Kailangan Makita ng Iba Ang Katagumpayan mo sa Gitna ng Kahirapan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

May mga bagay na nagpapatibay sa ating kaluluwa laban sa mga panlilinlang ng kaaway gaya na lang ng kalakasang nabibigay ng isang kapatiran na makitang dumaraan sa paghihirap na may matitibay na pananampalataya. Pag nakikita natin ang iba na ika nga “walking through the valley of the shadow of death” na may purpose at kaligayahan sa ating Diyos, mapa paghihirap o karangyaan man, ang kanilang katapatan at tiyaga ay nagbubunga ng sariwang pag-asa at pagmamatyag. Ganon ang nagging impact ni Elizabeth Elliot sa akin (maging ang ibang kapatiran)

Siya at ang kanyang asawa, si Jim, ay ikinasal sa mission field sa Ecuador noong 1953. Makatapos lang ang tatlong taon, namatay si Jim kasama ang apat pang tao sa mga kamay ng mga grupo ng taong hinahayagan nila ng maganda balita, ang Huaorani tribe. Narinig ni Elizabetn ang balitang ito habang karga-karga niya ang kanilang sampung buwang anak na babae na si Valerie. Sulat niya,

“God’s presence with me was not Jim’s presence. That was a terrible fact. God’s presence did not change the terrible fact that I was a widow. . . . Jim’s absence thrust me, forced me, hurried me to God, my hope and my only refuge. And I learned in that experience who God is. Who he is in a way I could never have known otherwise.

 (Suffering Is Never for Nothing, 15)

Nag-asawa siya ulit makalipas ang labing anim na taon kay Addison, na siya namang pumanaw sa sakit na cancer makalipas ang apat na taon. Marahil ay mas malubha pa ang sinapit ng ilan sa atin, ngunit hindi marami sa atin ang mas pinilng makita ang mga magagandang bagay na kayang gawin ng Panginoon gaya ng ginawa ni Elizabeth. Ang kanyang patotoo ay nagpapaalala sakin ng isa pang sufferer, at yun ay si Apostol Pablo, na siyang nakaranas palagi ng kapighatian na may matinding kaligayahan at matiyagang pananampalataya.

Ang iyong paghihirap ay hindi isang klase ng paglihis o detour

ANG PAGHIHIRAP AY HINDI ISANG KLASE NG PAGLIHIS

Ang makulong ay hindi isang paglihis para kay Pablo. Habang ang iba, maging ang mga kapwa mananampalataya, ay maari siyang kaawaan dahil sa kanyang kalagayan, nakita niya ang kanyang pagkakabilanggo bilang isang opportunity upang maging daan sa paghahayag ng maganda balita. Sulat niya,

“Mga kapatid, ibig kong maunawaan ninyo ngayon na ang mga bagay na nangyari sa akin – maling naaresto, nakakulong, at iniwan para mamatay (Filipos 1:20) . . . ay nagbunga ng paglaganap ng ebanghelyo. (Filipos 1:12). Ang ebanghelyo ay hindi lang naka-survive sa kanyang pagkakabilanggo kundi mismo ang mag-prosper habang siya ay naghihirap, ito ay sapagkat siya ay naghirap.

Marahil ay wala sa atin ang tutugon ng ganito sa oras ng kahirapan. Ang hindi inaasahang kaguluhan sa buhay ay hindi natural na umaapaw sa maliwanag na pag-asa at pag-ibig na walang pag-iimbot. Kung ang biyaya ay hindi umiiral sa atin, tayo ay magiging hindi mahinahon, makasarili at mawawalan ng pag-asa. Tayo ay paniguradong susuko, titingin lamang sa ating sarili at hindi magiging concern sa pangangailangan ng iba. Hindi natin makikita ang ibang bagay na labas ng kadilimang ating nararamdaman.

Ngunit ang biyaya ng Diyos ang siyang gagawa na magreresulta sa mga kabaligtarang mga gagawin mo, lalo na sa panahon ng paghihirap. Ang paghihirap ay hindi isang hadlang, bagay na hindi kinakailangan, o lihis para kay Pablo, bagkus ito ay isang panimula ng isang bagay na pinakaiingatan niya: ang paghahayag ng magandang balita at ang kaluwalhatian ni Hesus.

ANG PAGHIHIRAP ANG NAGPAPAKITA NG MGA BAGAY NA ATING PINAPAHALAGAHAN

Paano lumalaganap ang magandang balita habang si Pablo ay nasa loob ng bilangguan? Sinabi niya ito sa next verse:

“Dahil dito, naging maliwanag sa lahat ng mga bantay sa palasyo at sa lahat ng iba pang tao na ako ay nakatanikala dahil kay Cristo. 14 Dahil sa aking pagkatanikala ang nakararami sa mga kapatid sa Panginoon ay lalong nagtiwala sa Panginoon, sila ay lalong naging malakas ang loob sa pangangaral ng salita nang walang takot.” (Filipos 1:13-14)

Ang paghihirap ay tapat na tumutulong sa magandang balita sa dalawang paraan. Una, ipinahayag nito ang ating layunin at kayamanan sa pamamaraan ng hindi kayang gawin ng pagiging komportable at pagiging secured. Alam ng lahat na si Pablo ay nakabilanggo para kay Kristo (Filipos 1:13). Marami sa kanila ay nakilala siya sa kanyang pagmamahal kay Hesus dahil siya ay nakakaranas ng hindi magandang trato at pagkakulong. Kung hindi siya nakaranas ng pagdurusa, hindi sana sila nakaranas ng pagbabago gawa ng kanyang kaligayahan at ng kanyang ipinahahayag.

