy, but this is true. Sometimes we think that singleness is aloneness. But with Jesus, singleness is joyfulness! Ito na ata ang mga pinakamasasarap na araw ng buhay ko — ang mapag-isa kasama Niya!

Greatest lover

Habang binbasa mo ‘to, baka isa na rin sa mga pumasok sa isip mo ay ang tanong na “bakit naman kasi sa pandemic na ‘to ay single pa ako?” “Mas masarap ata kung may kasama habang naka kulong sa bahay mo.” Maaaring tama ka, maaari ding mali. When these thoughts come to mind, I often remind myself of the truth that Jesus is the lover of my soul! But how do I tangibly experience that? 

Kung iniisip mo na ang kahulugan ng salitang pagmamahal ay kagaya ng depinisyon na ibinibigay ng mga napapanood mong Koreanovelas, o ng kilig na nararamdaman mo sa tuwing biglang mag chat ang crush mo, sorry pero hindi ‘yan ang kabuuan ng kahulugan ng salitang pagmamahal. 

God’s love was reflected at the garden of Eden. Doon natin unang nakita kung saan, ang Panginoon na kontento naman na sa kung sino Siya, ay nagdesisyong lumikha at gawin tayo at ang mundo, pati na ang mga nasa loob at labas nito. 

God’s love already existed before He made that decision. God’s love already existed before He created the first man and woman. God’s love already existed before He clothed His created humans with animal skin after they have sinned against Him. His love never ceased. It continued on that cross when He gave His Son to suffer and die. His love continued when His Son resurrected after three days. His love continued when Jesus gave the command to share what He has done on the cross to people as far as the ends of the earth. 

His love is the greatest that He sought me even in my most wicked state. His love is so deep that it gives life to my once dead bones. Even in this season, His love never fails to satisfy my soul.

Faithful provider

May mga pagkakataon din bang iniisip mo kung paano na? Paano na ang bukas? Paano na ang pamilya? Paano na ang mga pangangailangan nila? Naitanong ko na din ‘to ng maraming beses sa sarili ko at sa Panginoon. At maraming beses Niya din akong sinagot at pinatunayang walang saysay ang pag-aalala ko (see Matthew 6:25-34). Kagaya ng pagpapakain Niya sa mga ibong hindi naman pinaghihirapan ang mga kinakain nila (see Matthew 6:26) ako pa kaya na anak Niya ang hindi Niya paglaanan? 

Yes, during this pandemic there were many times that I asked the Lord “paano na?” But you know what? He never failed! Maraming beses Siyang nagpadala ng pagkain. Maraming beses Siyang nagbigay ng trabaho. Maraming beses Siyang nagbigay para sa mga pangangailangan ng pamilya ko. For me, this only proves that my Father is the greatest provider. But through this process I realized that my Father’s presence is the greatest provision. 

 This pandemic may be a joy-stealer, but Jesus is my joy-giver! There may be days that I feel unloved, but Jesus is my lover. This might be a season of hunger, but God is my faithful provider. Kung parehas tayo ng mga naging karanasan at natutunan sa panahon ng pandemyang ito, tandaan mo, hindi ka nag-iisa sa pinagdadaanan mo. May nagmamahal sayo at lubusang nakakaunawa sa sitwasyon mo! 

Hindi ka mag-isa. Parehas tayong mahal Niya!

Venus Raj

Venus Raj

Venus is a passionate follower of Christ, who is devoted to spreading the gospel through the platforms God continues to bless her with. She holds the title of Miss Universe 2010 4th Runner-up and Bb. Pilipinas-Universe 2010. She is also actively involved in various ministries hosted by Christ Commission Fellowship church.
Venus Raj

Venus Raj

Venus is a passionate follower of Christ, who is devoted to spreading the gospel through the platforms God continues to bless her with. She holds the title of Miss Universe 2010 4th Runner-up and Bb. Pilipinas-Universe 2010. She is also actively involved in various ministries hosted by Christ Commission Fellowship church.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa