Limang Layunin para sa Paghihirap

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. (Roma 8:28)

“Bihira natin malaman ang maliliit na dahilan ng ating paghihirap, pero nagbibigay ang Bibliya ng malalaking dahilan na nakakapagpatibay ng ating pananampalataya.

Maganda na may paraan tayo para maalala ang ilan sa mga ito para kapag bigla tayong nagdusa, o may pagkakataon tayong tulungan ang iba sa kanilang pagdurusa, maalala natin ang ilang katotohanan na ibinigay ng Diyos para hindi tayo mawalan ng pag-asa.

Narito ang isang paraan para maalala: 5 R’s (o kung mas madali, pumili lang ng tatlo at subukang tandaan).

Kasama sa malalaking layunin ng Diyos sa ating pagdurusa ang:

Pagsisisi: Ang pagdurusa ay tawag para sa atin at sa iba na talikuran ang pagpapahalaga sa anumang bagay sa mundo higit sa Diyos. Lucas 13:4–5:

“‘Yung labing-walo na pinatay nung bumagsak ang tore sa Siloam: sa tingin niyo ba mas masasama sila kumpara sa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi, sabi ko sa inyo; pero kung hindi kayo magsisisi, mamamatay din kayo sa parehong paraan.'”

Pagtitiwala: Ang pagdurusa ay tawag para magtiwala sa Diyos at hindi sa mga bagay na nagbibigay-buhay sa mundong ito. 2 Corinto 1:8–9:

“Labis kami sa pagdadalamhati na akala namin katapusan na ng buhay namin. Sa totoo lang, naramdaman namin na parang hinatulan na kami ng kamatayan. Pero yun ay para magtiwala kami hindi sa sarili namin kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay.”

Katuwiran: Ang pagdurusa ay disiplina ng ating mapagmahal na Ama sa langit upang tayo ay magkaroon ng kanyang katuwiran at kabanalan. Hebreo 12:6, 10–11:

“Ang Panginoon ay nagdidisiplina sa minamahal niya, at pinarurusahan ang bawat anak na tinatanggap niya.” . . . Disiplina niya tayo para sa ating kabutihan, upang tayo’y magkaroon ng kanyang kabanalan. Sa ngayon, ang lahat ng disiplina ay tila masakit at hindi kaaya-aya, pero sa huli, ito’y nagbubunga ng mapayapang bunga ng katuwiran sa mga sinanay nito.

Gantimpala: Ang pagdurusa ay gumagawa para sa atin ng malaking gantimpala sa langit na higit pa sa bawat pagkawala dito ng libo-libong beses. 2 Corinto 4:17:

“Ang magaan at sandaling paghihirap na ito ay naghahanda para sa atin ng walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi kayang ihambing.”

Panghuli, Paalala: Ang pagdurusa ay nagpapaalala sa atin na sinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo upang magdusa para ang ating pagdurusa ay hindi maging hatol ng Diyos kundi kanyang paglilinis. Filipos 3:10:

“. . . na makilala ko siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, at makibahagi sa kanyang pagdurusa.”

Kaya, naiintindihan na ang Kristiyanong puso ay sumisigaw sa pagdurusa, “Bakit?” dahil hindi natin alam ang karamihan sa maliliit na dahilan ng ating pagdurusa — bakit ngayon, bakit ganito, bakit ganito katagal? Pero huwag hayaan na ang hindi pag-alam sa maliliit na dahilan ay magpabalewala sa malaking tulong na ibinibigay ng Diyos sa kanyang salita sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang malalaking layunin para sa atin.

“Narinig niyo na ang katatagan ni Job, at nakita niyo ang layunin ng Panginoon, kung paano ang Panginoon ay maawain at mahabagin. (Santiago 5:11)”
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/five-purposes-for-suffering

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Dahilan Para Bumalik

“Pabalikin mo kami, O Panginoon, upang kami ay muling magbalik!”  “Walang pag-asa ang mga tao ng Diyos maliban kung sila’y ibalik ng Diyos mula sa

John Piper

Alam Niya ang Iyong Pangangailangan

”Kaya huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o susuotin. 32 Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga taong hindi kumikilala