Mga Taga-Efeso 5:25-26
[25]Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya
[26]upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita.
kung ang Unconditional Love ng Diyos ay isang bagay na inaasahan mo lang, kahit maganda ang umasa dito, ngunit ito ay maituturing na isang maliit na gawain.
ang Unconditional Love ng Diyos ay hindi maituturing na “sweetest experience” maliban na lamang kung ipinapahayag nito ang mensaheng “Ginawa kita ng parang katulad ng aking Anak na natutuwa akong makita ka at makasama ka palagi. Ikaw ay kaaya-aya sa Aking mga mata dahil nagliliwanag ka dahil sa aking kaluwalhatian”
Ang “sweetest experience” na ito ay naka-condition sa ating transformation na maging mga uri ng tao na ang emosyon, kalooban at mga gawa ay kalugod-lugod sa Panginoon.
Ang Unconditional Love ay ang pinagmulan at pundasyon ng transformation ng tao na kung saan ang tamis ng conditional love ay nagiging posible. Kung hindi tayo minahal ng Diyos unconditionally, hindi Niya tayo nanaisin dahil sa ating hindi kaaya-ayang buhay, hindi Niya tayo kukupkupan sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi Niya tayo gagawing isa kay Kristo, hindi Niya satin ibibigay ang Kanyang Espiritu, at maging progresibo gaya ni Kristo.
ngunit noong Tayo ay Kanyang pinili unconditionally at pinadala si Kristo upang mamatay para sa atin, at binuhay tayo, ito ay naging sanhi ng simula ng ating patuloy at hindi mapipigilang transformation na nagsisilbing kaluwalhatian sa atin. Binibigyan Niya tayo ng isang karangyaan na nagtataas sa atin sa antas na tayo at Kanyang aariin ganap.
Nakita natin ito sa Efeso 5:25-27
“. . . pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay (Unconditional Love) para sa iglesya upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin. . . upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili bilang isang maluwalhating iglesya. – ang isang condition kung saan Siya ay nalulugod.
Tunay na nakakamangha na tayo ay mapaburan ng Diyos kahit at habang tayo ay makasalanan at ang pinakamagandang bagay sa lahat ng ito ay ang Kanyang Unconditional Love na siyang maghahatid sa atin sa walang hanggang kaaliwan ng Kanyang maluwalting presensya.
ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahang ito ay hindi lang natin makita ang kanyang kaluwalhatian kundi pati narin mag-reflect din ito sa atin.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:12
[12]Sa gayon, mapaparangalan ninyo ang ating Panginoong Jesus, at kayo naman ay pararangalan din niya, ayon sa kagandahang-loob ng Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by John Piper of Desiring God.
To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-gods-love-is-sweetest