Halimbawa, wala sigurong makakarinig ng ebanghelyo sa mga bantay ng bilangguan kung hindi siya nakulong. Marami ang hindi mamamangha sa pag-asa na nasasa-atin (1 Pedro 3:15) maliban na lang na tayo ay makaranas ng kahirapan na nangangailangan ng pag-asa (1 Pedro 3:13). Si Satanas, marahil, ay patuloy na inaakala na ang malaking usok ng kahirapan ang siyang magpapahina sa katapatan ng Diyos (Job 1:9-11), ngunit ang katapatan sa gitna ng paghihirap ay nagdadala ng mas lalo pang kaluwalhatian at mas nakaka-akit na kaliwanagan. Kapag ikaw ay nakakaranas ng kahirapan, isipin mo ang mga taong nakikita ang iyong hirap, at kung ano ang kanilang naiintindihan patungkol kay Hesus.

“Marami ang hindi mamamangha sa pag-asa na nasasa-atin maliban na lang na tayo ay makaranas ng kahirapan na nangangailangan ng pag-asa.”

WALANG IBANG MAS NAKAKASULONG NG EBANGHELYO GAYA NG PAGHIHIRAP

Isa rin sa pagtulong ng paghihirap sa pag-usad ng ebanghelyo ay pinapalakas at pinatatag nito ang ibang taong dumaranas din ng kahirapan. Muli, sinabi ni Pablo

Dahil sa aking pagkatanikala ang nakararami sa mga kapatid sa Panginoon ay lalong nagtiwala sa Panginoon, sila ay lalong naging malakas ang loob sa pangangaral ng salita nang walang takot. (Filipos 1:14)

Ang kanyang mga kaaway, mga taga-Jerusalem at sa spiritual realm, ay nagkaisa upang siya ay patigilin sa paghahayo sa pamamagitan ng pagkakakulong, ngunit hindi nila mapahinto, o kahit mapabagal man lang ang gawain ng ebanghelyo. Ang kanilang nasirang plano upang sirain ang espiritu at patotoo ni Pablo ay bagkus naging kasangkapan pa upang mag-alab at magpatuloy sa ministeryo. Habang siya ay nagkakaranas ng kahirapan, nahahayag naman ito sa ibang tao na mas lalo pang nagiging matapang sa paghayag. Sino sino kaya ang mga taong mas lalo pang magiging matapang sa paghayo ng ebanghelyo dahil patotoo mo bilang dumaranas ng hirap para kay Hesus?

Walang ibang mas nakakasulong ng ebanghelyo gaya ng paghihirap. Sa lahat ng nagmamahal sa Panginoon, ang lahat ng bagay ay hindi lang “magkalakip na gumagawa para sa kabutihan” (Roma 8:28) bagkus magkalakip din na gumagawa upang perpektong maipakita ang karunungan, kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos. Laban sa lahat ng mga kinakatakutan at mga haka-haka, Ang pagdanas ng kahirapan ay nagpapatunay lang ng paulit-ulit sa kapangyarihan ng ebanghelyo at mas napapabilis ang paglaganap nito sa pamamagitan ng pagiging patotoo sa ibang tao.

Wag mong isipin na ang kahirapan na dinaranas mo ay isa lang lihis sa dapat mong tahakin. Ang kahirapan ay marahil maging hadlang sa daan daang bagay sa buhay mo ngunit gagamitin ng Diyos ang ating mga kalungkutan upang mas lumaki ang maliit nating paningin patungkol sa Kanya. Ang pagdanas din ng kahirapan ay nagpapabilis sa paglaganap ng ebanghelyo sa hindi mo inaasahang bilis.

KAILANGAN MAKITA NG IBA ANG KATAGUMPAYAN MO SA GITNA NG KAHIRAPAN

Gaya ng nangyayari pag sinusuri natin ang salita ng Diyos, may mga salita sa Filipos 1:12-14 na hindi natin napapansin na kayang magbigay satin ng magandang utos: ibig kong maunawaan ninyo” Kahit si Pablo ay nasa gitna ng kahirapan at mga karumal dumal na bagay, Mas nag-aalala siya sa pananampalataya at kaligayahan ng iba kay Hesus kaysa sa kanyang dinaranas.

Gustong ipaalam ni Pablo sa iba na ano man ang mangyari, ay mapagkakatiwalaan ang Diyos at ang ebanghelyo ay kahit kalianman ay hindi mapipigilan, na si Hesus ay karapat dapat maging ano man ang lahat ng ating dinaranas. Hindi siya sumusulat, kahit sa bilangguan, upang kaawaan siya, bagkus upang umalab at lumakas ang kanilang katapatan. Makakaya kaya natin na tingnan ang sitwasyon gaya niya? Makita rin kaya natin na ang mga bagay na ito ay isang pagkakataon upang magbigay katatagan at inspirasyon sa ibang mananampalataya?

Sinulat din ni Pablo sa iba niyang liham,

 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Siya ang Ama ng kahabagan at Diyos ng lahat ng kaaliwan.Siya ang nagbibigay sa amin ng kaaliwan sa lahat ng aming kahirapan. Ito ay upang maaliw namin silang mga nasa kahirapan sa pamamagitan ng kaaliwan na kung saan inaliw kami ng Diyos. (2 Corinto 1:3-4)

Hindi man natin alam lahat ng mga mabubuting plano ng Diyos sa gitna ng kahirapan, ngunit alam natin na ang ating dinaranas ay ginagamit Niya upang maging kaaliwan sa iba. Ito ay nangangahulugan na tayo ay daranas ng palagiang kahirapan at minsan pa ay kahirapang malubha at hindi natin ito marahil maiintindihan ngayon dahil hindi pa natin makikita ang taong mako-comfort ng ating patotoo. Ang malubhang kahirapan ay nangangailangan ng malubhang comfort galing sa Panginoon, na siyang huhubog satin maging comfort sa iba.

“Ipinahayag ng paghihirap ang ating layunin at kayamanan sa pamamaraan ng hindi kayang gawin ng pagiging komportable at pagiging secured.”

Deepest Waters and Hottest Fires

Sa lahat ng nawalang mga tao at sa mga bagay na nalagpasan ni Elizabeth Elliot, kaya parin niyang sabihin,

“The deepest things that I have learned in my own life have come from the deepest suffering. And out of the deepest waters and the hottest fires have come the deepest things that I know about God”. (Suffering Is Never for Nothing, 9)

Kung dumating man itong deep waters at hot fires sa buhay ko, gusto kong makita ang paggawa ng Diyos gaya ng nakita niya, at gusto kong tumulong sa iba na parehong dumaranas din ng kahirapan na dala dala ang bungang espiritwal at pag-asa sa Diyos

Si Elliot ay nawalan ng dalawang asawa, isa ay pinatay at isa naman sa cancer. Si Pablo naman ay nakaranas ng pagkakabilanggo, mga pagkutya, mga latay at iba pang masasamang bagay. Ngunit ang kalubhaan ng kanilang dinanas ay hindi nagging balewala sa atin. Ano mang kahirapan, sakit, dismaya, at problema ang pahintulutan ng Diyos, maliit man o malaki, ay nararapat lang na maging ehemplo satin si Pablo na magsasabing  Dahil dito, naging maliwanag sa lahat ng mga bantay sa palasyo at sa lahat ng iba pang tao na ako ay nakatanikala dahil kay Cristo”

Gugustuhin nating makita ng iba si Hesus sa kung paano natin Siya nakikita pagtayo sa may kinakaharap na problema sa ating trabaho. Gugustuhin nating ma-engganyo ang kapatiran na magpatuloy sa pananampalataya dahil ang patotoo natin ay ang palaging magpuri sa Panginoon kahit na may problema ang ating sasakyan o ang ating bahay ay lunod na sa baha. Gugustuhin nating maging inspirasyon sa ibang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag patungkol kay Hesus dahil lang sa nakita nila tayong naghayag din sa kapitbahay, kahit pa ito ay tinanggihan ng mga ito. Ano man ang ating danasin na paghihirap, maliit man o malaki, gugustuhin natin na makita nila ang Diyos na mapagkakatiwalaan at ang nagbibigay ng satisfaction.

Kailangan makita ng iba ang katagumpayan mo sa gitna ng kahirapan kasama ang Panginoong Hesus. Kailangan makita nila na pinanghahawakan mo ang Kanyang mga pangako, inaaring ganap ang kanyang pakikipag-kaibigan sayo, at patuloy na pinupuri ang Kanyang pangalan kahit ang buhay ay mabigat sayo. May ibang tao na hindi man nila alam kung gaano nila kailangang makita ang katagumpayan mo sa dinaranas na hirap dahil ang kanilang kahirapang daranasin ay hindi pa dumarating, ngunit darating ito, at pag dumating na ito, ay maaalala nila ikaw nang ikaw ay dumaranas din ng kahirapan.

This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by Marshall Segal for Desiring God. To read the original version, click here.

Paulo Radomes

Paulo Radomes

Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com

Marshall Segal

Marshall Segal

Marshall Segal is a writer and managing editor at desiringGod.org. He’s the author of Not Yet Married: The Pursuit of Joy in Singleness & Dating. He graduated from Bethlehem College & Seminary. He and his wife, Faye, have two children and live in Minneapolis.
Marshall Segal

Marshall Segal

Marshall Segal is a writer and managing editor at desiringGod.org. He’s the author of Not Yet Married: The Pursuit of Joy in Singleness & Dating. He graduated from Bethlehem College & Seminary. He and his wife, Faye, have two children and live in Minneapolis.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,